Jason Abalos admits shortcomings in relationship with PBB housemate Vickie Rushton

Jason Abalos reacts to girlfriend Vickie Rushton’s revelations in Pinoy Big Brother All In: “Ako, wala sa akin. Ako nabigla rin ako. Napanood ko.”


“Kailangan naming mag-usap. Sobrang dami naming kailangang pag-usapan. Kasi, ’di ba, may mga ganitong lumabas na hindi ko alam?”

Ito ang sagot ni Jason Abalos tungkol sa naging mga pahayag ng kanyang girlfriend na si Vickie Rushton, isa sa housemates sa Pinoy Big Brother All In.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang TV crew si Jason sa press conference ng Cinemalaya entry na S6parados, kahapon, Huwebes, July 24.

Kamakailan, inamin ni Vickie na nababahala siya sa natanggap niyang text mula kay Jason noong kasagsagan ng bagyong Glenda.

Wala raw kasing “I love you” sa mensahe ng nobyong aktor at nararamdaman niyang may nag-iba na sa kanilang relasyon.

Nag-aalala ang Fil-British beauty queen na baka ang pagpapareha sa kanya at sa Brazilian model-actor na si Daniel Matsunga sa loob ng PBB house ang dahilan ng biglang panlalamig sa kanya ni Jason.

Read: Vickie Rushton says boyfriend Jason Abalos should have no reason to be jealous of Daniel Matsunaga



JASON’S SIDE. Bilang reaksiyon naman sa pahayag ni Vickie, sinabi ni Jason na hindi niya inisip na dinamdam pala ito ng girlfriend.

“Okay naman ako. Parang kumbaga, may issues kami na hindi ko alam.

“Bago siya pumasok, okay pa kami.

"Galing pa kami ng States, so siguro yung issues na binabanggit niya dun, matagal na.

"Baka nagkataon lang na naalala niya bigla na, ‘Ay, oo nga pala.’”

Dahil sa pag-amin ni Vickie, naisip ni Jason na may mga problema pala silang tumatak sa kasintahan.

“Siguro kasi dala niya, e. Ako, wala sa akin.

"Ako, nabigla rin ako. Napanood ko.

“Nung una, parang cute pa nga, e… naglalambing.

"Parang, ’Paglabas nito, gusto nito ganito gawin ko.’

"So, parang sa akin, yun ang naramdaman ko.

“Pero nung medyo nauulit-ulit na, sabi ko, seryosong bagay na ito.

"Dun ko lang na-realize na, ‘Oo nga, may pagkukulang pala ako bilang boyfriend niya.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit ni Vickie sa pahayag niya na hindi raw masyadong expressive si Jason sa kanya.

Pero depensa ni Jason sa sarili, “Siguro nagkataon lang na nung mga unang panahon na kami, wala akong trabaho.

“Nagkaroon ng Maria Mercedes, medyo iwas ako sa paglabas.

"Kasi ’pag TV naman talaga, puyatan, paguran.

"Yung free days ko, nasa bahay lang ako, nagpapahinga.”

Ayon pa kay Jason, nagbibigay naman siya ng oras kay Vickie noong abala na siya sa taping, pero mas nagpapahinga raw siya sa bahay.

"Kasi parang ayoko rin naman lumalabas na pagod ka, so nasasayang lang.

"May curfew pa siya, kasi magkikita kami, sobrang bilis lang."

THE REASON. Pinagbasehan ni Vickie ang sapantaha niyang may nagbago sa kanila ni Jason nang mabasa niyang walang “I love you” ang text sa kanya ng boyfriend.

Pero ipinaliwanag ni Jason kung bakit walang “I love you” sa kanyang text message para sa girlfriend.

Saad niya, “Unang-una, may bagyo [Glenda], lahat naman tayo nakaranas naman tayo ng sobrang lakas ng bagyo.

"Wala pang kuryente sa bahay. Hindi mo na maiisip na kailangan mong bigyan pa nung ganun.

“Ako rin, nagulat ako na ganun ang magiging reaction niya.

"Siguro dahil nasa ibang lugar siya na walang nakakausap na pamilya, siguro naghahanap siya ng ganitong bagay.”

Dahil sa pagsasalita ni Vickie, marami raw napagtanto si Jason.

“Sa part ko, bilang boyfriend niya, alam ko may pagkukulang ako. Marami akong na-realize,” pag-amin ng Kapamilya actor.

Hindi rin daw siya galit kay Vickie kung nagsalita man ito sa PBB house at alam na ng publiko ang tungkol sa relasyon nila.

“Hindi naman nakakahiya. Para sa akin, siya sobrang naïve siguro.

"Hindi niya lang alam siguro kung ano ang puwedeng mangyari ’pag nagsabi siya ng problema dun.

"Wala siyang idea sa showbiz.”

NOT JEALOUS OF DANIEL. Wala rin daw dahilan si Jason para magselos kay Daniel Matsunaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tingin ko, biktima lang kami pare-parehas ng isang show, kasi wala naman talaga.

“Yung kay Daniel-Vicky, wala naman talaga. Sila naman ang nagsasabi sa loob na wala talaga.

“Kaya ’pag nasa isang lugar na kayo-kayo lang, biru-biruan… maganda si Vickie, guwapo si Daniel.

"Parang sila lang yung medyo may edad dun na puwedeng loko-lokohin ng mga housemates."

Hindi man madali ang kanilang sitwasyon, dahil hindi pa sila makakapag-usap, kumpiyansa si Jason na maaayos din nila ni Vickie ang kanilang problema.

Sabi niya, “Sa issues namin, sobra akong nasasaktan.

"Pero siyempre, ang pinanghahawakan ko talaga, yung huling usap namin bago siya pumasok.

"Huwag akong maniniwala o makikinig sa lahat ng sasabihin ng ibang tao. Kami lang ang mag-uusap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN