Elmo Magalona more confident about showing some skin

Elmo Magalona on Aljur Abrenica controversy: "Nagulat ako kasi parang naglabas na lang yung [GMA] Artist Center ng statement na parang ito yung gagawin. E, ’pag nagkikita naman kami dati ni Aljur, parang happy naman siya sa ginagawa niya dito. I don’t know... siguro nagkaroon lang ng miscommunication or something."


“Meron akong mga eksena na nasa shower ako,” paglalarawan ni Elmo Magalona sa daring scenes niya sa Cinemalaya entry na #Y.

Wala siyang suot?

“Wala, pero half-shot lang, half-shot lang.”

During the shoot ay wala siyang suot kahit ano?

“Meron naman.”

Unang beses itong ginawa ni Elmo. Paano siya napapayag?

Sagot ng Kapuso young actor-rapper, “Well, kasama sa role, e.

"Nababagay naman kasi sa role ko kaya ko siya ginawa, plus yung mas daring pa yung love scene namin ni Sophie [Albert].”

Sa love scene nila ni Sophie Albert sa #Y ay boxer shorts lamang ang suot ni Elmo.

“Naka-polo muna ako ’tapos tinanggal ni Sophie.

"’Tapos tinanggal ko rin yung damit niya.”

Maganda na ang katawan ni Elmo ngayon.

Sabi niya tungkol dito, “Pinaghandaan ko talaga, gym, weight training.”

Isa pa iyon kaya siya napapayag na magpakita ng katawan, dahil confident na siya sa katawan niya.

“Opo, yes, mas happy naman ako sa built ko ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo noong Lunes, July 28, sa GMA Network Center.

NOD FROM JANINE. Nagpaalam ba si Elmo sa girlfriend niyang si Janine Gutierrez tungkol sa daring scenes niya?

“Sinabi ko naman sa kanya, alam niya.

"Nakita naman niya yung script, ipinakita ko sa kanya, e.”

Ano ang reaksiyon ni Janine nang ipaalam ni Elmo na may love scene siya?

“Sabi niya... hindi ko maalala actually yung sinabi niya, pero ano naman siya, very supportive siya sa role ko.

"Kasi siyempre, galing kami sa Villa Quintana, and then sunod kaagad ginawa ko ito.

“Gusto nga niyang manood, e.”

Papayag siya?

“Oo, kasi proud naman ako, e.”

Kumusta na sila ni Janine, kailan sila huling nagkita?

“Kahapon, sa Sunday All Stars.”

NEW PARTNER. Hindi pa alam ni Elmo kung ano ang bago niyang show sa GMA at kung sila ulit ni Janine ang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pang balita actually, pero I think follow-up talaga is kaming dalawa ulit.

"Pero kakatapos lang ng Villa, e.”

Malulungkot daw siya kung sakaling sa next project niya ay hindi si Janine ang kapareha niya.

Sabi ni Elmo, “Kasi siyempre nagsimula rin kami sa ganun, pero magta-try na naman ako siyempre magkaroon ng chemistry with a new partner.

“Pero iba siyempre si Janine. Hindi ko lang naman siya nagustuhan dahil sa Villa, e.”

Proud daw si Elmo kapag nakikita niya ang naglalakihang billboards ni Janine for Boardwalk sa EDSA.

Biro namin, kapag nakikita niya ang mga billboard ni Janine, ang reaksyon niya ba ay ‘Girlfriend ko ’yan!’?

Tugon ni Elmo, “Oo, siyempre ganun yung feeling... ganun yung feeling.”

STAYING PUT. Samantala, pinabulaanan ni Elmo ang balitang lilipat sila ng kapatid niyang si Maxene Magalona sa ibang network.

“Hindi naman po siguro, kasi very supportive ang GMA sa career ko ngayon, and ’eto nga with #Y...

"Nagpapasalamat ako because from wholesome na portrayal ko ng mga characters, binigyan nila ako ng opportunity, ng chance na gumawa ng indie film.

“So, ayun, parang ako, they really help me develop, and I’m really happy developing here.”

Tinanong din ng PEP si Elmo kung ano ang masasabi niya sa isyu ni Aljur Abrenica, na nagpapa-release na ng kontrata sa GMA.

Sabi niya, “Nagulat ako.

"Nagulat ako kasi parang naglabas na lang yung [GMA] Artist Center ng statement na parang ito yung gagawin.

"E, ’pag nagkikita naman kami dati ni Aljur, parang happy naman siya sa ginagawa niya dito.

"I don’t know... siguro nagkaroon lang ng miscommunication or something.

“Pero wala rin akong alam tungkol kay Aljur or from Artist Center, e.”

Itinanggi naman ni Elmo na matutuwa siya kung sakaling umalis sa GMA si Aljur dahil mas mabibigyan na siya ng oportunidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Hindi naman, kasi matagal… hindi ko rin naman masasabi na lilipat na... lilipat na ba siya?

“Well, for me, kung ano lang ang nararamdaman niya kasi importante yun.

"Kung ano yung nararamdaman mo, dapat iyon yung sundan mo.”

Pumirma si Elmo ng kontrata sa GMA noong 2012 at tatagal ito hanggang 2015... "Or 2016 yata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN