Daniel Padilla shrugs off issue with The Voice Kids coach Lea Salonga

Mataas daw ang respeto ni Daniel Padilla kay Lea Salonga, kaya hindi raw isyu sa kanya kung may nasabi man ang Pinay international singer tungkol sa kanya.


Ayaw patulan ni Daniel Padilla ang isyu tungkol sa reaksiyon ng kanyang fans sa sinabi ng Pinay international singer na si Lea Salonga sa grand finals ng The Voice Kids Philippines noong Sabado, July 26.

Pagkatapos kasi ng performance ng finalist na si Juan Karlos Labajo, ng Team Bamboo, ay sinabi ni Lea na, “I’m actually looking at you as a 13-year-old and see what you’re going to be like five years from now.”

Dagdag pa niya, “Yung mga DJ na ‘yan, wala, sorry, their names will be erased once you get to that age.”

“DJ” ang palayaw ni Daniel.

Dahil dito ay nag-react ang fans ni Daniel at binatikos si Lea sa social media.

Agad namang nag-apologize si Lea kay Daniel at sa fans nito, sa pamamagitan ng Twitter:

“Ohhh dear... I offer my deepest apologies to Daniel P and his fans. In building up JK I neglected to think that I might hurt other people.”

“I meant no disrespect, but I humbly ask for forgiveness if that’s how it came across. Sana mapatawad po ninyo ako sa aking pagkakamali.”

Read: Lea Salonga apologizes to Daniel Padilla fans for her comment on The Voice Kids

Sa live interview kay Daniel sa The Buzz kahapon, July 27, ay kinunan siya ng pahayag tungkol dito.

Sagot ng Kapamilya teen idol, “Ayun nga, narinig ko lang po yun, kanina po.

“Pero sabi po ni Mama [Karla Estrada], mataas po ang respeto natin kay Ms. Lea at saka baka nadala lang po si Ms. Lea ng ano…

“Saka hindi naman po isyu, kaya huwag na nating anuhin. Okey lang po yun.

“Baka nadala lang, yun…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN