Rita de Guzman earns ire of JaBea fans because of steamy scenes with Jake Vargas in indie film Asintado

Rita de Guzman on being bashed by Jake Vargas-Bea Binene fans for her steamy scenes with the actor in indie film, Asintado: “Pero ako hindi ko po sila pinatulan kasi trabaho naman po yun, ’di ba? ’Tsaka hindi naman kami, alam mo yun, everybody knows naman na di ba? Jake and Bea are together.”


Kasali ang young actress/singer na si Rita de Guzman sa Asintado na entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival o Cinemalaya X. Ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Louie Ignacio.

“Ako si Lani, ako yung girlfriend ni Jake Vargas. Kami yung magka-loveteam dito.

“Mabait naman pero malandi!

“Oo, todong malandi talaga kasi yung character ko dito. Aggressive siya, aggressive girlfriend ako,” kuwento ni Rita nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, July 22, sa GMA Network Center.

May love scene sila ni Jake?

Ayon kay Rita, “Walang love scene pero may kissing scenes. Medyo [torrid], oo.”

Ang unang kissing scene ni Rita ay kay Enchong Dee sa pelikulang The Strangers na entry sa Metro Manila Film Festival two years ago.

Pero mas torrid daw ang kissing scene nila ni Jake sa Asintado.

Pakli niya, “Kasi yung exposure sa amin dun ni Enchong saglit lang, parang ten seconds lang yun, e. Or baka nga mas maikli pa.

“Sa amin ni Jake kasi, talagang may time, may time yung ano...”

May tongue o dila ba sa kanilang kissing scene?

Tanggi niya, “Wala, e. Ayaw masyado ni Direk Louie. Actually iyon yung una niyang gusto, parang medyo mala-Blue Lagoon, iyon. Pero biglang nagbago si Direk Louie, mas gumanda naman.

“Kasi hinaluan niya ng art, e. Basta maganda, yung ilaw namin, iba.

“Hindi siya pag pinanood mo, na parang teenage love affair na pag naghalikan yung ano lang.

“Sa kanya yung ilaw namin, it’s blue.”

First time ba ni Jake na makipag-kissing scene?

“Tinanong ko siya. Sabi niya hindi, ang first daw niya with Yassi [Pressman] sa Magpakailanman.”

Hindi daw iyon torrid dahil sa TV ang MKM.

“Siguro, parehas namin na [medyo torrid].”

Ayon kay Rita, si Jake ang medyo ninerbiyos sa kanilang kissing scene.

Aniya, “Kinakabahan siya talaga. Ano siya, expressive siya, lalo na yung second kissing scene namin. Kasi dalawa siya, so yung last namin, sabi niya, kinakabahan daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang outspoken siya, sinasabi niya sa lahat sa set, ‘Kinakabahan po ako.’

“E, kasi yung second na kinunan sa amin may mga hawak, may hipu-hipo kasi, e.”

Hinawakan siya ni Jake?

Detalye niya, “Hindi lang naman siya kiss kasi e, tatanggalin niya yung damit ko.”

Kahit siya raw ay hinawakan niya si Jake.

“Sa likod-likod lang naman, siya lang yung malikot ang kamay,” natatawa niyang banggit.

Hinubaran din daw niya si Jake sa eksena pero si Rita ay hindi nahubaran ni Jake.

“Hindi, pero nabuksan talaga, siyempre nakita niya yung bra ko, yung ganun,” patuloy pa niya.

DEALING WITH JABEA BASHERS. Dahil sa maiinit na eksena nila ni Jake, handa ba siyang awayin ng mga JaBea na mga fans nina Jake at Bea Binene?

Sabi ni Rita, “Ah, hindi po away kasi trabaho lang naman po.”

Pero seloso ang mga fans.

Dagdag pa niya, “Actually ito po nga, nakakaloka! Dyusko teaser pa lang ng photos, so online ang daming nagtu-tweet.

So iyon kahit papaano may nagba-bash siyempre.”

So na-bash siya?

Ani Rita, “Hindi naman masyado. So siyempre pictures pa lang, ‘Oh my God, bakit ganito, ganyan.’”

Ano ang pamba-bash sa kanya?

“Ano parang, disgusting daw, meron akong natanggap na ganung comment, disgusting, the picture daw, it’s disgusting.

“Tapos parang, iyon nga, parang kadiri, bakit daw ganun, bakit parang sobrang torrid. Ganun daw.

“Pero ako, hindi ko po sila pinatulan kasi trabaho naman po yun, ’di ba? ’Tsaka hindi naman kami, alam mo yun, everybody knows naman na ’di ba? Jake and Bea are together.

“So it’s work and sana iyon din, siguro kung sobra man po yung pag-bash nila, I think dun lang naman ako gagawa ng way.

“Pero hindi pa rin po ako makikipag-away, mag-e-explain lang po ako na sana panoorin muna nila yung movie para maintindihan nila kung bakit nangyari yung ganung scene,” paliwanag pa ni Rita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEXY IMAGE. Pumayag si Rita sa mga daring scenes dahil iyon na ang image na bini-build up sa kanya ngayon.

Paliwanag niya, “Kasi iyon naman po yung magiging image ko kasi ngayon po, I’m working on my album now with GMA Records and during that launch, iba na yung image ko.

“Hindi na ako yung before na, ‘Uy si Rita, sa Popstar Kids so sweet, bata,’ ganyan.

“Hindi na po ako yung ganun so pag ni-launch na yung album ko, ito na ako, sexy, mature na ako.”

Ito raw ang gusto mismo ni Rita.

“Para iba,” pagmamalaki niya.

Ideya nga raw ito ni Rita, na maging mature and sexy na siya.

“Pero gusto rin ng GMA, para po iba,” ulit pa niya.

Si Rihanna ang peg ni Rita sa kanyang bagong image.

NOT READY FOR DARING SCENES. Pero sa mga daring scenes sa pelikula ay hindi pa totodo si Rita.

Banggit niya, “Ah, siguro sa ngayon hindi pa po.

“Sa pananamit, and yung, siyempre rin pag sa pag-arte ganyan, kissing scenes, pero siguro love scenes, masyado pa po akong maaga for love scenes. Hindi pa po.”

Yung ginawa niya lang sa Asintado ang kaya ni Rita sa ngayon.

Lahad niya, “Mga ganun lang. Siguro kung may sosobra pa dun siguro yung kissing scene with tongue. Siguro ganun. Very torrid talaga, pero yung love scenes, masyado pa po akong maaga sa love scenes.”

Eighteen years old ngayon si Rita.

TOO YOUNG FOR FHM. Kahit raw sexy pictorial sa FHM ay hindi papayag si Rita.

Pag-amin niya, “I’m too young po for FHM.”

Hindi pa raw siya naalok ng FHM.

Anong edad siya papayag?

Estima niya, “Siguro mga twenty-four, twenty-five?

“Kasi ’di ba pag ginawa naman po natin lahat agad, ano pa pong gagawin ko pag tumanda na ako?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN