Kris Aquino calls on supporters of President Noynoy Aquino to stand by him; hits back at critics of PNoy

Labis na nababahala ang mga kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino dahil sa naging emosyunal na talumpati nito noong nakaraang State of the Nation Address (SONA). Kaya naman nanawagan ngayong araw, August 1, ang kapatid nitong si Kris Aquino ng dasal at suporta para sa kapatid na Pangulo.


Nanawagan ngayong araw, August 1, ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa supporters ni Pangulong Noynoy Aquino na iparinig ang kanilang boses ng pagsuporta para sa kapatid.

Ayon sa report ng GMA News Online, umapela rin ng dasal si Kris para sa kalusugan at kaligtasan, mula sa anumang kapahamakan, ni PNoy.

Ginawa ni Kris ang kanyang panawagan sa mensahe nito matapos ang misa para sa ika-limang taong anibersaryo ng kamatayan ng ina nilang si former President Corazon Aquino.

Sabi ng TV host-actress, "He [Noynoy] can’t do it on his own. We need to stand by him and give him strength.

"Please pray with us also that he stays alive.

"Gusto namin talaga good health, wisdom, strength, courage, and he has the fortitude to last."

Apela naman ni Kris sa mga tagasuporta ng kapatid, "Sana iyong mga naniniwala sa kanya, iparamdam sa kanya araw-araw na hindi siya nag-iisa.”

Naniniwala si Kris na marami pa ring sumusuporta kay PNoy, ngunit mas pinili ng mga itong manahimik.

"I guess I can tell that to Noy now that the great majority of our people still really believe in him.

"They know what a good job he is doing. Ang problema lang, iyong mga bilib, tumatahimik.”

Sa pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino, naging emosyunal ito bago matapos ang kanyang talumpati dahil sa naalalang pagtangka sa kanyang buhay noon at ang nalalapit na death anniversary ng amang si dating senator Ninoy Aquino.

Pinaslang si Ninoy sa tarmac ng dating Manila International Airport noong August 21, 1983.

Apektado sa ipinakitang emosyon ni PNoy ang mga kapatid nitong babae na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Viel Aquino-Dee, at Kris.

Read: Kris Aquino moved to tears by PNoy’s SONA: "We want him to live a long life."

TO CONSTANTLY WEAR YELLOW. Sa ulat naman ng ABS-CBNNews.com, ipinangako ni Kris na magsusuot siya ng damit na kulay-dilaw simula sa araw na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasagsagan kasi ng kontrobersiya ng Disbursement Acceleration Program (DAP), nanawagan si PNoy na magsuot ng yellow ribbon ang mga sumusuporta sa kanya.

Isa raw sa mga nagtulak kay Kris upang magsuot ng yellow araw-araw ay dahil sa napanood nitong newscast, kung saan nakaramdam siya ng pagiging bias ng reporters.

Kuwento ni Kris, "Two and a half weeks ago, Ate and I were watching the news broadcast together.

“And kitang-kita namin yung bias, yung color ng kabila, blatantly suot ng lahat ng nagre-report.

"So I told my ate, ‘Ate, mas marami naman akong airtime sa kanila. Starting today, magdidilaw talaga ako.’

"You know, I think it took siguro what happened noong Monday [SONA] for all of us to realize that we should not be complacent.

"Na kung gusto natin si Noy, if we want him to succeed, all of us should be there with him.

"Hindi lang during the moments na kini-criticize siya, but more importantly in the moments that he’s doing good."



CONTINUE TO PRAY FOR PNOY. Palagi rin daw ipinagdarasal ni Kris ang kapatid na Pangulo, kasama ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby.

Laman daw ng dasal niya na bigyan pa ng lakas si PNoy.

"Please guide Noy, give him strength, bigyan Niyo siya ng inspirasyon, palakasin Niyo siya.

"At sana, yung mga naniniwala sa kanya, iparamdam sa kanya araw-araw na hindi siya nag-iisa."

Mensahe naman niya sa yumaong ina na si Cory Aquino, "Mom, I know you’re so proud of your son.

"And in the same way, all of us here were so proud of everything he is, and we know we are what we are because of our parents."

May mensahe rin si Kris sa mga walang-sawang bumabatikos sa Pangulo at sa kanilang pamilya.

"Sabi ko, okay lang, tirahin niyo kami nang tirahin, marami naman kaming venue na iangat si Noy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN