Iwa Moto warns friends about her poser on Facebook

Iwa Moto on her poser on Facebook: “Kasi yung girl, nagsasabi na mahal niya yung guy and she’s asking for money! Hindi ka ba mainis nun? ’Tapos mukha ko pa ang ginamit. Grabe ang panlolokong ginagawa niya.”


Naalarma si Iwa Moto dahil na paggamit ng isang nagngangalang “Jenelyn Buraay”—na diumano’y taga-Barangay Calampisawan, Calatrava, Negros Occidental—sa kanyang mga larawan upang makipagkilala online sa isang lalaking nagngangalang “Peter Mason.”

Kuwento ni Iwa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via private messaging sa Facebook, kaninang umaga, July 30, nagulat siya nang makita niya ang kanyang larawan na may hawak na fansign, pero iba ang pangalan at mensahe na nakalagay rito.

“Kanina kasi, I just checked the folder dito sa Facebook... yung Others.

“Kasi friends ko lang ang puwedeng maka-message sa akin. And kung merong nag-message sa akin sa FB na ‘di ko friend, diretso yun sa ‘other folder.’

“Dahil nga bored ako, I started reading the messages.”

Dagdag ni Iwa, “I never met the guy and I’m not planning to meet him kasi siyempre, stranger pa rin siya.”

Mga lumang litrato ni Iwa ang ginamit nitong “Jenelyn Buraay” para maka-chat online si “Peter Mason” at para mahingan niya ito ng pera.

“About the photos, yeah, matagal na yun.

“Natandaan ko na nag-fansign ako ng ganun mga five years ago pa yata. Halata naman na old photos na ang mga iyon.

“At siyempre, with the technology ngayon, madali na ang mag-edit at mag-Photoshop.

“Nung nakita ko, siyempre nagulat ako, pero main reaction ko is nainis ako.

“Kasi yung girl, nagsasabi na mahal niya yung guy and she’s asking for money! Hindi ka ba mainis nun?

“’Tapos mukha ko pa ang ginamit. Grabe ang panlolokong ginagawa niya,” diin ni Iwa.

Hindi pa raw nasasabi ni Iwa ang tungkol dito sa kanyang boyfriend na si Pampi Lacson, dahil gusto muna niyang alamin kung sino ang “Jenelyn Buraay” na ito.

“I tried to check the profile and she’s using my pictures. Pati na ang pictures ng family and friends ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nangyayari pala talaga ito. Hindi lang basta name ang ginagamit nila, pati na mga photos—parang hindi na tayo safe sa mga taong ito.”

WARNING. Ni-report naman agad ni Iwa ang pangyayaring ito sa authorities ng Facebook.

“I reported it sa FB management. I hope they’ll do something about it.

“And sana hindi nagbigay yung guy ng pera. Kasi mga photos ko ang ginamit ng Jenelyn na ito.

“Pero dahil sa pangyayaring ito, I learned one important thing—I WILL NEVER MAKE ANOTHER FANSIGN ever!

“Siguro, video would be okay, like greetings and stuff.

“Pero kapag pictures, naku, ang daling i-edit!”

Para maging aware ang ibang mga kaibigan ni Iwa sa FB na may ganitong panloloko na nagaganap, nagbigay siya ng babala sa kanyang FB wall:

“Ok this is really alarming.. starting now I will never make ANY fansigns.. ang daling i edit!! just want to share this.. kasi ayokong magamit sa mga kalokohan ng ibang tao.. pls help me report this person...

“I posted it para sa mga friends ko din para maging aware sila, especially ‘yung mga active pa sa work.

“Okay lang maging nice sa mga fans, pero gawa na lang sila ng ibang way to greet their fans—mahirap na.

“Actually ayoko din maging super big deal ito.

“I just posted it para maging aware ang mga tao na madami ng nagte-take advantage sa social media.

“Kaya dapat ingat tayo talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN