Vice Ganda defends tweet against rallyists at PNoy’s SONA

Vice Ganda on his tweet about anti-PNoy: “I don’t think there’s anything wrong with what I said. Katulad ng sinabi ko, hindi lahat ng nagpoprotesta, e, totoong nag-aaklas. Ang iba naman ay nabayaran ng pambili ng bigas, which is true. Yung mga totoong nag-aaklas, nirerespeto ko ‘yan, kasi mayroon silang ipinaglalaban.”


Naging usap-usapan ang tweet ng comedian-TV host na si Vice Ganda tungkol sa mga nagmartsa at nag-rally sa nakaraang State of The Nation Address (SONA) ni President “Benigno “Noynoy” Aquino III noong July 28, Lunes.

Una muna ay nagbigay ng reaksiyon si Vice sa kanyang Twitter account (@vicegandako) sa SONA ni PNoy:

Sumunod nito ay nagpatutsada ang It’s Showtime host sa mga bumabatikos sa Pangulo:

Ito naman ang patama niya sa mga rallyista:

Marami ang nag-react sa mga pahayag na ito ni Vice, kabilang na si dating Bayan Muna Party List Representative Teddy Casiño.

Sabi ni Teddy: “@vicegandako yung umattend sa loob ng Congress sinuhulan ng bilyon bilyon sa DAP”

Sagot naman dito ni Vice:

Pagkatapos nito ay may pahabol pa si Vice sa kanyang Twitter:


NEGATIVE REACTION. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa mga negatibong komento tungkol sa tweets niya noong SONA ni PNoy.

Saad niya, “Of course, there will always be people who will take it negatively, who will not be in favor of what you will say.

“Magkakaiba tayong tao, magkakaiba tayo ng pinanggagalingan, and I respect that.

“There are seven billion people in the world, lahat ‘yan mayroon at mayroon diyang hindi sasang-ayon sa sasabihin mo.”

Para kay Vice, wala siyang nakikitang mali sa sinabi niya.

“I don’t think there’s anything wrong with what I said.

“Katulad ng sinabi ko, hindi lahat ng nagpoprotesta, e, totoong nag-aaklas.

“Ang iba naman ay nabayaran ng pambili ng bigas, which is true.

“Yung mga totoong nag-aaklas, nirerespeto ko ‘yan, kasi mayroon silang ipinaglalaban.”

Saad pa niya, “Nung nag-aaral ako, nag-aaklas din ako dati, sa eskuwelahan nagra-rally din ako dati.

“Kasi ‘pag totoo kang may ipinaglalaban, saludo ako dun, kasi prinsipyo yun.

“Pero kung wala kang ipinaglalaban at pumunta ka dun dahil ibinenta mo ang dahilan ng pagpunta mo, na may kapalit ng anuman, hindi ko yun masyadong pinapaboran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung mga totoong nag-aaklas, dahil may ipinaglalaban, ituloy ninyo lang ‘yan, nirerespeto ko ‘yan.

“Kasi mayroon kayong ipinaglalaban, kahanga-hanga.

“Isinasabuhay lang nila yung karapatang ibinigay sa kanila ng konstitusyon—freedom of expression.

“Ini-express nila ang sarili nila.

“’Pag may ipinaglalaban, go. ‘Pag wala, sa bahay.”



TEDDY CASIÑO & KRIS AQUINO. Bingyang-linaw rin ni Vice na wala silang away ni Teddy Casiño.

“So far, okay kami ni Sir Teddy, matalinong tao.

“I even voted for him last election,” pagtukoy niya sa kandidatura ni Casiño bilang senador noong 2013, ngunit natalo.

Sabi pa ni Vice, “Okay kami.

“Kahit siya, klinarify [clarified] niya sa Twitter, there was no fight, we’re just exchanging frank comments on what’s happening.

“Matalinong tao yun.”

Sinasabi ng ilan na dahil matalik na kaibigan ni Vice ang TV host-actress na si Kris Aquino, bunsong kapatid ni PNoy, kaya ganun na lamang ang pagtatanggol ng Gandang Gabi Vice host sa Pangulo.

Reaksiyon ni Vice dito, “Alam mo, kahit kailan naman, hindi ako ganung kahinang tao para maimpluwensiyahan na baluktutin ang paniniwala ko, kahit ni Kris Aquino.

“Sabi ko nga, sinusuportahan ko ang Presidente kasi naniniwala ako sa kanya.

“Kahit hindi ko kaibigan si Kris Aquino, pinagkakatiwalaan ko pa rin ang Presidente.

“I even trust the President more than I trust Kris Aquino.

“Kaibigan ko si Kris, mahal na mahal ko siya, pero hindi niya iniimpluwensiyahan ang paniniwala ko.

“I trust the President not because I am friends with Kris Aquino, but I trust him because I believe on the goodness of his heart.”



HOAX. Pagkatapos ng hoax na kumalat sa social media, kung saan ginawan ng away sina Vice at Vic Sotto, isang bagong link ang kumakalat ngayon kung saan si Ai-Ai delas Alas naman ang sinasabing nilait daw ni Vice.

Nilinaw ni Vice ang tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Alam mo, nalaman ko nga lang ‘yan kay Ate Ai na mismo.

“Tinatawagan ako ni Ate Ai, Sunday, hindi ko siya nasagot.

"Sabi niya, ‘Mari, tawagan mo ako paggising mo.’

“Nung tinext ko siya, “Ate, kagigising ko lang, anong mayroon?’

“E, nagda-drive siya. Sabi niya sa akin, ‘Ay naku, may lumalabas na naman sa Facebook, ganito, ganyan. Huwag ka nang pumatol, huwag ka nang magsalita.’”

Nainis ba siya dahil sa panibagong Internet hoax na ito tungkol sa kanya?

Sagot ni Vice, “Hindi ako naiinis.

“Alam mo, natutuwa ako kasi sunud-sunod, lagi akong nanalo na lahat ng pa-contest sa social media.

“Nagpapasalamat ako sa kanila dahil tinutulungan nila akong maging relevant sa social media.”

Tiniyak naman ni Vice na wala silang tampuhan ng Comedy Queen.

“Wala, wala kaming away.”



MOVIE WITH RICHARD YAP & BIMBY. Samantala, kasali sa 2014 Metro Manila Film Festival ang Praybeyt Benjamin Part 2 na pagbibidahan ni Vice.

Makakasama niya rito sina Richard Yap at ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Sa isang interview ni Richard ay nabanggit nitong masayang-masaya siya na si Vice ang makakasama niya sa kanyang first full-length film.

Ano ang reaksiyon ni Vice dito?

“Masaya. Ako din naman, nung tinanong ako kung sino ang gusto ko, sabi ko, gusto ko kasama ko si Richard Yap.

“Nung si Richard din, ang sabi niya, ‘Pag nagka-movie ako, gusto ko magkasama tayo,’ nung nakausap kami nung nagka-party nung nakaraan.

“Ngayon, tuloy na, kaya masaya.

“Kakasa na sa August 1… August 1 ang first shooting day namin.”

Kumusta namang katrabaho si Richard?

Ayon kay Vice, “Okay siya, okay naman siya.

“Sobrang suwabe lang. Hindi OA, saktong-sakto lang.

“Saktong-sakto sa role, saktong-sakto sa okasyon.

“’Tsaka maganda ang personality niya. Gustung-gusto ko si Richard Yap not only as an actor but as a person.

“Sobrang mabait ‘tapos mature. ‘Pag nag-uusap kami, natutuwa ako, sobrang mature, nakakatuwa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos si Bimby pa, super-support si Kris kaya nakakatuwa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN