Gretchen Barretto imbibes positive thoughts to ignore bashers: “I guess natuto na rin akong tumahimik, magtikom ng bibig.”

Sa ngayon, pinipili na lang daw ni Gretchen Barretto ang mga isyung gusto niyang sagutin. Hindi na rin daw siya mapagpatol sa bashers para makaiwas sa negative vibes.


Positibo na raw ang outlook sa buhay ngayon ni Gretchen Barretto kaya hindi na siya mapagpatol sa bashers.

Parang katulad ng anak niyang si Dominique Cojuangco, na isang beses din lang pumatol noon sa mga masasakit na salita ng haters.

Si Dominique ang anak ni Gretchen sa business tycoon na si Tonyboy Cojuangco.

Ayon sa Kapamilya actress, “Alam mo, napakatalino niyang bata.

"At si Dominique, pinakalaki namin with full of love, puno ng pagmamahal, kaya very secure siya.

“Hindi katulad ko, sinasagot lahat.

“Pero ngayon, I guess natuto na rin akong tumahimik, magtikom ng bibig, sabi nga nila.”

Paano niya naku-control ang sarili na huwag nang pansinin ang mga nambabato ng masasakit na salita laban sa kanya sa social media?

Natatawang sabi ni Gretchen, “Kumakain na lang ako!”

Pero bawi ng 44-year-old actress, “Hindi, pero I think… I believe I’m older enough, so I feel like, na parang, let just God take care of everything.

“The truth will always come out.

"So, yung mga bashing na ‘yan, let it happen.

"And then, later on, ang katotohanan ang lalabas."

Bakit ganito na ka-positive ang outlook niya sa buhay ngayon?

Paliwanag ni Gretchen, “I’ve always been positive.

"I think ‘yan yung secret ko sa buhay. Para naman yung dumating sa akin, positive din."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Gretchen sa launching nito bilang pinakabagong endorser ng Karat World.

Ginanap ang presscon ngayong araw, July 28, sa Cav Restaurant, Bonifacio Global City, Taguig.

ON DOMINIQUE. Kasalukuyan daw nasa bansa si Dominique mula sa London kung saan ito nag-aaral ng kolehiyo.

Pagmamalaki ni Grtechen sa anak, “She’s very good, she’s very good.

“Nagtatrabaho… this afternoon, meron siyang shoot for a… I forgot kung ano. So, there.

“Nasa Manila siya for a few months for summer, her summer break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nagtatrabaho din ng kaunti ang aking anak.

“Magkakaroon din si Dominique ng isa pang endorsement."

Ikinukonsulta din ba ng kanyanganak ang tungkol sa mga trabaho nito?

Tugon ni Gretchen, “Hindi na ako nakikialam kasi 19 years old na si Dominique.

"So, technically, she’s an adult.

“Siya na nakikipag-usap, nakikipag-negotiate.

"Mas magaling siya nanay niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN