Rocco Nacino reveals how Lovi Poe said "yes" in Paris: "Sabi ko, itutulak ko siya pababa ng Eiffel Tower pag nag-no siya.”

Rocco Nacino is excited to be working again with Kris Bernal, his co-star in two previous projects, Koreana and Time of my Life. Their upcoming TV series on GMA is Hiram Na Alaala, which will be topbilled by Dennis Trillo.


Noong April 16 sinagot ni Lovi Poe si Rocco Nacino sa Eiffel Tower sa Paris, France.

“Pinalano ko na first leg ng trip namin, yung Paris, pero dahil sa mga circumstances napunta sa last leg yung Paris talaga,” ang kuwento ni Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong July 22 para sa indie movie niyang Hustisya with Nora Aunor.

Entry din ang Hustisya, na idinirehe ni Joel Lamangan, sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival o Cinemalaya X.

Paano naman niya na-assume na sasagutin nga siya ni Lovi sa nasabing romantikong lugar?

“Well, siguro naramdaman din siguro niya na it was headed towards that na rin.

“Hindi ako kampante nun, kinakabahan din ako, paano kung mag-no,” at natawa si Rocco.

“So sabi ko sa kanya, inaasar ko siya na may plan B naman ako, na itutulak ko siya pababa ng Eiffel Tower pag nag-no siya,” at muling tumawa ang binata.

Hindi raw nila naakyat ang pinakatuktok ng Eiffel Tower, “kasi gabi na ’tsaka sobrang dami ng tao na gustong umakyat ’tsaka malakas yung hangin.

"Hanggang second floor lang, kapag tumingin ka sa itaas umiilaw na siya.

"So parang mas maganda yung view namin sa second floor."

Dugtong pa ni Rocco tungkol sa girlfriend na si Lovi, “Sabi niya, hindi siya nag-regret na nag-yes siya.”

TOO EARLY TO TALK ABOUT WEDDING. Sa ngayon, hindi pa kasama sa agenda ng dalawa ang kasal.

“Ah hindi!

“May nagbibiro sa amin but then tumatawa lang kami and just shrug it off kasi it’s too early for that.”

Mga ilang taon pa ba bago sila mag-isip tungkol dito—lima o sampung taon?

“Madami pa, I can’t say talaga, matagal pa... in that range din, ten years pa siguro.

"Dami pang gusto niyang gawin. Ako rin, e."

BILMOKO, NOT. Matagal nang gusto ni Rocco si Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since day one nang nakilala niya ang aktres, crush na raw niya ito.

“I had a crush on her, nag-bloom na nang nag-bloom when we started working together.

"Iyon nga, like what I’ve said, ang maganda dun, we started off as friends, e.

“Maganda yun kasi nung parang nag-decide na ako na parang I want to take it to a new level, malalim na yung friendship namin.

“Maganda yung timing.”

Mahigit kalahating taon daw niyang niligawan si Lovi.

At taliwas sa mga dating lumabas sa balita, hindi raw high-maintenance girlfriend si Lovi. “No, no, no!"

Okay lang daw kay Lovi kahit saan lang sila kumain o mamasyal.

“Oo! Parehas kaming foodies, mahilig kami sa pagkain.

"So basta masarap, kahit simpleng pagkain lang ’yan, okay sa kanya yun.”

Pero sa isang class at mamahaling lugar ng Paris siya sinagot ni Lovi, biro namin kay Rocco.

“Pero sa Paris, very practical din kami dun. Yung McDo, tinry namin yun dun, nag-Chinese [food] pa rin kami.”

Hindi rin daw “bilmoko girl” si Lovi na mahilig magpabili ng kung anu-ano, “Hindi, hindi! Hindi siya ganun. She’s very independent.”

Sa separate interview, naikuwento ni Lovi na tinulungan ito ni Rocco na tumawad sa mga paintings na nakita nila sa kanilang European tour.

“Today nga, ipapa-frame niya yung painting niya so she’s very excited.

“Nakuha ko yun sa mom ko, yung pagtawad.

"Siyempre, kailangang praktikal din tayo, ayun nakatikim ang mga Italyano ng Filipino style ng pagtawad,” at natawa si Rocco.

NEW TV SERIES. Samantala, ang upcoming drama series ni Rocco sa GMA ay ang Hiram Na Alaala. Nagsimula na raw ang kanyang taping noong July 23.

Kumusta ang balik-tambalan nila ni Kris Bernal na nakasama niya sa Koreana at Time Of My Life?

“’Eto siyempre kahit ano, kampante na kami sa isa’t-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s been a long time so ayun parang mangangapa ulit ako.

"But then excited ako kasi maganda rin yung chemistry naming dalawa.”

Pangalawang beses na ring makakatrabaho ni Rocco si Dennis Trillo sa bagong teleserye. Unang project na nagkasama sila ay ang Gumapang Ka Sa Lusak.

“Dalawang beses ko na siyang nakatrabaho na pala, the other one was for a Lenten special.”

May extra effort ba siyang galingan ang pag-arte kapag mahusay ang kasama niya?

“Ano ako e sa lahat ng artista na may pangalan na, siyempre nai-starstruck ako kapag nandiyan sila.

"Pero when it comes with the scene, I make it a point na kapag magte-take na, out na yung pagiging starstruck.

"Eksena na, in character na ako dapat.

“So it’s just the same, kapag kay Dennis ano, in character na ako dapat.”

Gaganap sila ni Dennis na sundalo sa Hiram Na Alaala, sa direksyon ni Dominic Zapata.

“Yung character is very challenging, very organized.

"Uptight yung attitude niya kaya excited akong paglaruan itong character na ito.

“Very different from Dennis’s [character].”

MEDICAL SCHOOL. Isang registered nurse si Rocco at balak daw niyang mag-aral ulit at magtapos ng medicine.

Banggit niya, “I plan to go back to medical school na."

Pero, "Baka kailangan pang maghintay yun."”

Kailan niya planong mag-aral ulit?

“Siguro, it depends, mga six, seven years, depende sa career ko sa showbiz.

"So kung mainit pa ako sa showbiz, siyempre it has to wait.

"But ang alam ko, when it comes to learning naman, at any age puwede pa rin yun, e.”

Bakit niya naisipan na mag-doktor?

“Ang original plan ko talaga, pediatrics medicine, stepping stone ko talaga yung nursing.”

Hindi na niya naituloy sa medicine dahil naging artista na siya.

Mahilig daw si Rocco sa mga bata kaya pediatrics ang nais niyang maging specialization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka tingin ko, may special touch ako sa mga bata.

"And along with my nursing skills, with care, mas magagamit ko siya sa paggamot sa mga bata.”

Tiyak na magiging mahusay rin siyang ama balang-araw, “Oo,” tumatawang bulalas ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN