Indie actor Nicco Manalo wants answers from dad Jose Manalo: "There are questions talaga na nagli-linger na sana masagot."

Nicco Manalo still holds his father Jose Manalo in high regard despite their estrangement: "Grabe siyang magtrabaho and I have the utmost respect for what he’s doing.”


Wala raw conscious effort kay Nicco Manalo na maiba ang direksiyon ng kanyang career sa sikat na komedyante niyang ama na si Jose Manalo.

Nalilinya kasi ngayon si Nicco sa mga seryoso at drama projects, katulad ng pelikulang kinabibilangan niya, ang Barber’s Tales, na ipalalabas sa mga sinehan sa Agosto 13.

Sa ilalim ito ng direksyon ni Jun Lana at produced ng APT Entertainment at OctoberTrain Films.

Paliwanag ni Nicco, “Wala po, wala pong conscious effort kasi nagsimula naman ako sa theater.

"’Tapos matagal na po akong nabibigyan ng mga comedic roles.

"Nagkataon lang po siguro na yung mga nagawa ko recently na napapansin ay yung mga seryoso.

"Kumbaga, kasama po ako sa Zombadings, yung mga ganun klaseng pelikula.

"May mga nagawa po akong comedy. Nakakatawa rin naman po ako.

"Nagkakataon lang na yun po ang mas napapansin na mga pelikula ko, yung mga seryoso."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Nicco sa presscon ng Barber’s Tales kahapon, Hulyo 31, sa Victorino’s restaurant, sa Scout Rallos, Quezon City.

ON HIS OWN. Natutuwa naman ang 25-year-old actor na unti-unti na siyang napapansin sa industriya ngayon.

Hindi rin naman daw nakialam ang tatay niyang si Jose sa kanyang career.

“At saka ako din ang nagsabi sa kanya na mas gusto ko talagang mag-work on my own.

"Alam ni Daddy na gusto kong mag-create ng sarili kong pangalan.

"And, I think, nagkataong nakakabuti rin siya na nagkakaroon ako ng ibang linya o ibang path other than comedy, ’di ba?

"Slowly, mas napagkakatiwalaan ako, mas nabibigyan ako ng chance, naa-appreciate ko ang lahat ng iyon.”

EUGENE DOMINGO. Ang Barber’s Tales ay pinagbibidahan ni Eugene Domingo. Kaya natanong ng PEP si Nicco kung kumusta katrabaho ang pinarangalang Best Actress ng 2013 Tokyo International Film Festival na si Uge (palayaw ni Eugene).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Ano po, masaya. Well, pang-apat na po naming pagsasama ito.

"Nagkasama rin po kami sa Instant Mommy for Cinemalaya, Tuhog for Skylight Films, lumabas din po ako sa Kimmy Dora.

"Actually, may pressure po sa akin, kasi yung pagpasok ko po sa cast ng Barber’s Tales, medyo last minute.

"Kasi nung nag-audition po ako, parang wala na.

"’Tapos nung nabigay po sa akin yung chance, talagang grinab ko.

"Kay Ate Uge, hindi ako natatakot kasi palagi naman niya akong sinusuportahan."



JOSE AND UGE. Pabirong tanong naman ng PEP kay Nicco kung aprubado ba sa kanya ang pagkaka-link ni Uge sa kanyang tatay na si Jose.

Click kasi sa mga manonood ang tila loveteam nina Jose at Uge sa game show nila sa GMA Network, ang Celebrity Bluff.

“Mas aprubado po kung sa akin na lang ma-link!” birong sagot naman ni Nicco.

Nang matanong si Uge ng reaksiyon niya rito, pabirong sabi ng magaling na aktres, “Hay naku, desperado na talaga kami.

"Kaya lahat ng puwedeng pag-usapan, pag-usapan.”

Nang makausap ulit ng PEP si Nicco ay nilinaw naman nitong hanggang mag-ate lang daw talaga sila ni Uge.

“Oo naman, ate lang, kasi nagkakaintindihan kami sa craft namin, kung ano yung respeto namin sa ginagawa namin.

"And at the same time, pareho kaming mahilig magpatawa, pareho kaming mahilig magkulitan."

Pero kung sakali kung hindi man kay Uge, posible ba siyang ma-in love sa mas may edad sa kanya?

Ayon kay Niocco, “Wala pong isyu sa akin ang edad... kung totoo yung nararamdaman and pareho ang nararamdaman niyo, there’s no problem.

"Kahit malaki pa ang age gap niyo o mas matanda sa akin yung girl.”

DADDY ISSUES. Hindi rin nakaligtas si Nicco sa mga tanong tungkol sa kanyang ama.

Halos wala raw silang communication, “We haven’t talked in a while."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nag-e-effort ang daddy niya na kausapin siya?

Pahayag ni Nicco, “After nung separation nila ng mom ko, parang hindi talaga kami nakapag-usap.

"Parang last year pa kami huling nag-usap, hindi pa kami nakakapag-usap ulit.

"Siguro nag-text kami early this year pa, naka-receive ako ng text from him. Nangungumusta siya, ganun.”

May sama ng loob pa rin daw siya kay Jose.

“Sa akin kasi, hindi siguro maiiwasan na may tampo, may sakit, ganun.

"Pero more than that, I’ve said this before, mas gusto kong makuha yung sagot from him.

"Not in the near future, parang kung ngayon, hindi pa.

"Pero eventually, makapag-usap kami.

"I mean, isang side lang kasi ang alam ko, yung side ng mom ko.

"And we can’t help it na bias ’pag isang side lang ang alam ko... they are my parents and I love them both dearly.

"Kaya lang, there are questions talaga na nagli-linger na sana masagot.

"Siguro hindi ko maitatago, alam ng daddy ko at naiintindihan niya kung ano yung nararamdaman ko.

"Natutuwa naman ako na parang ni-respect niya iyon.

"Kasi ako yung panganay sa amin, so talagang hindi maiwasan na sa akin bumagsak lahat iyon.

"And marami akong kapatid na kailangang i-explain sa kanila kung ano yung nangyayari.

"So, parang I do my best para mag-explain."



BREADWINNER. Sa pag-alis ng tatay niya, naramdaman niya bang siya ang umako sa pagiging breadwinner ng pamilya?

“In a way, tumutulong ako sa mom ko.

"Hindi naman ako lang, nagtutulungan kami ng mommy ko.

"Kaya nga I took a break sa theater para I can do more projects sa movies at sa TV para mas makatulong sa family ko."

Kasama niya ba ang mommy niya at mga kapatid sa bahay?

“No, ang mommy ko kasama niya yung mga kapatid kong babae. Ako, nakatira ako sa resort namin sa Quezon City.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may kasunduan ba ang mommy at daddy niya pagdating sa mga sustento at iba pang bagay patungkol sa gastusin ng pamilya?

Sabi ni Nicco, “I think ngayon, meron na silang napagkasunduan ng mom ko.

"Hindi ako nakikialam doon, pero I think may ibinibigay si Daddy, pero hindi ko alam."

Kung sakaling magkaroon ng pagkakataong magkakasama sila sa isang proyekto ng daddy niya, willing ba siyang tanggapin ito?

“Not yet, parang for me, ayoko namang ma-sacrifice yung… parang kung may ilangan bang mangyayari sa amin sa set or while working.

"Ayokong ma-sacrifice yung project at saka baka mas masapawan yung project ng isyu sa amin at sa family namin, ’di ba?

"At saka ayokong gawin yun just for sabihin natin malaki yung TF [talent fee], ganyan.

"Nire-respect ko rin kung ano yung nangyayari sa amin ng dad ko.

"He’s working, grabe siyang magtrabaho, and I have the utmost respect for what he’s doing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN