Miguel Tanfelix surprised by his rising popularity; denies courting Bianca Umali

Miguel Tanfelix and Bianca Umali are happy that both their shows are warmly received by GMA viewers—Niño and Ismol Family. He says, "Nakakapagpasaya rin po kami at nakakapag-inspire po kami.”


Sabay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso teen stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa taping ng kinabibilangan nilang GMA sitcom, ang Ismol Family, noong Martes, July 22, sa Quezon City.

Magkasama rin ang dalawa sa primetime series na Niño.

Saan sila mas nakakapag-bonding kapag break sa set?

Tugon ni Bianca, “Pareho lang po actually.”

Nagliligawan na ba sila?

“Ay, hindi po,” ang mabilis ding sagot ni Bianca.

“Magkaibigan lang po kami, bata pa po kami,” pagsang-ayon naman ni Miguel.

Dagdag pa ng teen actor, “Ngayon po, work lang po muna kami…wala pa po kaming time sa ligaw-ligaw.

“Tsaka bawal pa rin po talaga.”

CONTRASTING ROLES. Halos araw-araw ay napapanood siona Miguel at Bianca sa telebisyon—mula Lunes hanggang Biyernes sa primetime series na Niño at tuwing Linggo ng gabi sa Ismol Family.

Dahil sa kasikatan ngayon ni Miguel ay tila nalampasan na niya ang popularidad ng ibang male tween stars, ’tulad nina Renz Valerio at Julian Trono.

Ngunit pagkontra ng binatilyo rito, “Ay, hindi naman po. Hindi naman po...”

Suporta na lamang niya sina Julian at Renz sa Niño, kaya’t biniro namin si Miguel na baka nagseselos sa kanya ang dalawa.

Tugon ni Miguel, “A, hindi po! Kami po, magkakaibigan po naman kami sa set. As in sobrang close po namin.”

Magkaibang-magkaiba ang ginagampanan ni Miguel sa dalawang shows niya sa GMA. Alin ang mas mahirap—ang magpatawa o magpaiyak?

Sagot niya, “Parang mas mahirap po yung role ko sa Niño, kasi hindi naman po ako special child.

"Dito sa Ismol Family ay parang ginaganapan ko po yung as sarili ko na teenager.

"’Tsaka may puppy love-puppy love, so parang normal na rin po sa akin."

Sa tunay na buhay ay nagkaroon na rin daw siya ng puppy love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman po!”

Sino ba ang ginagaya niya kapag gumaganap siyang special child?

“Si Miguel Tanfelix po!” pabirong sabat ni Bianca.

Pabiro rin namang sinang-ayunan ito ni Miguel.

Ang Hollywood actor na si Sean Penn sa I Am Sam raw ang ginagaya ni Miguel sa kanyang role.

Hindi ba niya nadadala ang acting bilang special child kahit wala na siya sa set?

“Minsan, lalo na ’pag puyat po, medyo nabubulul-bulol din ako. Pero kinakaya naman, kailangan kasi!” natawang sabi ni Miguel.

Saan naman mas nag-e-enjoy umarte sina Miguel at Bianca? Sa isang sitcom na ’tulad ng Ismol Family o sa isang drama series na ’tulad ng Niño?

Sagot ni Bianca, “Ako po, parehas lang po.

“Kasi iba po kasi yung levels nung characters, ako po from Gracie [sa Niño] to Yumi [sa Ismol Family].

"Iba po siya actually and I enjoy doing both.”

Ganito rin ang opinyon ni Miguel.

Aniya, “Sa akin din po, parehas lang.

"Dito sa Ismol Family, nakakapagpasaya kami.

"Sa Niño rin po, nakakapagpasaya rin po kami at nakakapag-inspire po kami.”

POPULARITY. Inamin ni Miguel na nagulat siya sa tagumpay ng Niño.

“Ako po, nagulat po talaga ako kasi, ’di ba, hindi namin po akalain.

"Pero laking pasalamat po namin dahil tinatangkilik po nila."

Natatawang kuwento niya, “Isang beses nanood po ako ng sine, ’tapos nauna po akong pumasok kasi nag-CR po ako.

"Sina Mommy nahuli, may narinig daw sila, ‘Ayan ba si Niño? ’Di ba siya sintu-sinto talaga?’”

Si Ruru Madrid sana ang gaganap na Niño, pero hindi nito tinanggap dahil Iglesia Ni Cristo member siya.

Sabi ni Miguel tungkol dito, “Sa akin po kasi, sa amin po ni Ruru, hindi naman po namin inisip kung sino po talaga yung first or second choice.

"Basta para sa amin, blessing po ito sa aming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka meron naman pong show para po talaga sa kanya, katulad sa My Destiny po.”

Si Miguelay may matibay ring paniniwala sa kanyang relihiyon bilang isang Christian.

“Kailangan naman po talaga yun, e, yung faith natin.

"’Di ba, dapat hindi mawawala yung faith natin, kahit saang religion po, dapat nandun po yung kapit natin.”

PROJECTS. Iisa ang manager nina Miguel at Ruru—si Direk Maryo J. de los Reyes.

Ayon kay Miguel, “Magkaibigan po kami ni Ruru, kasi simula pa lang po ng Paroa, magkasama na po kami, close na po talaga kami.”

May plano na pagsamahin ang dalawa sa remake ng Gabun, na pelikula ni Direk Maryo noong 1979.

Sina Miguel at Ruru ang gaganap sa mga papel noon nina Lloyd Samartino at Michael Sandico.

Samantala, sa kabila ng pagiging abala nila sa kanilang showbiz career ay nakakapag-aral pa rin sina Miguel at Bianca.

Sabi ni Miguel, “Yes po, home study po ako, fourth year po ako ngayon kaya medyo mahirap yung schedule.”

Second year naman si Bianca at home study rin.

Sa mga naipon ni Miguel sa showbiz, ano na ang investment niya?

“Sa akin po, nakabili na po ako ng sasakyan.”

Tatlong sasakyan na ang nabibili ni Miguel mula ng mag-artista siya.

Plano naman ni Bianca na bumili ng sarili niyang sasakyan.

Sabi niya, “Sa ngayon po, nag-iipon po for a car.

"Pero bina-budget ko pa rin po kasi yung budget for school and for the future bago po ako gumastos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN