Daniel Padilla denies parting ways with his band Parking 5: “Hindi siya disbanded, pahinga lang muna kami."

Daniel Padilla stands by his band Parking 5 amid rumor that one member is the culprit behind the spread in social media of a photo showing the actor smoking and drinking. The young actor says, “Hindi ako gaganunin ng mga kaibigan. Ewan ko sa mga isyu na pinaggagawa ng iba.”


Nilinaw ni Daniel Padilla ang lumabas na balitang disbanded na diumano ang kinabibilangan niyang banda, ang Parking 5.

Bukod sa kanya, ang iba pang miyembro ng Parking 5 ay sina JC Padilla, Lester, “Les,” Giri Espinosa, Hugh Sedric “Seth” Gothico, at Katsumi “Kats” Kabe.

Iba’t ibang kuwento ang lumalabas tungkol sa pagkaka-disband ng banda, pero ang pinaka pinag-uusapan ay ang bersiyon na isang miyembro diumano ng Parking 5 ang nagkalat ng mga larawan ni Daniel na may hawak na sigarilyo at alak.

Ito raw ang dahilan kung kaya’t nagalit ang Kapamilya young actor at kumalas sa banda.

Ngunit sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertsinment Portal) at Cinema News kay Daniel, pinabulaanan nitong tuluyang nang nabuwag ang Parking 5.

Pahayag niya, “Hindi siya disbanded, pahinga lang muna kami.

"Mag-aaral muna sila [his bandmates]. Okay naman yun.

"Ako sa show business, sila busy muna sa pag-aaral nila.

"May oras naman dun para sa banda namin.”

Ipinagtanggol din ng young actor ang mga kasamahan sa Parking 5 sa isyu ng pagkalat ng kontrobersiyal niyang litrato sa social media.

“Hindi ako gaganunin ng mga kaibigan. Ewan ko sa mga isyu na pinaggagawa ng iba.”

Hindi rin daw nangangahulugan na porke’t pahinga muna sila ay tapos na rin ang pagkakaibigan nila ng kanyang mga kagrupo.

"Yun lang, nawala yung banda, pero magkakaibigan pa rin kami."

BOX-OFFICE HIT. Sa kabilang banda, balitang naka-P200 million na ang kinikita sa takilya ng pelikula ni Daniel kasama si Kathryn Bernardo, ang She’s Dating The Gangster.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Daniel sa mga taong tumangkilik sa pelikula nila.

Nasa London, England daw sila ni Kathryn nang matanggap ang magandang balitang ito.

Sabi niya, “Habang wala kami dito ni Kathryn, dumarating sa amin ang mga balita.

"Nais naming magpasalamat dahil grabe ang suporta ng tao.

"Masarap sa pakiramdam na marami kaming napasaya sa movie, marami ang nakagusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat kami sa lahat ng nanonood, congratulations sa team namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN