Mark Bautista defers lovelife to focus on London musical

Mark Bautista muses: "We are all destined for greatness. Depende na lang siguro kung paano ka mag-respond sa kung ano ang ibinibigay ng Diyos sa iyo."


Sa August 16 na ang lipad ni Mark Bautista papuntang London para sa musical play na Here Lies Love.

Napili si Mark para gumanap sa papel ng yumaong Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand E. Marcos sa musical na ito, na tumatalakay sa talambuhay ni dating First Lady Imelda Marcos.

Anim na buwan mawawala sa bansa si Mark.

Dahil sa bagong pangyayaring ito sa kanyang buhay, aminado ang singer-actor na muli na namang mauunsiyami ang kanyang lovelife.

Magko-concentrate daw siya sa musical na ito na aniya ay "a chance of a lifetime."

Sa presscon para sa kanyang Best of Me concert noong June, inamin ni Mark na mayroon siyang natitipuhang babae—isang commercial model na napanood niya sa Iglesia Ni Cristo TV channel.

Ginawa niya raw ang lahat para makilala ang model, hanggang inalok niya itong maging partner sa music video ng kanyang latest album.

Read: Mark Bautista stricken by love at first sight; sets stage to woo dream girl

Sabi ni Mark sa turn of events na ito sa kanyang buhay, "Yun nga ang ikinukuwento ko na... sa dami namang nami-meet ko dito, ’tapos pinapaalis naman ako.

"Kinuha ko na nga siya sa music video, mapapanood niyo yun.

"Wala naman akong kini-claim... basta, heto, magandang babae, isinama ko sa music video, ayun.

"’Tapos biglang dumating ’to [Here Lies Love]...

"So, ano ba ito, European ba ang talagang nababagay [sa akin]? Wow!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa pocket presscon niya na ginanap sa Viva Entertainment office, kahapon, Huwebes, July 31.

MISSED OPPORTUNITY. Ayon pa kay Mark, nagle-level up na sana ang friendship nila ng babaeng pumukaw sa kanyang atensiyon.

Ngunit heto nga’t lilipad naman siya sa London at mawawala nang matagal-tagal ding panahon.

May panghihinayang sa tono ng boses ni Mark nang sinabi niya, "Yeah, nagkakausap-usap na sana kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung ginagawa namin yung music video, twice ko siyang kinol... ako kasi ang nagku-call sa kanya, e.

"So, parang, ’Puwede ba nating ulitin yung eksena, may isa pa tayong shoot?’

"Okay naman siya.

"Buti na lang, wala pang masyadong development, walang attachment, ganun."

Nagpaalam na ba siya rito na aalis siya at anin na buwan siyang mawawala?

Ayon kay Mark, "Sinabi ko sa kanya na, ’Baka makaalis ako ng bansa sa August.’

"Pero wala akong sinasabing ano kasi hindi pa sigurado.

"Ngayon, kailangang pormal ko nang sabihin.

"Sabi ko, ’pag nakuha ko na yung visa, yun na yun."

Paano naman nag-react ang dalaga sa pahapyaw niya?

"Sabi niya, ’Wow!’ ’Tapos ikinuwento ko na sa kanya hetong Here Lies Love.

"At sabi niya, ’Sana matanggap ka... ganyan-ganyan.’

"Yun, heto... another loss."



FOCUSED. Gusto man niyang magka-girlfriend, mas pinagtutuunan daw ngayon ni Mark ang kanyang career kaysa sa personal na buhay.

Sabi ng 32-year-old singer-actor, "Alam mo, naisip ko ’yan.

"Para bang, ’Heto na ba ang right time para maghanap ako ng… kailangan ko na bang magkaroon ng pamilya or something?’

"Pero ’pag may dumating sa akin na bagong project ’tulad nito, kailangan kong mag-focus, kasi bihira itong dumating.

"Puwedeng tumigil ako sa showbiz at mag-asawa, pero heto, hindi ko na makukuha ito again.

"Papa-edad na rin naman ako."

Kaya nga paghuhusayan daw ni Mark ang kanyang performance sa Here Lies Love para maging proud sa kanya ang kapwa Pilipino.

Mariing sabi niya, "Kahit medyo kabado ako, talagang gagawin ko ang lahat para ma-appreciate nila yung performances ko.

"Imagine, araw-araw ang show namin, so parang walang pahinga."

Sa August 18 ang start ng rehearsals nila ng musical na ipalalabas sa September.

Saad pa ni Mark, "Pero happy ako na ito ang project na naibigay sa akin, naging part ako ng sarili nating history."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAITH, DESTINY. Sa puntong ito, inalam ng PEP kung ano sa tingin ni Mark ang naging edge niya sa ibang local singers at theater actors na nag-audition para sa role ni Marcos.

Naulat na ang ilan sa nag-audition para sa naturang role ay sina Christian Bautista, Erik Santos, Markki Stroem, at ang theater actor na si Jake Macapagal.

Ang audition piece naman ni Mark ay ang "Kiss" na pinasikat ni Tom Jones.

Sabi niya, "Ayokong sabihin na ako ang pinakamagaling, kaya ako ang nakuha.

"Naniniwala pa rin ako sa faith, sa destiny, na lahat puwedeng mabigyan ng ganitong chance.

"I think we are all destined for greatness.

"Depende na lang siguro kung paano ka mag-respond o mag-react sa kung ano ang ibinibigay ng Diyos sa iyo.

"Kung ang question ay kung ano ang naging edge ko sa kapwa ko nag-audition, naisip ko talaga na maraming factors, e.

"Kasi, nung nag-audition ako, marami akong kasabay na, grabe, nakaka-intimidate.

"Kailangan lang siguro, in sync ang iyong utak at puso, kailangang makiramdam ka rin sa paligid mo.

"Siguro, yung sabi nila, may hawig din ako kay President Marcos, may pagka-tsinito rin kasi siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN