Marian Rivera on Aljur Abrenica’s complaint vs GMA: "Hindi ako maka-relate sa kanya kasi mabait sa akin ang GMA."

Marian Rivera on being a Kapuso: "Naniniwala naman ako sa GMA na ibibigay naman nila ‘yan. Basta, kinakausap mo lang. Siyempre minsan, sa sobrang dami rin ng artista, hindi mo alam kung paano sila. Siyempre, lahat naman kami ginagabayan at binibigyan ng mga proyekto. Pero lahat naman kami, may mga prayoridad sila at may mga naka-lineup sa bawat artista."


Sa August 12 ay ipagdiriwang na ni Marian Rivera ang kanyang 30th birthday.

Pero bago ang birthday ni Marian ay ang 34th birthday muna ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes sa August 2.

May plano na ba siya sa birthday ni Dingdong?

Ayon kay Marian, “E, kasi, nasa Iloilo pa siya niyan, magbibigay siya ng mga chairs.”

Pero sa birthday episode niya sa kanyang dance show na Marian, nandoon naman si Dingdong?

“Ay, dapat lang!” bulalas niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa Sunday All Stars noong Linggo, July 27.



ALJUR ABRENICA. Naroon siya para sa launching ng kanyang pinakabagong endorsement, ang Kopiko Café Blanca.

Isa sa mga kasama ni Marian sa endorsement niyang ito ay ang kontrobersiyal na si Aljur Abrenica.

Bilang kapwa Kapuso, tinanong ng PEP si Marian kung ano ang reaksiyon niya nang mabalitaan ang naging hakbang ni Aljur laban sa kanilang home network.

Ngunit iwas niya, “Sa totoo lang, ayokong mag-react tungkol diyan.

“Civil kaming dalawa, pero hindi ko siya close friend kasi.

“Mahirap kasing magsalita ng ganyan kung hindi mo alam kung anong side niya or sa side ng GMA.”

Hindi nila napagkukuwentuhan ni Aljur ang tungkol dito?

“Wala, e, civil kaming dalawa, at hindi kami super close talaga,” ulit niya.

Nagulat din siya?

Sagot ni Marian, “Siyempre nagulat ako.

“Pero ako, ayokong i-relate sa kanya… parang ako, malaki ang utang na loob ko sa GMA.

“At ako, kahit anong hiling ko, naniniwala naman ako sa GMA na ibibigay naman nila ‘yan. Basta, kinakausap mo lang.

“Siyempre minsan, sa sobrang dami rin ng artista, hindi mo alam kung paano sila.

“Siyempre, lahat naman kami ginagabayan at binibigyan ng mga proyekto.

“Pero lahat naman kami, may mga prayoridad sila at may mga naka-lineup sa bawat artista.

“Parang ako, after Carmela, Marian ang ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After Marian, hindi ko alam kung magkaka-soap ulit ako.”

Base sa karanasan niya, karamihan ba ng hinihingi o hinihiling niya sa GMA ay naipagkakaloob naman sa kanya?

Tugon niya, “Oo naman, 100 percent talaga.

“Kaya hindi ako maka-relate sa kanya kasi mabait sa akin ang GMA.

“And totoo, mabait sa akin ang GMA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN