Derrick Monasterio on Aljur Abrenica’s decision to file complaint against GMA-7: “Sana idinaan na lang niya sa maayos na usapan.”

Derrick Monasterio on Aljur Abrenica’s decision to file complaint against GMA: “Sayang...nasasayangan lang po talaga ako. I’m sure, may malalim na reason kung bakit niya ginawa yun.”


Naglabasan ang samu’t saring ispekulasyon tungkol sa latest career move ni Aljur Abrenica.

Nagtungo si Aljur sa Quezon City Hall of Justice noong July 24, upang maghain ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract laban sa GMA network.

Isa sa mga nasopresa sa hakbang na ito ng Starstruck Batch 4 Ultimate Hunk ay ang baguhang aktor na si Derrick Monasterio.

Si Derrick ay sinasabing susunod sa yapak ni Aljur.

Bungad niya, "Sayang kasi sa nakikita ko naman... sariling opinyon ko ’to, ha? Hindi ko alam ang side niya [Aljur].

"Isa talaga siya sa mga bini-build up ng network, isa siya sa... kasi ang dami na rin niyang nagawang movie, ang dami na niya talagang opportunities na dumating sa kanya.

"Sayang, nasasayangan lang po talaga ako.

"I’m sure, may malalim na reason kung bakit niya ginawa yun."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actor sa Sampaguita Events Place na nagbukas kahapon, July 25, sa Valencia St., San Juan.

Isa sa dahilan ni Aljur kung bakit gusto na niyang ma-terminate ang kanyang kontrata sa GMA na aabot pa hanggang 2017 ay hindi raw nito maramdaman ang pagpapahalaga sa kanyang career.

READ Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged "gross mismanagement" of GMA Artist Center

ON ALJUR’S DECISION. Patuloy na pahayag ng 18-year-old actor tungkol sa desisyon ni Aljur, "Hindi rin natin maiiwasang maka-feel ng ganun, kasi isa siya sa mga tinitingalang aktor ng GMA.

"Nandun sa level na yun kasi siya na kasi ang susunod kina Kuya Dingdong [Dantes], kaya may ganun siyang pakiramdam.

"May sarili siyang reason.

"Kaya siguro gusto niyang ipaglaban kasi meron nga siyang sariling dahilan."

Sa tingin ba niya makakatulong o makakasira ito sa career ni Aljur lalo na’t maraming negatibong reaksiyon ang lumalabas ngayon sa social media?

Aniya, "Sa tingin ko? Makakasira, in a way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung may offer naman sa kanya na sa tingin niya ay ikagaganda naman ng career niya, puwedeng makatulong din po sa kanya.

"Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang mga negatibong comments sa kanya, pero siyempre, marami rin naman siyang kaibigan na nagtatanggol sa kanya.

"Sabi nga ng iba, kakaiba itong ginawa ni Aljur—mabigat.

"Let’s wait and see na lang kung ano ang resulta nito."

Sa tingin ba niya, kailangan talagang umabot ito sa korte?

Aniya, "Nasabi ko na nga po na siguro may mabigat siyang dahilan para gawin yun.

"Hindi natin alam, pero may karapatan din naman po siya.

"Grabe din naman yung ibinibigay niyang tulong sa network at yung network ay ganun din naman sa kanya.

"May say naman po siya, at kumbaga, 50-50 sila ng say.

"Sana idinaan na lang niya sa maayos na usapan, kasi hindi talaga natin alam kung magba-backfire ba ito sa kanya o hindi."

HAPPY WITH PROJECTS. Sa parte naman ni Derrick, nakaranas na ba siya ng hindi pagbibigay-halaga sa kanya ng Kapuso network mula noong maging bahagi siya ng GMA Artist Center?

Saad niya, "Ako, masaya naman ako sa ipinapakita sa akin ng GMA.

"Kuntento naman ako sa ngayon sa pag-aalaga nila sa akin.

"Lahat naman tayo may kanya-kanyang time.

"Siguro, yung time niya ay dumadating pa lang kaya nga ako nasasayangan.

"Pero may valid reason lang talaga siya at ayaw ko naman magsalita dahil hindi naman po ako yun."

TAKING OVER ALJUR’S THRONE? Kung sakali nga raw matuloy ang pag-alis ni Aljur sa Kapuso network, marami ang humuhulang mas maraming pinto ang mabubuksan sa mga katulad nilang baguhan na naghihintay ng malaking break sa pelikula at telebisyon.

Excited na sabi niya, "Wooo, yes!

"E, ’di masaya para sa amin. At least, kami naman ang mapapansin.

"Pero ako, marami pa akong dapat patunayan kasi ’di pa naman ako mature enough in terms of marami—sa acting, hitsura, and 18 pa lang ako, siguro two years pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami pa akong dapat i-improve sa sarili, ’di po ba?"

MATURE IMAGE? As early as now, marami ang nakakapansin na ang pagiging sexy hunk ang tinutumbok ni Derrick.

Nagpapatubo ba siya ng bigote para magmukhang mas mature?.

Natatawang pagkontra niya, "A, hindi naman po sa nagpipilit. Sa August 1 po ay 19 na ako.

"Pini-prepare ko lang ang sarili ko sa puwedeng pagbabago sa career ko.

"Hetong bigote na ’to, nasimulan ko na kasi sa Half Sisters kaya itinuloy na namin.

"Pero ipapaahit ko na rin kasi marami ang nagku-comment sa family ko, sa mga kaibigan ko na marumi raw akong tingnan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN