Kris Aquino, Mayor Herbert Bautista did not cross paths during PNoy SONA

“Lahat yata emotional. The President was emotional. I was [emotional as well] when the President broke down. Na-touch ako,” says Mayor Herbert Bautista when asked to comment on ex-flame Kris Aquino’s emotional outburst over PNoy’s SONA.


Hindi nagkrus ang landas ng ex-couple na sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista bagama’t pareho silang dumalo sa State of The Nation Adress (SONA) ni President Benigno "Noynoy" Aquino III sa Batasang Pambansa Complex, kahapon, July 28.

Nang magsimula na ang talumpati ni PNoy, sa left wing nakapuwesto si Mayor Herbert habang si Kris naman ay nasa right wing ng plenary hall.

Pagkatapos ng SONA, isa si Kris sa unang nakasalubong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters sa main entrance ng plenary hall.

Dito ay sandaling ibinahagi ng Queen of All Media kung bakit naging emosyunal siya habang nakikinig sa speech ni PNoy.

Read: Kris Aquino moved to tears by PNoy’s SONA: "I want him to live a long life."

Pagkatapos ng interview ay agad ding umalis ng venue si Kris.

Ilang minuto ang nakalipas ay namataan naman ng PEP si Mayor Herbert sa labas ng plenary hall.

Hiningan ng PEP ng reaksiyon si Mayor Herbert tungkol sa pagiging emosyunal ni Kris habang nakikinig ng SONA.

Sabi ng actor-politician, “Lahat yata emotional. The President was emotional.

"I was [emotional as well] when the president broke down. Na-touch ako."

Sinubukan ding tanungin ng PEP si Mayor Herbert tungkol sa lovelife nito, ngunit umiwas ito at saka mabilis na nagpaalam.

Halatang iwas na itong pag-usapan ang kanyang personal na buhay, dahil direkta itong sumasagot kapag ang tanong ay may kinalaman sa trabaho at pulitika.

Bago umalis ay nagbigay pa ng positibong reaksiyon si Mayor Herbert tungkol sa SONA ni PNoy.

Sabi niya, “Yung mga development na ito na nangyari sa President will make him even bolder in his desire na magkaroon ng reform sa pagpapatakbo ng pamahalaan.”

Sa panayam ng PEP noong July 25, inihayag ni Mayor Herbert na naka-move on na siya sa naputol na relasyon nila ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Herbert Bautista on short-lived romance with Kris Aquino: "It was a good partnership."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN