Gabby Eigenmann on real score between Sid Lucero and Alessandra de Rossi: "Kahit naman hindi sila, parang sila, e!"

Gabby Eigenmann on getting rave reviews for his role in Dading: “Sabi ko nga dati, madali lang magpilantik at pumitik na bading ka. Pero physical aspects lang ‘yon, e. Yung emosyon, kung paano ang execution, kung ganito ba talaga ang pakiramdam nila kapag nasasaktan... So, iyon ang medyo inaral ko talaga na mabuti.”


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Gabby Eigenmann tungkol sa napapabalitang relasyon ng kanyang half-brother na si Sid Lucero sa aktres na si Alessandra de Rossi.

Sabi ni Gabby, “Alam mo si Alex [palayaw ni Alessandra] kasi, buong family namin, we’ve known her since ages.

“Bata pa ‘yan, magkakilala na kami. Okey naman.”

Naniniwala siyang sina Sid at Alex na nga?

Natatawang sagot ng Kapuso actor, "Kahit naman hindi sila, parang sila, e!"

Dagdag niya, “Si Alex is very close to our family.

“She’s very close to me. She’s very close to Sid.

“So, kung anuman ang nakikita ninyo sa kanila, what you see is what you get.”

Boto ba siya kay Alessandra para kay Sid?

Sagot ni Gabby, “Oo naman. Mabait naman si Alex, e.

“Sabi ko naman, lahat naman kami suportado kung sino ang magiging partners ng bawat individual sa amin, e.

“We’re only here to support them. Kung saan sila masaya, masaya din kami.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa studio ng Sunday All Stars kahapon, Linggo, July 27.



GAY ICON? Dahil patuloy na dumarami ang tumututok sa afternoon series ng GMA na Dading, kung saan bida si Gabby, may mga nagbibiro sa aktor na parang magiging icon na siya sa paningin ng mga bading.

“Kaloka!” pabaklang birong reaksiyon niya.

Tawa pa ni Gabby, “Pressure lalo ‘yon!

“Pero masaya naman kami. Kasi iyon naman talaga ang gusto naming i-achieve sa soap namin, e—na maging makatotohanan.

“At lumabas lahat ng mga tunay na dading [daddy na bading] talaga.

“And it’s true na we really receive very good comments and mga feedbacks nga na… natutuwa sila sa takbo ng story ng Dading.

“Yung iba nga, sinasabi na nabibigyan sila ng guidance habang pinapanood yung show.

“And iyon naman talaga ang goal namin—to make them come out na… it’s okay to be a gay parent, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey na siya, lalo at tanggap na sa society natin.”



GAY ROLE. Hindi na bago kay Gabby ang pagganap bilang isang gay, pero kakaiba raw ang role niya sa Dading.

“Pero itong sa Dading kasi, first time na full-length, e. Na buong soap kong gagawin ito.

“It’s something new talaga kasi for me. Panghilamos ito, e, as an artist.

“Kasi most of the roles that I’ve done, puro kontrabida. ‘Tapos father roles na medyo grey.

“Ito, panghilamos ito, para maiba naman.

“And sa akin kasi, trabaho lang naman, e. I’m just doing my job as an actor.

“Kung may mga sumunod pang offer na gay roles, okey lang.

“For me, it’s just work.”

Dati, aminado si Gabby na hirap siyang hubarin kaagad ang karakter niya bilang dading.

“Ngayon, ayokong sabihin na mas kumportable na ako. Pero, yes, I get the kick out of it.

“Kumbaga, minsan kapag tapos na kami sa taping ay umuuwi ako sa bahay, minsan nadadala ko pa rin, e.

“Pero I think, it’s normal. And at the end of the day, mas comfortable ako.

“Kasi very delicate yung character ni Carding, e.

“Sabi ko nga dati, madali lang magpilantik at pumitik na bading ka. Pero physical aspects lang ‘yon, e.

“Yung emosyon, kung paano ang execution, kung ganito ba talaga ang pakiramdam nila kapag nasasaktan...

“So, iyon ang medyo inaral ko talaga na mabuti.”



GABBY’S CHILDREN. Mas okey ba sa kanya na hindi ito napapanood ng kanyang mga anak dahil may pasok sa school ang mga ito kapag umeere ang Dading sa hapon?

Saad ni Gabby, “Hindi naman sa mas okey, pero nagkataon nga na may mga pasok sila kaya hindi nila ito napapanood.

“Pero there was one time na… yun nga, nung binagyo tayo [typhoon Glenda], nagkaroon sila ng opportunity to watch it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, walang pasok. Nakapanood sila ng mga episodes.

“Lahat sila… hindi naman shocked. Pero yung reaksiyon nila na, ‘We can’t believe you’re gay, but it’s okay because you’re not a kontrabida.’

“Dun sila medyo worried, kapag kontrabida ako.

“Kasi feeling nila, kapag umuuwi ako sa bahay, kapag nagagalit ako, iyon ang nakikita nila sa TV, e.

“Pero sabi ko, e, discipline lang ‘yan.

“Pero itong role ko ngayon sa Dading, feeling nila mas mabait ako, mas malambing ako.

“Hindi ko na kailangang mag-explain. Matatalino naman yung mga bata, e.

“Yung isang girl na anak ko, she saw a full episode. The good thing about it na sinabi niya sa akin na, ‘Papa, I didn’t see you.’

“Which is good, kasi at least nabura sa isip niya na ako ‘yon.

“Aware naman sila. Kaya lang, may questions, ‘Bakit? Why gay?

“Pero okey lang, okey naman sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN