Ai-Ai delas Alas advises Aljur Abrenica to look for other consultants over his complaint against GMA

Masaya si Ai-Ai delas Alas sa kanyang kauna-unahang indie film na Ronda, kung saan bukod sa pagiging artista nito, isa rin siya sa producers ng naturang indie film. Hindi naman siya umaasang magkaroon ng award para rito, pero yung ma-nominate lang daw siya ay isa nang malaking karangalan para sa kanya.


Masama ang pakiramdam ni Ai-Ai delas Alas nang humarap sa presscon ng kanyang indie film na Ronda kaninang tanghali, July 25.

Pero bago pa man pag-usapan ang tungkol sa kanyang indie film, nagawi muna ang talakayan sa kontrobersiyal na paghahain ng reklamo ni Aljur Abrenica laban sa GMA.

Gusto nang makawala ni Aljur sa istasyon at sa kanyang kontrata na tatagal pa hanggang 2017.

Hindi na rin daw kasi nagtutugma ang mga gusto niyang mangyari sa kanyang career at sa gusto namang gawin ng istasyon para sa kanya.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

View: Aljur Abrenica files complaint to end GMA contract

Watch: Aljur wants to be free from GMA-7



THE LINK. Taong 2011 nang ma-link sina Ai-Ai at Aljur.

Lumaki ang balita noon na diumano’y gustong bigyan ng komedyana ng luxury car na Porsche ang Kapuso hunk.

Pero walang katotohanan ito dahil biru-biruan lang ni Ai-Ai at ng kanyang mga kaibigan ang tungkol dito.

Para naman kay Aljur, isa lang siyang tagahanga ni Ai-Ai kaya natutuwa siyang nakilala niya ito.

Simula noon, naging magkaibigan na sila.

Read: Aljur Abrenica explains involvement with Ai-Ai delas Alas; denies blaming Ryza Cenon for poor ratings of Machete

Sa presscon ng Ronda, na ginanap sa Tiago Restaurant, Sct. Fuentebella St., Quezon City, tinanong si Ai-Ai kung ano ang masasabi niya tungkol sa naging hakbang ni Aljur laban sa Kapuso Network.

Pabiro muna niyang sabi, “Hindi kaya dahil gusto niya akong sundan sa ABS-CBN?

“A, paano ko ba ‘to sasagutin...

"Una, tatagan niya yung loob niya.

"Pangalawa, kumuha pa siya ng ibang consultant regarding sa matter na ‘to kasi medyo mabigat ‘to, e.

“Marami kasing magiging makakaladkad dito, e... about mga utang na loob, lalabas diyan.

“Mga… bakit ito yung pamilya mo na iiwanan mo. Basta marami.

“Siguro ang best ko na lang na masasabi sa kanya, tatawagan ko siya at bibigyan ko siya ng payo sa personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi naniniwala pa rin ako dun sa sinasabi nila, ’Don’t burn bridges.’ Medyo mabigat kasi yung nangyari e.

“Naging maingay, sana tahimik na ginawa yung mga bagay-bagay.”

RONDA. Dahil medyo napahaba na ang usapan tungkol kay Aljur, nagbiro si Ai-Ai na hindi naman ang Kapuso actor ang nagpatawag ng presscon kaya bumalik na ulit sa Ronda ang topic ng discussion.

Ang Ronda ay entry sa Cinemalaya Independent Film Festival na magsisimula na sa August 1.

Isa rin siya sa producers ng pelikula. Hindi ba siya natatakot sa risk na pinasok niya bilang isa nang Comedy Queen ’tapos ay biglang pumasok sa indie filmmaking?

Tugon ni Ai-Ai, “Bakit naman masama? Pinayagan nga ako ni Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director], e, hindi masama.

“Matagal ko na talagang plano na gumawa ng isang indie film.”

Sa pelikula, ginagampanan ni Ai-Ai ang papel ng isang policewoman na rumuronda sa notorious na lugar na kanyang nasasakupan.

Ang isa raw sa pinakamabigat na eksena sa pelikula ay ang paghuli niya sa kanyang anak na pumatay sa sarili nitong girlfriend.

Paano niya hinandle ang pagiging seryoso ng kanyang karakter bilang isa talaga siyang komedyana?

Nakangiting sabi ni Ai-Ai, “Siguro isa ’yan sa mga hidden talents ko, na marunong akong umarte ng drama.

"Pero simple lang naman yung arte ko dito, hindi naman yung ’uy-bigyan-niyo-ako-ng-award acting.’ Ano lang, for experience also.”

Ano ba ang expectations niya sa Ronda?

Sabi ni Ai-Ai, “Na ma-appreciate naman nila dito yung acting ko.”

Sa August 3 ang gala night ng Ronda sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

“‘PAG PATAY NA LANG AKO.” Plano raw ni Ai-Ai na mag-produce pa ng mga makabuluhang indie films.

Kung sakaling may gustong gumawa ng kanya namang life story, papayag kaya siya?

Seryosong sagot ni Ai-Ai, “’Pag patay na lang ako.

"Uso na kasi ang bashing ngayon, hindi pa nag-aano yung film ko, bina-bash na nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sasama lang ang loob ko.

"Anybody or whoever can bash you, iba na buhay ngayon.”

Naaapektuhan pa din ba siya?

Sagot niya, “Siyempre naman kahit konti, kasi ang feeling ko kasi, nagkaroon sila ng avenue, e, para siraan ka lang, siraan kahit hindi ka naman kilala.

“Yung iba, walang picture. Yung iba, kakagawa lang, itlog lang [ang profile picture].

"Gawa-gawa lang para siraan ka, which is napakaano, pangit.

“Kasi hindi ‘yan uso noong araw, e.

"Noong araw, press lang ang nagsusulat sa ’yo nang pangit, o ’pag pangit ang gawa mo or natutuwa sila sa ’yo.

“Pero ngayon, kahit sino na lang. Hindi ako natutuwa.

"Below the belt kasi, kahit ’di mo kilala.

"So, kahit sino na lang, may avenue na sila para siraan ka."

Nitong nakaraang mga linggo, ang kanyang anak na dalaga na si Sophia ang nagtanggol sa komedyana laban sa bashers.

Sa official account nito sa Tumblr, pinatutsadahan ni Sophia ang mga nambabatikos sa kanyang ina.

Labis naman itong ikinatuwa ni Ai-Ai.

Saad niya, “Ano ng anak yun, e... lahat naman siguro, kahit na sinong bata—showbiz man o nanahimik sa ibang bansa—‘pag nanay ang sinasaktan, siyempre papalag yun.”

Pati ang kanyang panganay na si Sancho ay paminsan-minsan na ring sinasangga ang mga birada ng bashers.

Pagmamalaki naman ni Ai-Ai, “Sabi ko sa sarili ko, malalaki na talaga na talaga yung mga anak ko dahil ipinagtatanggol na nila ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN