Alden Richards on Aljur Abrenica’s complaint vs GMA: “Sana makabuti po ang desisyon na ginagawa niya.”

Alden Richards on Aljur Abrenica’s complaint vs GMA: “Siguro po meron lang po talagang hinahanap or meron lang po talaga siyang gustong mangyari sa career niya.”


Sa paghahain ng reklamo ni Aljur Abenica laban sa GMA Network, hindi na sigurado si Alden Richards kung matutuloy pa ang pagsasamahan sana nilang pelikula, ang Cain at Abel.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk si Alden sa grand launch ng "100 Most Beautiful Stars" ng YES! magazine kahapon, July 28.

Dito, sinabi ni Alden na hindi pa niya nakakausap ang kapwa StarStruck alumnus na si Aljur.

Kaya wala pa raw siyang ideya kung ano na ang mangyayari sa proyekto sana nila sa GMA Films.

Sa kabila nito, nagpakita naman ng pag-aalala si Alden kay Aljur.

Aniya, “Alam ko na nasa time pa rin siya ng challenge ngayon.

“Kailangan niya ang lahat ng suporta na makukuha niya sa showbiz and, of course, sa family.

“Ako po, pinagpe-pray ko na sana makabuti po ang desisyon na ginagawa niya.

“Sana maging okay na po soon.”

Dahil sa kanilang napabalitang pagsasama sa proyekto, hindi maiwasang madamay ang pangalan ni Alden sa paghahain ng reklamo ni Aljur laban sa kanilang home network.

Kabilang na rito ang posibilidad na maaring na-insecure si Aljur sa ibang talents ng GMA.

Read: Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged "gross mismanagement" of GMA Artist Center

Sabi ni Alden tungkol dito, “Wala naman po sa aking nabanggit si Aljur na ganyan and regarding sa nagawa niyang decision.

“Siguro po meron lang po talagang hinahanap or meron lang po talaga siyang gustong mangyari sa career niya.

“Sana po malagpasan niya ang challenges na ‘to.”

Kung si Alden ang tatanungin, wala naman dapat ika-insecure sa kanya ang mga kapwa niya Kapuso artists.

Paliwanag niya, “Ako po, nagtatrabaho lang talaga. I’m just doing my best.

“Hindi ko po tine-take for granted [ang trabaho], especially when it comes to soaps and movies na ginagawa ko.

“Mahal na mahal ko po itong craft ko kaya hindi ko po siya ite-take for granted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paghihirapan ko po talaga every project na ibibigay sa akin.”

Sa ngayon, pinaghahandaan ni Alden ang paghu-host niya ng game show na Bet ng Bayan, kasama si Regine Velasquez, at ng historical series na Ilustrado, kung saan gaganap siya bilang si Jose Rizal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN