Enzo Pineda unaffected by Aljur Abrenica’s complaint vs GMA: "I guess, people come and go."

Enzo Pineda on auditioning for a role: “Para sa akin kasi, I learned it the hard way na parang I don’t have to wait for things. And kung may gusto ako, I just have to go for it and kailangan ko talagang kunin, ‘di ba? Parang I have to go for it para ipakita ko talaga na kaya ko and fit ako for the role. ’Tsaka, para sa akin, gusto ko kasi ginagawa yung mga bagay na alam kong pinaghirapan ko.”


Tila hindi apektado si Enzo Pineda sa kinasusuungang kontrobersiya ngayon ng kasamahan niya sa GMA Network at kapwa StarStruck alumnus na si Aljur Abrenica.

Noong nakaraang linggo ay naghain ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract, sa Quezon City Hall of Justice, laban sa GMA.

Ang ibig sabihin nito ay nais nang ipawalang-bisa ni Aljur ang kontrata niya sa Kapuso network kahit sa 2017 pa ang expiration nito.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Sabi ni Enzo tungkol sa sitwasyon ni Aljur, “Siguro wala naman akong comment about it, I guess people come and go.

"So, para sa akin, I’m very happy na I’m still part of GMA, may work ako, and lalung-lalo na…

“Well, for me, I just have to do my part and, hopefully, sa mga goals ko, makakarating din ako dun.”

Nagulat ba siya nang nalaman niya ang paghahain ng reklamo ni Aljur laban sa GMA?

“Para sa akin, siguro parang wala lang.

“Parang sabi ko nga, parang it’s not my problem naman, e.

"So, parang sabi ko, ‘Okay.’

“So, hindi ko naman kailangang problemahin yung mga bagay na yun. Bakit pa?” natawang sabi ni Enzo.

May maipapayo ba si Enzo kay Aljur tungkol sa isyu nito sa GMA?

“Siguro wala ako sa lugar para magpayo!” tawa na naman niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal0 si Enzo sa GMA Network Center noong Lunes, July 28, sa presscon ng talents ng GMA Artist Center na may entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.

Kasama si Enzo sa New Breed entry na Sundalong Kanin.



CLOSURE. Hindi naman siguro masisisi si Enzo kung bakit tila wala siyang pakialam sa nangyayari sa career ni Aljur.

Si Aljur kasi ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay ni Enzo at ng ex-girlfriend niyang si Louise delos Reyes, bagamat mariin na itong pinabulaanan ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May closure na ba sina Enzo at Louise?

Sagot ng young actor, “Siguro ano po, wala na kasing kailangang pag-usapan, e.

“Kasi ang tagal na nun, e. Mga three or four months, five months na ‘ata.

“So, I guess, siguro it’s time for everyone to move on na rin.”

Naniniwala ba siyang nagkaroon ng relasyon sina Aljur at Louise?

“Hindi ko alam, e. Siguro tanungin niyo na lang po sila,” iwas ni Enzo.

Sila ba ni Aljur ay nagkausap na?

“Ganun din, hindi na kailangan namang pag-usapan yung mga bagay na ganun,” giit niya.

Pero magkaibigan pa ba sila ni Aljur?

“No. Hindi naman… hindi naman.

“Pero ever since, parang I don’t have to think about it, kasi tapos na, e.

“Sabi ko, papag-initan ko pa itong mga bagay na ito, e, nangyari na, e.”

Sa pakiramdam niya ay hindi na sila maaaring maging magkaibigan ni Louise?

Ayon kay Enzo, “Para sa akin, in time. It will naman.

“Kasi we’re in the same network and everything.

“Sabi ko, yeah, kahit magkatrabaho kami, okay lang naman yun.

“Kasi parang, I guess, siguro kahit ako, hindi rin naman ako perfect, I make mistakes.

“So, parang it takes time lang to heal everything.”

Sila ni Aljur, maaari pang maging magkaibigan?

“Yeah, puwede rin,” sagot niya.



NO RECONCILIATION. On and off ang relasyon noon nina Enzo at Louise. Dalawang beses silang nag-break at nagkabalikan.

Sabi ni Enzo tungkol dito, “Well, siguro we had our own struggles so on and off.”

May pag-asa bang magkabalikan sila sa pangatlong pagkakataon?

“Siguro, I don’t think so… I don’t think so.”

Hindi na sila magkakabalikan?

“Siguro para sa akin, hindi na, hindi na.”

Bakit?

“Hindi, kasi siguro, I just want to move on and siguro explore life more.

“Bata pa ako, e, so ang dami ko pang puwedeng gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro aminado din ako na, let’s say, siguro I was too young na tingin ko, yung relationship is everything to me.

“So, parang sabi ko, ang dami kong responsibility in work, so parang sabi ko, ‘tsaka na yun, kasi marami pa akong kailangang patunayan, e.

“So, kung ‘pag may napatunayan na ako, siguro baka puwede na rin ako magkaroon ng someone exclusive.”

Inamin naman ni Enzo na lumalabas siya on dates.

“Ive been dating, pero siguro that’s it, pero no one exclusive.”

Hindi raw artista ang dine-date niya.

Nadala na ba siyang magka-girlfriend ng taga-showbiz?

“Hindi naman. Siguro ano, I just want someone different. Alam mo yun? Para maiba naman.”



COMPETITION. Muling napadako ang usapan tungkol sa mga artistang umaalis sa kanilang home network.

Tinanong ng PEP si Enzo kung siya ba ay may thinking na mas “lumuluwag” ang kumpetisyon kapag may umaalis na artista sa isang TV station.

Sagot niya, “Para sa akin, ‘pag may lumilipat or may dumadating na bago, para sa akin, wala naman.

“Pero for me, ‘pag may lumilipat dito, para sa akin, it’s a good opportunity, lalo na ‘pag babae, at least may makaka-loveteam kami na bago.”

Pero kapag may katulad niyang male star na umaalis sa GMA, mas lumalaki ang chance niyang mas mabigyan ng maraming projects?

“Siguro, maybe a little, pero nasa sa akin naman yun kung kukunin ko yung opportunity, e.

“So, ayun, depende pa rin sa tao.

“Maybe it can be a bigger opportunity for a different artist, hindi lang sa akin, ‘di ba?”

Si Enzo, kapag may nakitang oportunidad at alam niyang kaya niya ay gumagawa talaga ng paraan.

Buong pagmamalaki nga niyang sinabi na pumila siya para mag-audition para makasali sa mga pelikula na pang-Cinemalaya.

“Oo, I did!” bulalas niya.

“It was very humbling kasi gusto ko talagang maging part ng Cinemalaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And nung sinabi sa akin na may audition, sabi ko, I just have to go for it.

“Kasi, kailan pa ako makakapasok sa Cinemalaya kung hindi ngayon na, kung hindi mag-o-audition? So, nag-audition ako.

“Pumila ako… pangatlo yata ako, e. Pumila ako ng dalawang oras.”

Wala raw problema sa kanya kahit pumila siya sa audition.

Paliwanag ni Enzo, “Para sa akin kasi, I learned it the hard way na parang I don’t have to wait for things.

“And kung may gusto ako, I just have to go for it and kailangan ko talagang kunin, ‘di ba?

“Parang I have to go for it para ipakita ko talaga na kaya ko and fit ako for the role.

“’Tsaka, para sa akin, gusto ko kasi ginagawa yung mga bagay na alam kong pinaghirapan ko.”

Period movie ang Sundalong Kanin.

Gumaganap si Enzo dito bilang sundalong nakatakas sa Death March noong panahon ng Hapon.

Tungkol ito sa mga batang nais maging sundalo.

“So, ako yung dahilan kung bakit gusto nilang maging sundalo.”

Ang mga batang kasama ni Enzo sa pelikula ay sina Nathaniel Britt, Akira Morishita, Elijah Canlas, at Isaac Aguirre.

Mula ito sa direksiyon ni Janice O’ Hara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN