GMA Network considers Aljur Abrenica’s complaint "very unfortunate"

GMA Network has finally received a copy of Aljur Abrenica’s complaint for the rescission of his Management Contract and exclusive Network Agreement.


Naglabas ng panibagong statement ang GMA Network kaugnay ng paghahain ng reklamo ng contract artist nilang si Aljur Abrenica upang kumalas sa kontrata nito.

Naghain si Aljur ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract, sa Quezon City Hall of Justice, laban sa GMA, noong July 25.

Ilan sa ibinigay na dahilan ng kampo ng young actor sa kanyang isinumiteng affidavit ay wala raw malinaw at konkretong plano ang GMA sa direksiyon ng career at growth bilang performing artist ni Aljur.

Inakusahan din ng aktor ang GMA, partikular na ang GMA Artist Center, ng “gross mismanagement.”

Dahil daw rito kaya nawala ang kanyang Bench endorsement at na-ban niya sa SM Malls.

Inireklamo rin ni Aljur ang magiging konsepto ng kanyang gagawing album na naglalaman diumano ng “novelty songs composed of double entendres of a graphically sexually suggestive nature.”

Ilan daw sa mga titulo ng mga kanta ay ang sumusunod: “Nota”, “Sisid”, “Abs”, “Legs”, at “Check In.”

Read: Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged "gross mismanagement" of GMA Artist Center



GMA NETWORK STATEMENT. Kahapon, July 28, lamang daw natanggap ng GMA ang kopya ng complaint na inihain ni Aljur.

Pag-aaralan daw ito ng kanilang lawyers at sasagutin nila sa korte.

Itinuturing ng GMA na “very unfortunate” ang insidenteng ito dahil malaki raw ang ipinuhunan nila kay Aljur, na itinuturing nilang isa sa kanilang prime artists.

Hindi rin daw nagkulang ang GMA Artist Center sa tungkulin nito bilang manager ni Aljur sa pamamagitan ng “consultative style of management.”

Dagdag pa sa statement, “With his best interest in mind, this practice has accorded him every opportunity to personally assess all offers to reach a mutual agreement.”

Hindi rin daw nagkulang ang GMA Network sa pagbibigay ng mga proyekto, endorsements, at corporate partnerships kay Aljur.

Narito ang kabuuang pahayag ng Kapuso network—na ipinadala ni Angela Javier-Cruz, assistant vice president for GMA Corporate Communications—sa PEP ngayong araw:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“GMA Network received yesterday the complaint filed by Aljur Abrenica for the rescission of his Management Contract and exclusive Network Agreement.

“Our lawyers will review this and answer accordingly in court.

“The Network considers this incident very unfortunate because GMA has greatly invested on Aljur, who is one of its prime artists.

“GMA Artist Center has not been remiss in its duties as his manager practising a consultative style of management with Aljur.

“With his best interest in mind, this practice has accorded him every opportunity to personally assess all offers to reach a mutual agreement.

“GMA Network has equally given him projects, some of which were lead roles in the Network’s primetime programs.

“Aljur is a home-grown GMA talent who was discovered through the reality search, StarStruck in 2007. Since then, he has been given numerous projects including Dapat Ka Bang Mahalin?, All My Life, The Last Prince, Machete, Coffee Prince, Prinsesa ng Buhay Ko, and Kambal Sirena.

“Likewise, GMA Network and GMA Artist Center have arranged major endorsements and corporate partnerships for Aljur.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN