Julia Montes on current relationship with ex-boyfriend Enchong Dee: Friends without communication

Matipid ang mga sagot ni Julia Montes nang tanungin tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng ex-boyfriend niyang si Enchong Dee. Ngunit sinabi ng young actress na nananatili silang magkaibigan, ngunit wala nga lamang silang komunikasyon.


Magkaibigan pero walang komunikasyon.

Iyan ang lumalabas na paglalarawan ni Julia Montes sa samahan nila ngayon ng ex-boyfriend niyang si Enchong Dee.

Muling nabuksan ang isyu tungkol sa kanila ni Enchong sa live appearance ni Julia sa Aquino & Abunda Tonight ng ABS-CBN kagabi, Hulyo 28.

Natanong kasi ni Boy Abunda si Julia ng reaksiyon niya tungkol sa pag-amin ni Enchong na mayroon na itong non-showbiz girlfriend ngayon.

Read: Enchong Dee says he is not lying about having a girlfriend

Bagamat hindi nagbigay ng reaksyon si Julia tungkol dito, sinabi naman ng Ikaw Lamang star na maayos ang samahan nila ni Enchong.

Sabi niya, “Okay po kami ni Enchong, friends kami. Okay po kami, kaya lang hindi naman kami yung okay na nag-uusap lagi.”

Ang tanong tuloy ni Kris Aquino, wala silang komunikasyon dahil wala silang numbers ng isa’t isa o blinock nila ang isa’t isa?

Paliwanag ni Julia, “Nasira po kasi yung phone ko, so wala talaga akong numbers ng mga tao.”

Wala naman daw silang away ni Enchong.

“Wala po. Friends po kami,” matipid na sagot ni Julia.

Ang ganda-ganda ni Julia ngayon pero wala raw siyang lovelife.

“Quiet lang po ako. Relax lang,” aniya, na ang ibig sabihin ay wala siyang manliligaw at hindi siya nakikipag-date.



IKAW LAMANG. Napag-usapan din ang pagganap ni Julia sa ABS-CBN primetime series na Ikaw Lamang bilang si Mona, na namatay na sa serye noong Hulyo 25.

Kasama ni Julia sa main cast sina Coco Martin, Kim Chiu, at Jake Cuenca.

Marami ang pumuri sa husay ng pagganap ni Julia, lalo na sa death scene ni Mona, na maski nga sina Boy at Kris ay nagpaabot ng paghanga sa aktres.

Sa batang edad kasi na 19 ay malalim nang umarte si Julia.

Sabi pa ni Kris, maging ang mga kapatid niyang babae, na sumusubaybay sa Ikaw Lamang, ay naapektuhan sa naturang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadala raw talaga si Julia sa eksena at sa istorya ng kanilang teleserye.

Sabi ng young actress, “Ang ganda po kasi talaga ng story, so even ako po as Julia, affected na affected po ako kay Mona, lalo na ng characters ng Severino’s family na talagang intact sa bawat isa.

“So, parang nung scene na yun, parang hirap na hirap ako kasi dapat patay na ako, pero tumutulo pa yung luha ko, kasi ganun ako ka-affected.”

Nalulungkot daw si Julia dahil mami-miss niya raw ang buong cast ng Ikaw Lamang, na naging close na sa kanya at itinuring na niyang kapamilya.

“Yung term nga po na sepanx [separation anxiety], nase-sepanx po talaga ako.

“Nung last day ko, talagang umiiyak ako, kasi sabi ko, ‘Eto na yung last day ko with them.’ Ang hirap po.”

Nawalan man ng teleserye si Julia, may gagawin naman siyang pelikula na malapit na raw magsimula ang shooting.

Isang bagong leading man, na hindi pa niya nakakatrabaho, ang makakasama niya sa pelikula.

Hindi pa siya makapagbigay ng iba pang detalye dahil bawal pa raw itong sabihin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN