Ynna Asistio reveals rushing to Mark Herras’s side after his father’s death

Ynna Asistio says that she and Mark Herras will remain just friends. “Kahit naman po pinatawad mo na yung tao, mahirap pa rin ibalik yung dati. Hindi pa talaga tamang panahon, pero he will always be welcome sa family.”


Dahil sa pagpanaw ng ama ni Mark Herras na si Jun Herras nitong Lunes, July 28, muling nagkrus ang landas ng aktor, ang dating girlfriend nitong si Ynna Asistio, at ina ng dalaga na si Nadia Montenegro.

Isa kasi si Ynna sa mga unang tinawagan ni Mark nang pumanaw ang ama.

Read: Ynna Asistio mourns death of ex-boyfriend Mark Herras’s adoptive father

Ani Ynna, pagkatawag daw ni Mark ay dali-dali siyang sumugod sa ospital kasama ang kanyang ina.

“Dun lang ulit kami nagkita lahat… kagabi [July 28] lang, so medyo weird ang nangyari.

“When we got there, he wasn’t crying anymore, pero I know he’s sad kasi tatay niya ‘yon,” lahad ng Kapamilya actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa press conference ng YES! 100 Most Beautiful Stars, Martes, July 29, sa Centris, Quezon City.

Kahit hindi na sila ni Mark, sinabi ni Ynna na itinuturing pa rin nilang bahagi ng kanilang pamilya ang Kapuso actor.

“Hindi naman nawala ang pagiging family ni Mark sa pamilya namin, though hindi na kami.

"Andun pa rin ang love ng family ko sa kanya, so maganda na siguro kahit ganun lang.”

FORGIVENESS. Ang pagsama ni Nadia kay Ynna para puntahan si Mark sa ospital ay isa raw indikasyon na napalapit na talaga ang aktor sa pamilya ni Ynna.

Matatandaang nagkalamat ang relasyon ni Mark at ng pamilya ni Ynna nang pumutok ang balitang mayroong anak ang aktor sa kanyang dating handler.

Lumalabas kasing sina Mark at Ynna pa nang mangyari sa aktor at sa handler nito.

Read: Mark Herras admits fathering baby girl: “Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ho kasalanan si Ada.”

Kuwento ni Ynna, “Okay na sila.

"Malaking bagay din yung pagiging Christian namin. Mabilis naming napatawad yung tao.

“Nagulat din ako sa mommy ko na ganun ang naging reaction niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sinabi ko nga, ‘Ma, ganyan… Si Mark daw, ganyan-ganyan…’

"Nag-panic siya ’tapos bigla kaming pumunta na, parang ako, ‘Okay, pupunta tayo.’

"Alam mo yung feeling na weird? Pero sabi niya [Nadia], ‘I’m going for Mark. It’s for Mark.’

"Alam kong mahal pa rin ni Mommy si Mark kahit wala na kami.

"So, five years din po ‘yon, talagang part din siya ng family.”

THE REUNION. Ano ang naramdaman ni Ynna nang muli silang magkita ng dating boyfriend?

“Kinabahan ako, pero yun nga, dinamayan lang namin yung tao kasi alam ko kung gaano kaimportante yung daddy niya sa kanya.

"Hindi ko talaga ini-expect na magkikita kami kahapon.

“Siguro ’pag humigit na yung care at pagmamahal mo sa tao, hindi mo na naiisip ang lahat ng bagay na nangyari sa ‘yo.

"Alam kong napatawad na siya ng mommy ko para pumunta kami do’n.”

Sa tantiya ni Ynna, tatlong oras nilang sinamahan si Mark mula sa ospital hanggang hinatid ang ama ng aktor papuntang funeral home.

“I think malaking bagay kay Mark na nakita niya kami dun.

"And happy naman kami na kahit paano naramdaman niya na family pa rin naman talaga siya sa amin."

JUST FRIENDS. Inusisa rin ng PEP si Ynna kung bukas na ba ang pinto niya sa muling pagiging magkaibigan nila ng dating boyfriend.

Tugon niya, “I think open po na maging friends.

"Pero hindi yung friends-friends… casual friends lang siguro.

"Mahirap pa, e.

“Kahit naman po pinatawad mo na yung tao, mahirap pa rin ibalik yung dati.

“Hindi pa talaga ang tamang panahon, pero he will always be welcome sa family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN