Toni Gonzaga advises sister Alex on how to behave around men in showbiz: "You have to guard yourself, your heart, and especially your mouth."

Toni Gonzaga reminds sister Alex Gonzaga about making friends in showbiz: “Next time, you have to choose the people you entertain in your life, kasi baka iba yung intention nila. Kung intention nila maging girlfriend ka, hindi naman ‘yon ang gusto mo, so nagmumukha kang nagpapaasa.”


Ayon kay Toni Gonzaga, humingi na ng paumanhin ang kapatid niyang si Alex Gonzaga sa kaibigan nitong si Ryan Bang dahil sa hindi nila pagkakaunawaan.

“Okay na sila, nag-usap na sila,” banggit ni Toni nang matanong tungkol sa isyu ng dalawa.

Matatandaang sa press conference ng ABS-CBN primetime series na Hawak Kamay kamakailan, nilinaw ni Ryan na hindi siya nabasted ni Alex.

Ayon kay Ryan, naramdaman niyang tila may pagtingin sa kanya si Alex kaya nagustuhan rin niya ang The Voice host.

Pero hindi naman daw siya seryosong nanligaw sa 26-year-old na kapatid ni Toni.

Read: Ryan Bang offended by Alex Gonzaga’s jokes; calls her “echosera”

Ayon naman kay Toni, nabigyan lamang ng ibang kulay ang pagiging malapit ni Alex kay Ryan.

“From the start, alam ko naman na it’s just a friendship, pero it came off na ganun,” sabi niya.

Dahil dito, pinangaralan daw ni Toni ang nakababatang kapatid tungkol sa pakikipagkaibigan sa kapwa showbiz personalities.

Saad ng TV host/actress/singer, “I told Alex, ’This is a lesson learned for you. Next time, you have to choose the people you entertain in your life kasi baka iba yung intention nila.

“’Kung intention nila maging girlfriend ka, hindi naman ‘yon ang gusto mo, so nagmumukha kang nagpapaasa.’”

Pagkatapos, inilarawan ni Toni ang pagiging totoo ng kapatid.

“Kasi si Alex, if there’s one thing na masasabi ko [about her], hindi siya showbiz.

“Hindi siya yung kung ano ang nakikita mo, pagtalikod mo, iba.

“Si Alex, kung ano ang nakita mo, pagtalikod niya, ganun pa rin siya.

“Hindi niya alam kung paano mag-screen o mag-filter.

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi mo kailangang magpaka-showbiz. Kailangan mo lang siguro magpaka-discreet. Know your limitations.’”

Dahil sa misunderstanding na nangyari sa pagitan nina Alex at Ryan, sabi ni Toni, “I think she learned a lot from that whole experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Ate, sige, sa susunod hindi na ako magiging ganun sa mga tao kasi mini-mean pala na iba ang friendship na ibinibigay ko.’”

Kaugnay nito, hindi rin daw dapat bigyan ng ibang kahulugan ang pagiging malapit ni Alex sa kanyang co-star sa Pure Love na si Arjo Atayde.

Sabi ni Toni, “Wala sa isip ni Alex ngayon ang [makipagrelasyon], friends lang talaga.

“Natuto na siya, nag-iingat na siya ngayon.

“Sabi ko, ‘Be careful kapag nakikipagkaibigan ka sa mga lalaki sa industriya. You have to guard yourself, your heart, and especially your mouth.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa press conference ng kanyang Celestine concert sa Jet 7 Bistro, sa Timog Avenue, Quezon City, kahapon, July 30.



CAREFUL. Bukod sa isyung pambabasted, nagsalita rin noon si Ryan tungkol sa pagka-offend niya sa isang joke ni Alex, kung saan sinabihan niya ang Korean comedian ng “pangit” at “change your parents.”

Sabi ni Toni, kahit ang boyfriend niyang si Paul Soriano ay biktima ng ganung biro ni Alex.

“That’s Catherine’s joke, don’t take it seriously. Lagi siyang ganun.

“Si Alex, she’s the type of person that you shouldn’t take seriously.

"Parang she’s happy-go-lucky, laging pabiro,” ani Toni tungkol sa kapatid.

Sa kabilang banda, sinabihan rin daw niya ang nakababatang kapatid.

“Sabi ko, ‘Hindi pare-pareho ang lahat ng tao, na masasakyan ‘yang mga joke mo o kung paano ka sa harap ng mga tao.

“’Kasi ako, kilala kita, kilala ka ng mga friends mo. Yung mga bagong makikilala mo, hindi sila ganun kaya you have to adjust.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN