Ruru Madrid admits attraction to older women

Ruru Madrid confesses to getting attracted to more mature women: “Ay, ako mas gusto ko po talaga na mas matanda! Pero hindi natin masasabi ’yan kasi ayoko ring magsalita ng tapos. Pero parang sa ngayon, parang nakikita ko na mas okey yung mas mature.”


Sa murang edad niyang 16, una raw nagkaroon ng girlfriend si Ruru Madrid noong thirteen years old pa lamang siya.

Pag-amin niya, “Opo, dati. Pero parang ano lang po yun, puppy love lang po yun.

“Pinakamatagal ko po [na relasyon], two months.

Wala pa raw siyang nagiging girlfriend na artista; nakatatlong girlfriends na siya.

“Pero ano lang po yun, parang friendship, walang masyadong ano po dun, walang malisya,” diin niya.

May diretsong nagtanong kay Ruru kung virgin pa ito.

“Ay, hindi ko po masasabi ’yan e,” at tumawa si Ruru.

“Hindi ko po alam. Secret po!”

Bakit hindi niya masagot?

“Wala, wala po, friendship lang talaga.”

So, virgin nga siya?

“Ewan ko po,” at muling tumawa ang young actor.

Lalaki siya, kaya imposibleng wala siyang alam tungkol sa mga “bagay-bagay.”

“Siyempre po, kailangan lagi kang may alam sa mga ganung bagay. Kasi, kung wala kang alam sa ganun, naku...

“Kailangan meron na. May kaalaman naman po ako.

“Nanonood. Mga kissing scene lang po napapanood ko, e,” at muling tumawa si Ruru.

“Kailangan may alam.”

At marunong siyang mag-ingat tungkol sa mga “bagay-bagay”?

“Mag-ingat? Siyempre po, importante ’yan. Siyempre kailangan po yun sa mga bagay-bagay.”

Lalo na ang mga kabataang tulad niya na mapupusok?

“Mapupusok. Tama,” pagsang-ayon niya.

Kaya dapat ay palaging may baon na condom sa wallet?

“Kung minsan po. Hindi, joke lang!” biro niya.

Biniro namin si Ruru na titingnan namin ang wallet niya.

“Wala, wala po wallet ko ngayon.

“Laging tsini-check ng nanay ko yung wallet ko, baka mamaya mahuli.

“Kaya tinatago ko sa ibang parte ng bahay,” ang muling pagbibiro ni Ruru.

“Pero hindi po yung iniisip nyong tinatago, ha?”

So nagtatago nga siya ng condom?

“Hindi po! Condo, condo!” muli niyang tanggi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru noong Huwebes, July 24 sa Wheatberry restaurant sa Quezon City, pati na rin ang dalawang leading ladies ni Ruru sa GMA drama series na My Destiny, sina Ashley Ortega bilang Alex Martinez at Gabrielle Garcia bilang Nicole Perez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gumaganap dito si Ruru bilang si Paul Andrada

DEVOUT INC FOLLOWER. Kasapi ng Iglesia Ni Cristo (INC) si Ruru.

May nagtanong naman kung bawal ba sa INC ang pre-marital sex.

“Bawal daw,” at muli itong tumawa.

“Hindi, depende naman po ’yan sa tao, e. Kumbaga, ikaw na mismo ang magde-decide. Pero sinabihan ka na bawal ’yan, so ikaw na mismo yung magdesisyon.”

Si Ruru ba ay sumusunod sa mga ipinagbabawal?

“Karamihan po, sinusunod ko,” at muli itong tumawa.

SELFIE MODE. Sa Instagram account ni Ruru ay may mga selfie ito na medyo sexy ang kuha niya, minsan ay naka-sando siya at minsan ay hubad.

“Nagpapa-yummy ako kasi hindi ko naman puwedeng ipakita ang buong katawan, hanggang dito lang," turo ni Ruru sa bandang itaas ng upper body.

“Yung medyo kita lang yung dito para alam mo yung maa-attract,” sabi pa niya.

Parang pang-tease lang ang mga selfies niya, kumbaga?

“Kailangan po ’yan, e. Kailangan po yun para mas lalo nila akong suportahan at mahalin,” at muli itong tumawa.

May mga nagku-comment sa mga selfies niya na yummy nga siya at ayos lang sa kanya iyon.

“Okey lang po.”

Kahit bading ang mag-comment?

“Sa akin okey lang po yun. Wala naman pong masama dun. Kumbaga kung ayun yung nabibigay kong kasiyahan sa kanila bakit hindi naman,” lahad niya.

Hindi pa raw siya nagdyi-gym.

“Bawal pa po kasi sixteen po, e. Kasi po ’pag nag-gym na ako baka magmukha na pong mature. Yung mga role na ibibigay sa akin na pang-ano [pambagets] baka hindi ko na makuha.”

Sa My Destiny ay anak ni Selena Andrada, played by Miss Kuh Ledesma, ang papel ni Ruru. At sa isang interbyu kay Kuh ay sinabi nitong kahit bata pa at baguhan ay mahusay nang artista si Ruru.

Balik-tanong niya, “Seryoso po? Siyempre po salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman po everytime naman pong may ginagawang project binibigay ko po talaga best ko ’tsaka nagre-research po ako.”

MOST CHALLENGING SCENE. Ano ang pinakamahirap na eksena na nagawa niya sa My Destiny?

“Yung scene po namin ni Ms. Kuh na nag-away kami.

“Kasi kumbaga parang ako kasi, ’di ba pinasok ko yung character ko dun sa loob ng role ko, kumbaga sinabihan ko yung nanay ko ng ano, e, ’Cougar!’

“For me parang sa nanay mo sasabihin mo, mahirap.

“And then sobrang ’ayun yung dramatic scene na nahuli ko sila ni Ervic [Vijandre as Selena’s lover] na naglalampungan and then nag-away kami.

“Tatlong scenes na sunud-sunod yun na puro dramatic scenes, so nakakapagod din kaya naano ako, e.

“Nagkasakit po ako sa sobrang tindi ng scene na yun!”pahayag niya.

Nilagnat daw siya ng dalawang araw matapos kunan ang eksenang iyon.

Rebelde na pasaway na teenager si Paul sa My Destiny; ganun ba si Ruru sa tunay na buhay?

“Hindi naman po. Ako po mabait po akong tao.”

Pasaway siya in a nice way?

“Medyo. Iyon po yung tinatawag na pilyo na cute,” at tumawa si Ruru.

“Wala naman pong sobrang ano na bad boy. Mabait naman po ako, e. Ako po mabait po talaga ako. Tanong n’yo po sila, mabait po ako.

“Ang pagiging pilyo naman po ano, e...lumalabas yung pagiging natural, kung paano akong magsalita, kung paano po akong makipag-communicate sa mga tao, ganun.

“Pero hindi naman po yung sobra. Yung parang naughty lang, ganun po.”

PREFERS OLDER WOMEN. Speaking of cougars, tinanong namin si Ruru kung posible siyang magkagusto sa mas matanda sa kanya.

Sagot niya, “Ay, ako mas gusto ko po talaga na mas matanda! Pero hindi natin masasabi ’yan kasi ayoko ring magsalita nang tapos. Pero parang sa ngayon parang nakikita ko na mas okey yung mas mature.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga ilang taon ang tanda sa kanya?

“Siguro payag po ako hanggang singkuwenta. Hindi, joke lang!

“Mga siguro po hanggang thirty years old.”

Lahat daw ng naging girlfriends niya ay mas matanda sa kanya.

“Yung tatlo po.

“Nung thirteen years old ako, ang girlfriend ko eighteen. Lagi po [na mas matanda], kahit buwan lang po,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN