Jake Vargas and Bea Binene defeat bigger celebrity couples

Jake Vargas does not mind working with girlfriend Bea Binene. “Nandiyan na ‘yan, e. Mas maganda yung ituloy na lang kaysa puputulin lang.”


Ikinatutuwa ni Jake Vargas na patuloy ang pagdami ng followers nila ng kasintahang si Bea Binene.

Sa katunayan, nagulat ang real-life young couple sa pagkapanalo nila bilang Celebrity Couple of the Year sa ginanap na Yahoo! Celebrity Awards kamakailan.

Tinalo ng dalawa ang iba pang celebrity couples na sina Angel Locsin at Luis Manzano, Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, at Marian River at Dingdong Dantes.

Ang pagpili sa nasabing award ay base dami ng boto mula sa Internet users.

Sabi ni Jake, “Sobrang nakakatuwa kasi, kahit papaano, nandun pa rin yung suporta ng mga tao.

“At saka kinakabahan kami nung time na yun kasi hindi rin namin alam, e.

“Kumbaga, surprised din kami, hindi namin ine-expect, kaya nagulat kami ni Bea.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng fans na bumoto sa amin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Jake sa set ng Pepito Manaloto kahapon, July 24.

Sa paglaki ng fan base nila bilang couple, hindi ba sila nape-pressure na panatilihin ang kanilang personal na relasyon?

Sagot ni Jake, “Hindi. Trust din naman. At saka kung paano namin hina-handle yung kami, okay kami.”

Sa ngayon, kinakaya raw ng magkasintahan na pagsabayin ang kanilang personal na relasyon at ang kanilang showbiz career.

Sabi ni Jake, “Kaya naman naming pagsabayin yung showbiz at yung [relasyon namin], kasi magkasama rin naman kami sa trabaho, kaya okay lang.”

Bukod sa madalas na pagsasama sa TV projects, may pelikula rin daw na gagawin sina Jake at Bea.

Dagdag pa ni Jake, mas mabuti nga kung magkasama sila sa isang proyekto.

Katuwiran niya, “Nandiyan na ‘yan, e. Mas maganda yung ituloy na lang kaysa puputulin lang.”



FIRST CINEMALAYA MOVIE. Samantala, excited naman si Jake sa pagsisimula ng taunang Cinemalaya Independent Film Festival.

Kasama kasi siya sa isa sa mga entry para sa Directors’ Showcase category, ang Asintado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang unang pagkakataong mapasama siya sa naturang independent film festival dahil, “Sobrang nae-excite ako kasi ang ganda ng istorya, e.

“At saka lahat ng nandun sa istorya, reality ang gagawin mo.

“Sobrang nakaka-excite ang movie.”

Kasabay ng excitement, kinakabahan din si Jake dahil kabilang naman sa mga makakalabang pelikula ng Asintado ang pelikula nina Nora Aunor (Hustisya) at Dennis Trillo (The Janitor).

Gayunman, umaasa ang Kapuso young actor na makakuha ng award ang kanilang pelikula.

Sa tingin niya, may laban ang Asintado dahil, “Nakita ko yung kalahati ng istorya [noong dubbing], okay naman.

“Sa istorya, may aral siya para sa aming mga kabataan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN