Julie Anne Jose still waiting for her chance to stage major concert in a bigger venue

Julie Anne San Jose has no loveteam at the moment and it might as well be because, as she says, "I want to be on my own in the meantime... ito yung phase na parang gusto kong mag-grow para sa sarili ko."


Unang beses daw na makasama ni Julie Anne Jose si Marian Rivera sa weekly musical-variety show na Marian.

Kumusta naman katrabaho ang Kapuso Primetime Queen?

Sagot ni Julie Anne, “Okey naman po, sobrang saya.

"Siguro twice in two weeks po ang taping namin.

"More on singing naman ako dun, minsan dance din.

“First time talaga to work with her... I’ve been wanting to work with her.

"And I think, this is one of the opportunities na talagang hinding-hindi ko ire-regret.

"Kasi before talaga, gustung-gusto kong makatrabaho siya.

“Now that I am given the chance to work with her in one show, sobrang masaya talaga ako.

"Kasi, yun, aside sa sumasayaw, may hosting din na nagaganap.

"It’s really, really funny.”

Gusto rin ba niyang magkaroon ng sariling show na tulad ng Marian?

“Hopefully… I don’t know, let’s see. Siguro kung may pagkakataon,” nakangiti niyang sabi.

Nakausap nga ng PEP.ph (Phillipine Entertainment Portal) si Julie Anne sa opening ng Morellato jewelry store sa Shangri-La Mall noong July 22.

MAJOR CONCERT? Bukod sa GMA shows na Marian, Sunday All Stars, at Pepito Manaloto, abala rin ngayon si Julie Anne sa pagpu-promote ng kanyang second album.

Posible rin daw na magkaroon siya ng major concert ngayong taon.

“Yun po ang pinag-uusapan ng management, sa November daw po.

"Hopefully po, matuloy siya.

"Yung last ko pa pong concert, last year po, sa Music Museum.”

Mas malaking venue na ba ngayon?

“Hopefully, we’re still talking about it.”

Handa naman na siya kung sakaling mas malaking venue ng concert niya, tulad ng Smart Araneta Coliseum o MOA Arena?

Sagot ni Julie Anne, “Siyempre, hindi naman mawawala ang kaba, but still, you know, we have to take risk sometime.”

Nakakasiyam na Platinum na ang debut album niya kaya may mga nagkokomento na bakit pagdating sa concert, hanggang Music Museum lang daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantalang yung ibang singers na hindi kalakihan ang album sales ay nakakapag-concert sa malaking venue.

Saloobin ni Julie Anne tungkol dito, “Yeah, sometimes it gets to me na parang sinasabi nila na naka-nine times Platinum, pero hindi pa nag-a-Araneta.

"Pero sa management po talaga, pinag-uusapan po talaga, and it’s all about the right timing din.”

Hindi naman daw siya frustrated.

“No, kasi I’m really enjoying what I’m doing right now."

Naniniwala raw siya sa right timing.

"We don’t have to rush naman talaga."

Dagdag pa niya. "Still, it’s part of being a real artist na kailangan mong mag-grow sa craft mo, sa ginagawa mo.”

SOLO ACT. Pagdating naman sa teleserye, wala pa raw siyang alam, pero gusto raw niyang makagawa muli.

Ang huling ginawa niyang soap ay ang Kahit Nasaan Ka Man katambal si Kristoffer Martin.

Nagkaroon din ng maraming following ang loveteam nila ni Elmo Magalona noon, lalo na sa social media.

Wala na bang planong pagtambalin silang muli?

“Well, yun nga po, I think, hindi po siguro possible. He’s with Janine [Gutierrez],” sabi ni Julie Anne.

Mas gusto ba niyang mag-loveteam o solo na lang siya?

“Siguro, I’ll leave it at that. I want to be on my own in the meantime.

"Kasi ito yung phase na parang gusto kong mag-grow para sa sarili ko.

"Tapos na yung pa-tweetums stage, e, tapos na yun.

"But then, you know, I’m not closing doors naman.

"And I’m open to any possibilities na kahit naman sino makatrabaho ko, makakatrabaho ko rin, ‘di ba?

“At saka, wala naman akong problema, kahit sino, puwede.”

Kung sakaling pamiliin siya ng network sa tatlong lalaking naugnay sa kanya—sina Elmo, Kristoffer o Alden Richards—sino ang pipiliin niyang makasama?

“Wow!” bulalas niya.

“I don’t know, I don’t know… maybe a newbie will do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kung possible man, yung bago.

"Kumbaga kasi, nakatrabaho ko na sila, so why don’t I try another.

"At saka, nag-iikutan lang ‘yan, e. Nag-iikutan lang, ‘di ba?

“Kumbaga, ayaw ko rin naman na masanay o ma-stuck sa isa lang.

"Since this is showbiz, I should get to explore or work with other people rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN