Kris Bernal surprised by Aljur Abrenica’s move to terminate his contract with GMA

Kris Bernal on Aljur Abrenica’s present situation: “I just hope everything would turn out fine. Sana misunderstanding lang na puwede pang maayos. My best wishes in your career. Alam mong nandito lang ako lagi for you. I’ll be praying for your inner peace.”


Ikinagulat ni Kris Bernal ang desisyon ni Aljur Abrenica na maghain ng reklamo laban sa GMA Network upang ipawalang-bisa na ang kontrata nito.

Magka-batch sina Kris at Aljur sa Season 4 ng reality show ng GMA na StarStruck, kung saan pareho silang nagwagi.

Si Kris ay nanalong Ultimate Loveteam, katuwang si Martin Escudero, at si Aljur naman ang itinanghal na Ultimate Hunk.

Pagkatapos ng StarStruck ay pinagtambal sina Kris at Aljur sa maraming proyekto; kabilang na ang Dyesebel, Dapat Ka Bang Mahalin?, All My Life, The Last Prince, Coffee Prince, at ang pinakahuli ay ang Prinsesa Ng Buhay Ko.

Inilunsad din ang tambalan nila sa pelikula ng Regal Films na Nandito Ako... Nagmamahal Sa ‘Yo (2009).

Kasalukuyang nasa Dipolog City si Kris para sa regional show doon ng Kapuso network.

Sa pamamagitan ng telepono ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, July 25, upang kunin ang kanyang reaksiyon sa paghahain ni Aljur ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract sa Quezon City Hall of Justice kahapon.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Pahayag ng Kapuso actress, “I was surprised by his decision because, as I can see it, he has been given much importance by the network.

“I believe the network values him as one of its prime leading men.”

Kung si Aljur ay hanggang first quarter ng 2017 pa ang kontrata sa GMA, si Kris naman daw ay hanggang 2016 pa ang kontratang pinirmahan niya.

May pagkakataon din bang naisip ni Kris na umalis sa Kapuso network o hindi siya naging satisfied sa pagpapatakbo ng kanyang career?

Sagot niya, “Well, as for me, I am totally grateful for GMA because hindi naman nila ako pinababayaan.

“Napapahinga man ako ng matagal, pero naniniwala ako na hinahanda lagi ng network kung anong show ang makakabuti at makakatulong para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat, nasa plano nila ‘yan.

“Malaki ang tiwala ko sa network dahil sila ang nagpalaki sa akin.”

INNER PEACE. Sa loob ng mahigit pitong taon nila sa showbiz, sina Kris at Aljur ang madalas ipareha sa kanilang mga proyekto.

Sa parte ni Kris, kuntento ba siya sa mga naibibigay sa kanilang programa ng Kapuso network?

“Yup,” sagot niya.

“I treasure every project that is given to me by the network.

“Yung pagiging artista ko is a great gift, kasi ito talaga ang passion ko.

“And being given lead roles ay talaga namang umaapaw na blessings.

“Sa mga shows na ibinigay sa akin ng network, doon natupad ang mga pangarap ko.

“Dati, masayang-masaya na ako na artista na ako paglabas ng StarStruck, hindi ko akalain na aabot ako na maging bida ako sa mga soaps.

“That’s why I’m very grateful to GMA.”

Bilang kaibigan at ka-loveteam ni Aljur, ano ang mensahe ni Kris sa sitwasyong kinakaharap nito ngayon?

Saad niya, “I just hope everything would turn out fine.

“Sana misunderstanding lang na puwede pang maayos.

“My best wishes in your career. Alam mong nandito lang ako lagi for you.

“I’ll be praying for your inner peace.”



NEW SOAP. Sa isang banda, kung si Aljur ay nakatapos na ng isang prtimetime series, ang Kambal Sirena, pagkatapos ng pinagsamahan nilang Prinsesa ng Buhay Ko, si Kris naman ay ngayon pa lang nagsisimula ng kasunod niyang teleserye.

Ito ay ang Hiram Na Alaala kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo, Rocco Nacino, at Lauren Young.

Ayon kay Kris, “I’ve been busy taping for my upcoming primetime series entitled Hiram Na Alaala. Wala pang exact airing.

“I’m pressured and challenged because, I believe, this is my most mature role yet.

“It’s my first time to be paired with Dennis. GMA has granted my wish! It’s overwhelming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan ko talagang paghusayan. We know how brilliant Dennis is an actor, so dapat makasabay ako.

“Excited na ako. I did some researching, referencing from the Internet and movies that are close to the plot of my show.

“I also did immersion. May mga asawa akong in-interview na namatayan ng soldier husband.

“May naka-move on, may iba, na-in love ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN