Ryan Agoncillo keeps his hopes up for the return of Picture! Picture!: “Kasi things were on the upswing...nung pinagpahinga."

Ryan Agoncillo says he and wife Judy Ann Santos have been planning to put up a restaurant: "Ang sipag magluto! Hopefully, in the near future, makapagtayo na kami.”


Dahil nga hindi na magagawa ni Ryan Agoncillo ang Talentadong Pinoy, bakit hindi na lang ibalik ang Picture! Picture! na game show niya dati sa GMA?

READ Ryan Agoncillo will no longer host Talentadong Pinoy

“Bakit naman hindi,” ang sagot ni Ryan.

Hindi rin daw niya alam kung may plano ang Kapuso network na ituloy ang game show.

At kapag patuloy ang pagtaas ng ratings ng sitcom nina Ryan at Carla Abellana na Ismol Family, mukhang malabo raw na mangyari iyon. Ito kasi ang pumalit sa timeslot ng Picture! Picture!

Ayon pa kay Ryan, “Well, the last time I heard, wala naman talagang rason na tanggalin yung show, it’s just that nakaplano na ito [Ismol Family].

“I’m not sure, hopefully, it’s a case of magpapahinga yung isa, mabubuhay yung isa, you know? Hopefully ganun.

"Or in the near future, sana may mag-open up na timeslot na puwedeng pagsabayin yung dalawang show—Sabado yung isa or ibang araw yung isa.

“Kasi things were on the upswing for Picture! Picture! nung pinagpahinga—maganda yung ratings, pasok yung sponsors.

"May nakaabang lang talagang ibang show [ang Ismol Family].

“So, hopefully, magsabay or mag-one after the other ulit."

Patuloy pa ni Ryan, “On the timeslot, Marian is on Saturday now, so me, from Saturday, I went to Sunday.

"Si Bitoy [Michael V of Pepito Manaloto], nabaligtad din siya.

"Parang kami ni Bossing [Vic Sotto of Vampire ang Daddy ko], napunta sa Sunday; si Bitoy, si Marian napunta sa Sabado.”

“Actually, yung Picture! Picture! nung nilagay sa Sunday, mas lumakas yung rating.

"And then sina Bitoy din, nananalo rin sa rating, so wala namang problema, everybody happy naman din.”

AGREEMENT WITH JUDAY. Napag-alaman naming may kundisyon silang mag-asawa na hindi pagtatapatin ang kanilang mga shows.

Dati kasi ay magkatapat ang Picture! Picture! at ang Bet On Your Baby ni Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na siguro kami papayag this time around! It was a condition that we spoke about. Na parang, ‘Once is enough!’

“Parang nagkataon lang na ako, to be honest, kinailangan ko lang talagang magkatrabaho nun, ’ba?

"Because I didn’t do anything, so one-time okay na yun.

"Pero next time, napag-usapan namin ni Juday, should we come back with opposing shows again, siguro ako or siya will have to side step nang konti, ’di ba?

"Huwag naman yung direktang tapatan.

“Tama na yung isang sayang ganun, magastos, e.

"Kasi tuwing Sabado ng gabi, kumakain kami sa labas para hindi kami manood ng TV sa bahay,” at tumawa si Ryan.

Samantala, nabanggit ni Direk Dominic [Zapata] sa isang panayam na gusto niyang makapag-guest si Judy Ann sa Ismol Family.

Pakli ni Ryan, “Ano naman yun, wish list naman yun.”

Nakapag-guest dati si Judy Ann sa Talentadong Pinoy at sa Picture! Picture!, papayagan kaya uli siya ng ABS-CBN?

“Hindi ko alam, baka hindi siguro. Sana naman. Sana, sana.

“Sa ngayon wala pa naman siyang project pa, sana makatawid.”

Nadako naman ang usapan tungkol sa isyung diumano ay tinatanggihan ni Judy Ann ang mga pelikulang ino-offer sa kanya kamakailan.

“May diskarte siyang sarili, actually now, she’s busy preparing for a lot of things.

"Ang sipag magluto!”

Bakit hindi pa nila ituloy ang plano nila dating magtayo ng restaurant?

“Kasi hindi rin naman madali ngayon magnegosyo ng ganun, matagal, matagal ang preparasyon.

"Even our friends na chef na talagang sanay sa mga restaurants, it takes about a year or two to plan a restaurant, and then another year to put it up. So hindi biro, hindi biro.

“Pero dun papunta yun, hopefully, in the near future, makapagtayo na kami.”

WEIGHT CONSCIOUS. Mabuti at hindi sila tumataba sa kakaluto ni Juday, “Hindi, masarap siyang magluto ’tapos very conscious din kami sa katawan siyempre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman puwedeng pabayaan, yung mga niluluto niya, ayon sa diyeta na ginagawa namin.

“Just last week, we consulted a nutritionist so we’re gonna work together with a nutritionist para lalong monitored yung pagkain.

“Hindi lang kasi puwede puro sarap lahat, e. Kailangan medyo may konting ano, nutritional value, ’di ba?

“So that’s what she’s busy with, she’s been busy cooking a lot.”

Hindi raw kasali sa diyeta sina Yohan at Lucho dahil mga bata pa.

“But we try to make them eat healthy. Not naman yung puro, may chichirya, may panahon sa chichirya pero may panahon, kami rin naman, may cheat meal din, may cheat day, ganyan.

"Pero kontrolado, yung nasa tama rin, kasi si Lucho ang lakas kumain.

"’Eto kaka-text lang ni Juday na ang dami raw nakain, three pieces chicken and one pancake. Ayun,” at tumawa si Ryan.

“Matakaw yung batang yun! Alam mo yung table-size na lapu-lapu, kaya niya yun!

"Yung kalahati nun, tiyak yun, pag in the mood yun, yung kalahati pa nun, mangangalahati pa.

“Hito, inihaw na hito, paborito nun!

"Steak, yung tenderloin, mga dalawa! Pero payat. Batu-bato, batu-bato yung batang yun e,” ang tumatawa pa ring kuwento ni Ryan.

POLITICS. Natanong naman namin kay Ryan kung hindi ba siya naalok na tumakbo sa pulitika.

“Hmmm, wala namang seryosong alok, yung mga pabiru-biro lang.”

Seseryosohin ba niya? Halimbawa ay konsehal muna o vice-mayor ng Alabang?

“Hindi siguro! Mahirap magsalita ng tapos pero hindi siguro.

“Puwede siguro ano, treasurer ng village, puwede ba yun,” at muling tumawa ang actor/TV host.

Wala raw hilig sa pulitika si Ryan.

“Hindi e hindi talaga.

“Pag ano na siguro, pag nag-Parliamentary system na siguro, mag-a-ano ako, Prime Minister,” sabay-tawa muli ni Ryan.

“Hindi talaga, wala, wala akong hilig diyan.

"Masuwerte ngang maging presidente ako ng PTA namin, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit si Judy Ann rin daw ay malabong pasukin ang pulitika.

“Naku isa pa yun! Lalo na yun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN