John Estrada satisfied with wife Priscilla Meirelles as his talent manager

John Estrada on wife Priscilla Meirelles as his manager: “Yun, sumasama siya sa meetings ko. ‘Pag may nagte-text ng inquiries sa akin, sinasabi niya sa akin. Pinag-aaralan niya talaga. Ang maganda naman dito, smart naman ang asawa ko. Kumbaga, she knows what to say and what not to say."


Natutuwa si John Estrada na maayos na nagagampanan ng kanyang misis na si Priscilla Meirelles ang pagiging talent manager nito sa kanya.

Si Priscilla ang nagma-manage sa career ngayon ni John pagkatapos pumanaw ng dalawang naging managers ng aktor na sina Douglas Quijano at Wyngard Tracy.

Bagamat walang karanasan si Priscilla kung paano humawak ng isang talent, ayon kay John, unti-unting natututunan ng kanyang misis kung paano makipag-usap at makiharap sa mga gustong kumuha ng serbisyo ng aktor.

Sabi ni John, “Ever since naman, kahit buhay pa noon sina Douglas at Wyngard, kapag sa decision-making, ako pa rin naman talaga.

“Both of them respect that, lalo na kay Douglas na matagal kong naging manager.

“Sinasabi nga niya noon na kami ni Goma [Richard Gomez], pagdating sa huling desisyon, nakikialam talaga kami.

“Dahil nga raw sa rason na kami ang magtatrabaho, kami ang nasa set.

“Medyo mas alam namin kung ano ang mga tamang proyektong gagawin namin, so yun.”

Patuloy niya, “Kay Priscilla naman, she stands as my manager, pero yung last say or call, sa akin pa rin naman.

“Siya ang sumasagot sa phone calls, nakikipag-negotiate, pero lahat ito ay dumadaan pa rin naman sa akin.

“She tells me and we both decide.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa premiere ng pelikulang The Trophy Wife noong Martes, July 29, sa SM Megamall Cinema.



PRISCILLA AS HIS MANAGER. Marami ang nais malaman kung bakit ang misis niya ang kinuhang manager ni John.

Ito kaya ay para mas maging panatag ang loob ni Priscilla sa gitna ng tsismis na babaero ang aktor?

Natawang sagot ni John, “Hindi naman siguro, bonding time din naman ito!

“Wala namang intriga, ‘di ba? Maayos na ang lahat sa amin, tapos na yung kung ano man ang pinagdaanan namin, okay na yun.

“Yun, sumasama siya sa meetings ko. ‘Pag may nagte-text ng inquiries sa akin, sinasabi niya sa akin. Pinag-aaralan niya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang maganda naman dito, smart naman ang asawa ko.

“Kumbaga, she knows what to say and what not to say.

“Yung intriga, lipas na yun,” diin pa niya.

Ano ang epekto kay John ng pagiging manager ni Priscilla sa pagiging maybahay nito sa kanya?

Saad ng award-winning actor, “Well, like, right now, I’m actually under contract with ABS CBN network na hanggang two years pa yun.

“Basically, it’s not an everyday thing naman.

“’Tapos, karamihan naman ay mga text lang regarding my schedules.

“So, parang right now, ang pinaka-role niya talaga is to check to make sure na hindi nagkakapatung-patong ang schedules ko.”



LOYALTY. Sa puntong ito ay napag-usapan namin ang tungkol sa loyalty na dapat ipakita ng isang talent sa kanyang manager.

Isang bagay na natutunan ni John sa kanyang yumaong manager na si Douglas.

Marami na kasing kaso ngayon ng mga artista na nagpalipat-lipat ng managers at pati na ng networks.

Pagbabalik-tanaw ng 41-year-old actor, “Kasi si Douglas, beterano na rin kasing manager yun.

“Bago pa man kami na-handle nun, he’s been in the business for years, so alam na niya ang kalakaran.

“Alam na niya kung ano ang gagawin sa talents niya.

"But, at the same time, lagi niyang sinasabi na, ‘I can only show you the way, pero ikaw talaga ang gagawa ng daan na ‘yan.’

“’Tapos, lagi niyang sinasabi sa amin na hangga’t maaari, stick to the person na nagbigay sa inyo ng maraming opportunities, nagbukas ng pinto for you, dahil sila rin ang puwedeng magsara nito kung gugustuhin nila.

“Kaya kami, naging sobrang loyal sa kanya, kasi ipinakita rin ni Douglas kung paano magpahalaga sa amin.

“And he treated us not just his talents, but part of his family.

“Yun ang maganda sa kanya, wala nga siyang written contract with us noon, pure trust lang talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ito rin daw ang ipinapayo ni John sa anak nila ng dating asawa na si Janice de Belen, si Yna Estrada, na bahagi na ngayon ng Star Magic family.

“Sabi ko sa kanya, first and foremost, kailangan niyang galingan. Kailangan niyang seryosohin ang craft niya.

“Kasi nga, kami ng nanay niya ay matagal na rin dito sa industriya, at hindi ganun kadali.

“Sabi ko sa kanya, stick to Star Magic, kasi she won’t go wrong.

“Kailangang magpakita siya ng loyalty lalo na’t magaganda naman ang plano sa kanya.

“Nag-usap naman kami ni Janice na kung ano man ang nasasaad sa kontrata niya at projects na gagawin, kailangan pareho naming alam.

“So, okay naman lahat at maayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN