Ruru Madrid regrets giving up Niño role: “Siyempre, nagsisi po. Pero kumbaga, mas inisip ko po yung faith ko, ganun.”

After Ruru Madrid turned down the Niño role, it was offered to Miguel Tanfelix. The soap currently enjoys high ratings. Ruru, who has a role in the GMA drama series My Destiny, says he is not jealous of Miguel’s success. “Parang kumbaga... talaga siguro time niya ngayon and then sa susunod na araw, time ko naman, parang ganun. Wala naman po sa amin yung sapawan, kumbaga.”


“Siyempre po masaya, kasi kahit naman po sino yung i-partner sa akin, talagang tatanggapin ko nang buong-buo.

“Pero lalo na nung nalaman ko na si Ashley ’tsaka si Gabby yung mga kasama ko, mas lalo akong naging masaya kasi pareho silang mabait e,” umpisang pahayag ni Ruru Madrid nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Huwebes, July 24, sa Wheatberry restaurant sa Quezon City.

Dalawa ang leading ladies ni Ruru sa GMA drama series na My Destiny, sina Ashley Ortega bilang Alex Martinez at Gabrielle Garcia bilang Nicole Perez.

Gumaganap dito si Ruru bilang si Paul Andrada na bunsong anak nina Selena (Kuh Ledesma) at Mateo Andrada (Dennis Roldan) at bunsong kapatid ni Matthew Andrada (Tom Rodriguez).

Matagal nang kaibigan ni Ruru si Ashley.

“Si Ash, since Bamboo Flowers [indie movie] pa lang po, magkasama na po kami and then nag-team-up na rin kami sa Magpakailanman.

“Kaya sobrang gaan ng pakiramdam namin sa isa’t isa,” saad niya.



FRIENDS WITH HIS LEADING LADIES. Nakakapogi ba na torn between two pretty girls siya?

“Wow!” at natawa si Ruru.

“Siyempre naman kasi pinapalibutan ka ng dalawang magandang babae, kaya yung pakiramdam mo rin, mabu-boost.”

Sino ang mas type niya sa dalawa?

Natatawa niyang sagot, “Type agad? Parehas lang po, e. Magkaiba po kasi sila ng ganda. Si Ash mestiza, tapos si Gab naman very Filipina na maganda. Ganun.”

Sa tanong namin sa dalawang babae, pareho raw sila na makakaramdam ng konting selos kapag niligawan ni Ruru ang isa sa dalawa.

“Ah ganun ba, sinabi po nila yun?” at natawa si Ruru.

“Totoo po ’yan?

“Hindi po ba puwede dalawa ligawan ko?

“Hindi, joke lang! Joke lang po yun,” at muling tumawa ang binata.

“Kasi siguro kami po, ano lang po e, parang yung friendship po ang mas pumapangibabaw sa amin, e. Kumbaga hindi muna namin iniisip yung mga ganung bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puro ano lang kami, puro pagkakaibigan, ganun.”

Lagi silang magkakasama sa taping ng My Destiny kaya hindi maiiwasan na ma-develop sila kung sakali.

“Baka nga po,” at muling natawa si Ruru.

“Hindi ko rin po masasabi, pero ayun nga e, parang inisip ko rin na mas importante talaga yung career muna.

“Tapos pagka naging established na ako, iyon, mag-i-start na akong maghanap ng tamang babae para sa akin.”

ON TOM AND CARLA. Sa My Destiny ay bida sina Tom Rodriguez (bilang Matthew) at si Carla Abellana bilang si Grace dela Rosa.

Natsitsismis na nagka-debelopan ang dalawa dahil laging magkasama sa pagkakaroon ng dalawang magkasunod na proyekto, ang My Husband’s Lover at ang My Destiny nga.

Sa tingin ba ni Ruru ay may relasyon ang dalawa?

“Ewan ko lang po.”

Lagi niyang kasama ang dalawa. Bakit hindi niya alam?

Paliwanag niya, “Kasi pagka nakita ko, sweet naman po sila... pero asaran po sila lagi, e kaya hindi ko rin nakikita yung parang mag-on sila.

“Parang kasi yun nga, mas maganda rin yung ganung relationship, pagka nasa relationship ka parang mas okay na parang magkaibigan lang talaga.

“Hindi yung sobrang seryoso kasi once na sobrang seryoso kayo, parang ayan yung nagiging sanhi ng away, e.”

GIRLFRIENDS. Si Ruru ay nagkaroon na ng girlfriend.

Aniya, “Opo, dati. Thirteen [years old] pero parang ano lang po yun, puppy love lang po yun.”

Gaano ang itinagal ng relasyon niya dati?

“Pinakamatagal ko po two months,” bilang niya.

Nakatatlong girlfriends na raw si Ruru.

Paglinaw naman niya, “Pero ano lang po yun, parang friendship, walang masyadong ano po yun, walang malisya.”

Sixteen years old si Ruru ngayon.

ON GIVING UP NIÑO ROLE. Alam ni Ruru na malakas ang Niño, mataas ang ratings nito.

Nagsisi ba siya na tinanggihan niya ito kaya napunta kay Miguel Tanfelix?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “Siyempre po, hindi naman po ako magpapaka-showbiz na sasabihin ko na hindi ako nagsisi. Siyempre nagsisi po.

“Pero kumbaga mas inisip ko po yung faith ko, ganun.

“Kumbaga ganun, mas iyon yung inalala ko.”

RELIGION. Miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Ruru.

Dagdag pa niya, “Kumbaga, baka hindi talaga ito para sa akin, baka may iba pang bagay na talagang para sa akin. Iyon po.”

Masasabi ba niyang may inggit siyang nararamdaman ngayon kay Miguel?

“Inggit? Ah, naku wala po! Sa amin ni Miguel wala pong ganun kasi magkaibigan po kami.”

At iisa rin ang manager nila, si Direk Maryo J. delos Reyes.

Patuloy pa niya, “Parang kumbaga... talaga siguro time niya ngayon and then sa susunod na araw, time ko naman, parang ganun.

“Wala naman po sa amin yung sapawan, kumbaga.”

Dahil miyembro siya ng INC, ibig bang sabihin ay INC member rin ang kanyang liligawan?

“Opo, may ganun pong bagay,” lahad niya.

INC member ba sina Ashley at Gabrielle?

“Hindi ho, e.”

So wala ng chance na makarelasyon niya ang alinman sa dalawa?

“Hindi, puwede po ’yan,” at tumawa si Ruru.

“Hindi, joke lang po.”

May mga magkasintahan naman na magkaiba ng relihiyon.

“Opo, marami pong ganun, Kasi pagka naman po mga syota-syota, ano lang ’yan, okay lang po, pero pagdating sa asawa, hindi puwede.”

Nasa cast ng My Destiny rin si Rhian Ramos bilang Joy dela Rosa, Sid Lucero bilang si Jacob Perez, Miss Kuh Ledesma bilang si Selena Andrada, Al Tantay bilang Arnold dela Rosa, Ayen Munji-Laurel bilang Ruth Perez, Dennis Roldan bilang Mateo Andrada at si Miss Lorna Tolentino bilang si Agnes dela Rosa.

Ito ay sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN