Rocco Nacino waiting for the right time to talk to Aljur Abrenica

Rocco Nacino careful about talking about Aljur Abrenica’s situation. He explains, “Kasi hindi pa talaga kami nakakapag-usap. Alam kong maraming kumakausap sa kanya ngayon, tuma-timing lang ako. But I really don’t know anything. I don’t wanna jump to conclusions.”


Hangga’t maaari ay ayaw magkomento ni Rocco Nacino tungkol sa paghahain ng reklamo ng kapwa Kapuso at kabibigan niyang si Aljur Abrenica laban sa GMA Network upang ipawalang-bisa ang kontrata nito.

Paliwanag ni Rocco, “Ayaw ko nang magsalita kasi very sensitive yun, e.

“Yes, nagkakausap kami, pero hindi ko na brining up [bring up] yun kasi hindi ito ang tamang environment para pag-usapan ‘yan.”

Nagkaroon ba siya ng kutob o naramdaman niya bang may pinagdadaanan si Aljur bago ito naghain ng reklamo laban sa GMA?

Tugon ni Rocco, “Hindi, kasi hindi pa talaga kami nakakapag-usap.

“Alam kong maraming kumakausap sa kanya ngayon, tuma-timing lang ako.

“But I really don’t know anything. I don’t wanna jump to conclusions.”

Marami ang nagulat sa biglaang paghahain ng reklamo ni Aljur sa kanilang home network. Ganun din ba ang naging reaksiyon ni Rocco?

Sabi niya, “Maraming nagulat, but I can’t give my two cents yet. I was told din not to comment.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco bago matapos ang live airing ng Sunday All Stars noong Linggo, July 27.

Base sa pahayag ni Aljur, hindi na raw niya kayang gawin ang ibang ipinagagawa sa kanya ng istasyon na labag sa kanyang kagustuhan. Hindi raw yun ang daan na gustong tahakin nito.

Tanong ng PEP kay Rocco, nagkaroon na ba siya ng problema sa kanyang career o pagtatrabaho niya sa istasyon?

Tugon niya, “No. I’m not comparing, pero things are going well with me, with my career pa.”

Sabi pa ng Kapuso actor, nadadaan naman sa maayos na usapan ang anumang gusot o hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng isang artista at ng network na kinabibilangan nito.



SATISFIED. Apat na taon na sa industriya si Rocco at naging mabait naman daw sa kanya ang GMA.

Dagdag niya, “Happy naman ako sa nangyayari sa aking career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya masaya sa GMA?

Sagot niya, “Dito ako nagsimula, e. Nagkaroon na ako dito… natanim na ang puso ko dito, e.”

Si Rocco ay produkto ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck, gaya ni Aljur.

Si Aljur ay kabilang sa Season 4, kung saan nagwagi siya bilang Ultimate Hunk.

Si Rocco naman ay naging Second Prince sa Season 5.

Wala raw mahihingi pa si Rocco sa kanyang career dahil banayad ang takbo nito.

Hindi na siya dumaan sa cute roles o teen characters at tumalon na agad siya sa challenging and mature roles.

Saad niya, “It’s the path I chose and was given to me, so in-embrace ko na at hindi na ako dadaan pa sa pa-tweetums.

“But then, it was a decision I did not regret dahil okay naman ang kapalit ng mga decisions na yun.”



HUSTISYA. Isa sa mapanghamong role na naibigay kay Rocco ay sa Cinemalaya entry na Hustisya, kung saan kasama niya ang Superstar na si Nora Aunor.

Nagpapasalamat si Rocco sa mga natatanggap na papuri sa pagganap niya sa trailer pa lang ng pelikula.

“Hopefully, fingers crossed. Pero the usual, I’m not expecting.

"But dahil maraming kalaban, maraming magagaling, let’s see, fingers crossed, kung maka-impress ako ng mga tao, that’s good.”

Paglilinaw ni Rocco, hindi naman porke’t pabigat nang pabigat ang roles na ginagampanan niya ay sasalain na niya nang husto ang mga gagawin niyang proyekto.

“Hindi naman sa pagiging mapili, kaya nandiyan ang manager to help you with the decision-making,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN