Ashley Ortega says she’s close to Ruru Madrid, but it’s Tom Rodriguez who gives her "kilig"

Ashley Ortega it turns out is a fan of the Eigenmanns, "I want to work with all the Eigenmanns kasi sobrang cool nila... ang gagaling!"


Dahil sila ang magkatambal sa GMA primetime series na My Destiny, hindi na kataka-taka kung i-link sa isa’t sina sina Ashley Ortega at Ruru Madrid.

Pero hindi raw ito ang unang pagkakataong nagkatrabaho sila.

Ayon kay Ashley, na unang nakilala sa screen name na Ashley Nordstrom, “Naging ka-partner ko na rin po siya sa Magpakailanman at Dormitoryo.

"Nakasama ko na rin po siya sa isang indie film, yung Bamboo Flowers. Ako po yung best friend ni Ruru dun.

“So, comfortable na ako kay Ruru, kasi kilalang-kilala ko na siya."

Pero nilinaw ni Ashley na hindi nanliligaw sa kanya si Ruru.

Saad ng 15-year-old actress, “Kami po ni Ruru, close friends po kami.

“Nung birthday ko po, pumunta si Ruru sa bahay. December 26, pumunta po siya sa house.”

Perfume daw ang regalo sa kanya ni Ruru noon.

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Ashley noong Huwebes, July 24, sa Wheatberry restaurant, sa Quezon City.



CUTE. Paano kung manligaw sa kanya si Ruru?

Sagot ni Ashley, “Ano po, sayang naman po yung friendship namin ni Ruru.

“Masyado pa pong bata. Pero I find Ruru cute, sobrang talented niya rin.”

Paano kung sa ka-love triangle nila sa My Destiny na si Gabrielle Garcia manligaw si Ruru? Masasaktan ba siya?

“Hindi po!” at natawa si Ashley.

Pero dagdag niya, “Siguro konting selos.

“Magseselos po ako, kasi siyempre naman mas close kami ni Ruru.

"Pero, of course, wala naman po akong karapatan talagang maano sa kanya kasi wala naman kaming ano.

“Although, siguro konting tampo.”

Makikipagkaibigan pa rin siya sa mga ito?

“Of course.”

Hindi siya iiwas?

“No! Me and Gabs are friends.

"Best friends kami ni Gabs. ’Pag sa tent nga, siya lang ang kausap ko, e.

“Kasi sa My Destiny, kaming tatlo lang yung mga bata.

"’Tapos hiwalay pa yung girls and boys, so ka-tent ko lang si Gabs, siya lang kausap ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SHOWBIZ CRUSHES. Hindi pa raw nagkaka-boyfriend si Ashley kahit kailan.

Ang showbiz crushes niya ay sina Rafael Rosell at Tom Rodriguez.

Masaya nga raw siya na kasama siya sa My Destiny, at si Tom daw ang madalas niyang nakakaeksena, bukod kina Ruru at Gabrielle.

Hindi raw ito alam ng aktor, pero kinikilig daw si Ashley “kapag tumitingin ako sa eyes niya!”

Napanood niya ang eksena ni Tom sa My Destiny na nakahubad ito?

“Oo naman, pero ako, mas nakita ko, live!

"Kasi meron pong break, umaga pa po, e, yung eksenang kukunan, dapat madilim, kailangan night scene.

“So, parang maaga pa, nag-swimming siya.

"Kami ni Gabby, parang, ‘Pa-picture tayo!’ Nagpa-picture kami.”

Nakahubad pa rin daw si Tom nang nagpa-picture sila dito.

“Nasa Instagram ko po!” at tumawa si Ashley.



FEMALE IDOLS. Sa female stars naman ay iniidolo raw ni Ashley si Marian Rivera.

“Lahat naman po, pero hindi lang si Ate Marian, gusto ko rin si Lovi Poe.

"Siyempre si Ate Carla [Abellana], sobrang saya ko nakatrabaho ko po siya.

“Gusto ko pong makatrabaho si Ate Marian, si Ate Lovi at saka si ate Heart [Evangelista].”

Mabait daw si Carla. “Approachable po siya... nung nag-pictorial po kami, kinakausap naman niya po ako."

Masaya rin daw katrabaho si Sid Lucero na kasama rin sa My Destiny.

“Actually, I want to work with all the Eigenmanns kasi sobrang cool nila.

"Even si kuya Gabby [Eigenmann] nakatrabaho ko siya sa Paraiso Ko’y Ikaw.

"Nakakatuwa yung mga Eigenmanns, sobrang hyper nila.

“Cool sila! Gustung-gusto ko pong katrabaho ang mga Eigenmanns.

"Ang gagaling po nila.”



MISS WORLD ASPIRATION. Tinanong namin si Ashley kung may plano siyang sumali ng Binibining Pilipinas.

Sabi niya, “Actually, Miss World po yung gusto kong salihan. Mas feel ko po ang Miss World.”

Bakit? Dahil nasa GMA ang rights ng Miss World-Philippines?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po dahil sa GMA, mas feel ko po na Miss World.”

Na-inspire siya kay Megan Young na Miss World 2013?

“Even naman before pa kay Megan, nanood po ako ng live sa Miss World-Philippines nun sa PICC, nung nanalo si Gwendolyn Ruais.

“So, sabi ko, if I’m at the right age and depende rin kung anong mangyayari sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN