Enzo Pineda hopes Cinemalaya exposure will bring him closer to his dream of bagging acting award

Enzo Pineda explains why he took on his second indie film for Cinemalaya: “Ang reason ko kasi kung bakit ako nag-Cinemalaya is for me to win an acting award. For me I just want to prove myself as an actor and you know, gain more credibility and for me, for people to take me seriously and my job and my career.”


Sa palagay ni Enzo Pineda, ano ang magagawa ng isang Cinemalaya film para sa kanyang showbiz career?

“Ang reason ko kasi kung bakit ako nag-Cinemalaya is for me to win an acting award.

“And for me, I just want to prove myself as an actor and you know, gain more credibility and for me, for people to take me seriously and my job and my career.

“I know naman na parang may mga perception sa akin, na parang hindi ko naman kailangang mag-showbiz or something, pero parang gusto ko rin namang patunayan na deserving ako in my spot now, parang ganun,” paliwanag ni Enzo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa GMA Network Center noong Lunes, July 28, sa presscon ng talents ng GMA Artist Center na may entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival o Cinemalaya X.

Si Enzo ay bida sa indie film na Sundalong Kanin.

Period movie ang Sundalong Kanin at gumaganap si Enzo dito bilang sundalong nakatakas sa Death March noong panahon ng Hapon.

Tungkol ito sa mga batang nais maging sundalo.

“So ako yung dahilan kung bakit gusto nilang maging sundalo,” dagdag pa niyang kuwento.

Ang mga batang kasama ni Enzo sa pelikula ay sina Nathaniel Britt, Akira Morishita, Elijah Canlas, at Isaac Aguirre.

Sa palagay ba ni Enzo ay worthy ng acting nomination (or trophy) ang acting na ipinakita niya sa Sundalong Kanin?

“Siguro ano, I’m not sure pero parang based on my director’s feedback, good yung acting ko and for me that’s good enough,” pagmamalaki niya.

Si Janice O’ Hara ang direktor ng Sundalong Kanin.

Dagdag pa niya, “And para sa akin it doesn’t stop here naman, e. Parang excited na ako next year na parang malay mo next year, marami pa, e.”

Pangalawang indie movie na ni Enzo ang Sundalong Kanin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron akong Gatas Ng Ina with Lauren Young, hindi pa naipapalabas.

“Tapos na last year pa. Hindi pa naman expired yung gatas,” at natawa si Enzo.

Sino sa tingin niya ang makakalaban niyang aktor sa Cinemalaya?

Lead ba siya sa Sundalong Kanin?

“Support po pero it’s like a major support, ako yung reason kung bakit yung mga bata gustong maging sundalo,” muli niyang pahayag.

COMPETING WITH ROCCO? Makakalaban niya ang ka-batch niya sa StarStruck at kaibigan na si Rocco Nacino na nasa Hustisya naman ni Nora Aunor.

“Ah, hindi naman siguro magkalaban kami, pero kasi iba yung film niya, Hustisya, so it’s a different category, so iba-iba yung, hindi kalaban ng movie namin yung kila Rocco.”

Magkaibigan sila at close ni Rocco.

“Yeah, oo! Best friend ko yung si Rocco,” deklara niya.

Kaya tinanong namin si Enzo tungkol sa tsika na muntik nang magkaroon ng gulo sa pagitan nina Rocco at Aljur Abrenica.

Na dahil kaibigan ni Rocco si Enzo ay kumampi ito kay Enzo sa naging isyu ng trayanggulo nina Enzo, Louise delos Reyes, at Aljur.

Na para raw ipakita ang suporta kay Enzo ay hinarap diumano ni Rocco si Aljur.

Paglinaw ni Enzo, “I think I’ve been hearing those kinds of things.

“Para sa akin siguro Rocco wouldn’t butt in naman sa mga problema ko, pero definitely; he gave me advices and everything, pero I wouldn’t think he would do that.”

May mga nagsasabing ginawa nga raw iyon diumano ni Rocco?

“Ginawa ba? Hindi, wala namang ganun. Pero kung nangyari man na hindi ko alam. Salamat, Rocco!” at natawa si Enzo.

“Hindi, my friends don’t have to naman.”

May mga ganoong klase ng kaibigan, na handang ipaglaban ang kaibigan nila.

“Yeah, definitely! Parang I guess I have good sets of friends pero parang ako, I told them naman before na parang they don’t have to butt in naman sa problem ko because this is different, siyempre iba naman yung relationship nila with the people involved, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sabi ko no need na pero parang at least parang I just got good advice. So, lalo na yung mga times na kailangan ko, so happy na ako dun,” saad pa niya.

Naiinggit ba siya kay Rocco na maganda ang relasyon kay Lovi Poe?

“Yung sa akin dati naman inggit siya, e,” at napahalakhak si Enzo.

“Hindi, hindi, hindi. Joke lang yun, Rocs!" aniya sa kaibigan.

“Pero para sa akin, important happy siya. So I’m good with that. Sobrang sweet nga nila e, nakakainggit, e.”

Maliit lang ang talent fee sa isang indie movie.

Lahad niya, “Para sa akin it didn’t matter naman, kasi para sa akin naman it’s for the credibility, e. So ’pag naging okey ako dito, parang I’ll get more jobs, ’di ba, sa acting?

“So sabi ko, saka na yung pera, yung TF [talent fee] darating naman yun ’pag may napatunayan ka rin naman, e.”

GAY ROLES. Kung sa next indie movie niya ay gay role ang ibigay sa kanya, papayag ba siya kahit na tsinitsismis siyang bading?

“Para sa akin ano… yeah! Para sa akin, for me I would accept a gay character.

“For me kasi, well it’s part of being an actor, ’di ba? If you’re a guy and you can act someone who’s gay, I think that’s a challenge and that’s a proof that isa kang magaling na aktor.

“And para sa akin, ang guy na actor magaling mag-portray ng gay character,” pahayag niya.

Kahit may kissing scene siya sa kapwa niya artistang lalaki?

“Let’s see! Sige tingnan natin.”

Kung si Rocco ang kapareha niya?

“Tingnan natin. Pero siguro I have to see muna kung maganda talaga yung movie. Hindi naman porke’t gay kailangan may halikan na, ’di ba?” dagdag pa ni Enzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung kailangan talaga sa istorya ang kissing scene?

“Hmm siguro, para sa akin… pero oks lang naman yun, for acting naman I think it’s okay pero siyempre hindi mo naman dapat gawin yun kung wala naman talagang impact sa movie,” patuloy pa niya.

Pero papayag siya kung kailangan?

“Yeah! para sa akin okey lang.”

NOT BOTHERED BY GAY RUMORS. Pero hindi ba siya maba-bother sa ganoon lalo na nga at may mga kumukuwestiyon sa gender niya?

Rason niya, “Ah, hindi naman ako bothered kasi, wala lang. Kasi para sa akin, I know myself and wala naman akong kailangang patunayan sa mga ganyang klase ng [tsismis].”

Sa palagay niya, bakit kaya siya natsitsismis na ganoon?

“Siguro people treat me as someone who’s, well, nice, na prim and proper, na refined. So parang they would think na it’s too girly or not manly.

“Pero para sa akin kasi ganito naman ako pinalaki so I just have to be myself.

Na hindi niya kailangang magpa-macho.

“Oo hindi naman. Para sa akin I just have to do whatever I wanna do, ’di ba? Parang hindi mo naman kailangang magpa-“man”para mapakita mo sa mga tao na lalaki ka, ’di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN