Angeline Quinto on relationship status with Erik Santos: "Mag-understanding... Pero hindi pa mag-on."

Angeline Quinto was one of the thousands of The Voice Kids watchers who prayed for Lyca Gairanod, "Pinagdasal ko siya sa Quiapo, sobra pong gusto kong manalo si Lyca... iyak ako talaga. Sobrang happy ako para sa bata.”


Isiniwalat ng tinaguriang "Queen of Teleserye Theme Songs" na si Angeline Quinto na mas bibigyan niya ng priority ang pagkanta kaysa sa kanyang pag-arte.

May personal na dahilan daw si Angeline kung bakit mas gusto niyang mag-concentrate muna sa pagkanta ngayon.

“Sa totoo lang may mga ilang offers po, pero kasi sabi ko, gusto ko talagang i-priority po talaga yung kanta.

"Sabi ko hangga’t hindi ko po natutupad yung dream ko na makapag-Araneta Coliseum, gusto ko munang ituluy-tuloy yun hanggang umabot po ako doon,” pag-amin ni Angeline nung makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng show niya sa Klownz Comedy bar last Wednesday.

Sabi pa niya, “Kasi medyo napapagod po talaga ako sa puyat, medyo hindi kinakaya ng katawan ko.

"Baka po maospital lang ako lagi kapag tinuloy ko pa.”

May plano na ba for her first Smart-Araneta Coliseum concert?

“Siguro po,” nae-excite na sambit ni Angeline. “Kung kailan po ibibigay sa akin maghihintay lang po ako.

“Ngayong taon baka hindi ko pa kakayanin kasi marami po akong labas. Sana next year, hopefully.

“Valentine’s concert? Sana… Saka lagi ko pong pinagdadasal ‘yan kasi marami rin ang nagtatanong sa akin.

"Sabi ko, gusto ko matupad talaga yun. At alam ko rin naman na maraming taong tutulong sa amin.

"Kagaya ninyo, kayo rin po yung nagbigay ng show sa akin kaya sana po matuloy.”



MMFF MOVIE. Nilinaw rin ni Angeline ang ‘di niya pagkakatuloy para sa movie project na English Only Please. Isa ang pelikulang nabanggit sa official entries para sa nalalapit na 2014 Metro Manila Film Festival.

Nauna isinumite ng producer ng English Only Please sa MMFF committee ang pangalan nina Sam Milby at Angeline Quinto bilang mga bida.

Pero kamakailan ay nabalitang nagsimula na ang shooting ng pelikula sa pangunguna nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, ano po, nagulat po kasi ako na kasama po pala siya sa MMFF.

“So, meydo hindi pa po talaga ako ready sa ganoon, sobrang pressure po sa akin.

"’Di ba nga po katulad ng tinanong ninyo kanina kung about sa teleserye? E ,what more po itong movie na gagawin na ang dami pa pong kasabay.

"So sabi ko po sa management, baka po puwedeng next time na lang po siguro kapag ready na ako.

“E si Sam Milby po ’ata ganoon din ang dahilan. Pero nauna po si Sam na nag-backout.

"Nung ako naman po yung tinanong, nagdalawang-isip talaga ako.

"Kasi ang hirap naman pong umoo na hindi naman buo ang loob mo, ‘di ba? Lalo na pang-MMFF pa siya.

“’Tsaka kasi ang dami kong plano sa MMFF kasi susuportahan ko talaga si Vice [Ganda] at si Kris [Aquino] sa movie nila.

"’Tapos nagulat ako, yung movie namin kasali doon.

So sabi ko, huwag naman muna. Hindi ko pa kaya talaga,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Angeline.

Unlike some other stars na gustung-gusto na magkaroon ng pelikula at hindi pakakawalan ang oportunidad na mapasama sa MMFF, kakaiba naman si Angeline.

“Siyempre blessing yun,” diin niya.

"Pero humingi naman ako ng tawad sa Diyos… kasi priority ko po talaga ng pagkanta, sa ngayon.”

ERIK SANTOS. What if ang rumored boyfriend niya ngayon na si Erik Santos ang kinuhang partner niya sa pelikula, hindi niya tatanggihan?

“Hindi pa rin, pero kung yung mga MMK [Maalaala Mo Kaya], mga dalawang araw na shooting days lang,” sagot niya.

Agaw-pansin ang sobrang kaputian at kakinisan ni Angeline ngayon.

“Talaga ba? Seryoso ba ‘yan?

“E, yun naman po ang importante, ‘di ba? Kapag mahal mo naman ang sarili mo, makikita naman ng tao yun.

For sure, in love siya kaya maganda siya ngayon. Si Erik ba ang dahilan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Erik, alam po ng lahat siya po. Pero hindi pa kami.”

“Getting to know each other, kasi rati po, ‘di ba, yung sa amin nung una biruan lang, e.

Hindi ko rin naman in-expect ‘to.

"So parang sabi ko sa sarili ko, kung anuman po ang mangyari after nito, ready naman po ako at alam naman ni Erik yun.”

Ibig sabihin, may understanding na sila?

“Opo naman.”

Mag-M.U. (mutual understanding) na sila ni Erik?

“Mag-understanding, ha-ha! Pero hindi pa mag-on, hello.”

Exclusively dating?

“Minsan po, kapag may oras.”

Saan naman sila gumagala na dalawa kapag nagdi-date?

“Noong nakaraan, nagpunta po siya sa bahay ko, nung blessing po, ganyan, kasi busy din siya, e.”

May pelikula si Erik sa Cinemalaya, alam ba niya?

“Yes, po, actually, in-invite po nga niya ako diyan.

"Sabi ko nga, ’Kung ako ang date mo e di pupupunta ako.

“’Kung iiwan mo ako sa sinehan... hindi ako pupunta, ‘no,’" humahalakhak na kuwento ni Angeline.

LOVING LYCA. Any reaction sa pagkakapanalo ni Lyca Gairanod bilang The Voice Kids grand winner?

“Ay, oh, my God! Bakit tinanong ninyo ‘yan?

“Si Lyca po, alam ninyo sa totoo lang, ayoko ‘tong sabihin kasi para sa akin na lang.

"Pero si Lyca po pinagdasal ko siya sa Quiapo, sobra pong gusto kong manalo si Lyca.

"Kasi nakita ko yung ano ng bata, kung gaano niya kagustong tulungan ang family niya na maiahon sa hirap. Alam ninyo ‘yon?

“Alam ko rin po na isa sa mga dahilan kung bakit nanalo yun, si Lyca.

“Siguro yun na po yung susi para magkaroon sila ng bagong buhay, na mas mabigyan niya ng mas maayos na buhay ang nanay at tatay niya.

"Kasi alam ko rin naman ang istorya ng buhay ni Lyca.”

Nakikita ba niya ang sarili niya kay Lyca?

“Yes po, first time kami nagkita sa ASAP sobra po akong natuwa sa bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi po wala siyang tigil sa kasasabi na, ‘Eto na yung idol ko! Nandito na ang idol ko.’

"Ganyan siya kakaswal magsalita, ’tapos yung nanay niya nakilala ko nung nagkasama kami sa ASAP last last week bago nag-grand finals po.

“Nagkasabay po kasi na meron po kaming family reunion sa bahay nung grand finals nila so hindi ko siya napanood kumanta.

"Pero nung in-announce ni Tita Cory Vidanes yung winner, iyak ako talaga. Sobrang happy ako para sa bata.”

PROMO TOUR. Matatapos na rin ngayong buwan ng Agosto ang bar tour para sa promo ng official sound track album ng teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Paolo Avelino sa ABS-CBN.

Bahagi ng track list ang mga kantang “Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” “Gusto Kita,” “Why Can’t It Be,” “Umiiyak ang Puso,” at “Someday.”

Kasama rin ang “Wherever You Are,” ‘Hindi Ko Kaya,” “Muli,” at “Forever” na kinanta ni Angeline kasama si Erik.

Ano ang favorite song niya sa album?

“Ah, ‘Gusto Kita,’” ngiti niya, “Dati pa ito na yung madalas ko’ng kinakanta sa videoke din... kahit nung buhay pa si Papa.

"Ah. sobra ako’ng thankful talaga na nagkaroon ako ng sarili ko’ng version ng ‘Gusto Kita.’

Ang "Gusto Kita" ay unang pinasikat ng singer nung dekada ’80s na si Gino Padilla.

"’Tsaka ito rin po kasi ang kauna-unahan na napasama sa soundtrack po na ginamit from the teleserye.”

Hindi ba ang duet nila ni Erik na “Forever” ang pinakagusto niya sa album? Kinilig siya sa duet nila ni Erik, for sure?

“Oo naman,” natatawang sabi ni Angeline.

“Kasi yun po yung version ni Ms. Regine Velasquez at Sir Martin Nievera. Talagang maganda yung song.

"Happy naman ako na kami ni Erik yung nabigyan ng chance na mag-duet para sa kantang ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo binigyan lang namin ng ibang timpla saka tunog yung kanta para naman po malayo sa original version.”

Tatlo raw ang duet nila ni Erik sa album kasama na nga ang “Forever.”

GOING FOR PLATINUM. Magpa-platinum record na ba ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon album niya?

“Sa ngayon po, hindi ko pa po talaga alam, pero marami akong naririnig na yung ibang music store naa-out of stock daw po sila, lalo na sa probinsya.

"Happy naman po ako nung malaman ko yun."

Natatawang dagdag pa niya, "Kaya sinabihan ko ang Star Records na magbigay na ulit ng panibagong CD ko, ng panibagong supply, ‘di ba?

"Para mas kumita po yung album…sana.”

Gusto ba niya ang title na binigay sa kanya bilang Queen of Teleserye Theme Songs?

“Opo naman, siyempre kahit naman sino naman pong bata na katulad ko na mabigyan ng ganyang title...

"Siyempre sobrang pasasalamat ko talaga sa mga tao na nagmahal sa mga kanta ko simula nung umpisa.”

What’s next after ng promo tour ng album?

“Actually, marami rin po akong mga out of the country [shows] this year, late this year po.

"’Tapos may out of the country din po kami ni Erik sa Hawaii.

“Next month meron po akong Singapore, ’tapos guest po kasi ako kay Papa Chen [Richard Yap] kasi meron po siyang tour sa Europe.

"Bale guest po kami ni Paulo Avelino para sa mga Kapamilya doon para naman po makaabot kami d’yan.”


NEW HOUSE. Samanta, how’s her life sa bago niyang property?

“Siyempre thankful po talaga kasi after three years po natupad po ang pangarap ko.

“Dream house ko po kasi talaga yun. Every time na umuuwi ako doon, super saya ko.

"Kahit na bad trip ako, ‘pag dumating ako, super saya ko.”

Magkano ang worth ng bahay niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa ano lang po, P50 thousand, joke lang po.”

Baka P50 million?

“Hindi po,” mabilis na tanggi ni Angeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN