Solenn Heussaff reveals why she prefers to get married abroad

Solenn Heussaff on why she prefers to get married abroad: “Oo, ’pag kinasal ako, sa abroad pa rin kasi gusto kong maliit yung wedding. Ayokong mag-invite ng hindi ko close. Kahit sa family ko, I’m not close to everyone. So, gusto ko sixty people lang sa wedding. Thirty sa side ko, thirty sa side niya.”


Inilunsad na si Solenn Heusaff bilang pinaka-latest beauty endorser ng Calayan Surgicentre nitong nakaraang Huwebes sa Cucina ni Bunso resto, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Inabot din ng isang taon bago nagawang ilunsad ng nasabing beauty enhancement clinic bilang image model ang Kapuso actress-TV host.

Kuwento ni Solenn, “We had dinner and meetings many times na rin. Busy lang kasi si Doc [Manny Calayan] kaya medyo natagalan. Pero nag-sign na kami last year.”

NEW ENDORSEMENT. Matagal na raw kakilala at kaibigan din daw ng manager niyang si Leo Dominguez si Dr. Calayan kaya naman dito niya napiling mag-endorse.

Patuloy pa niya, “Saka very mabait siyang tao. He knows his job well, alam niya ang professionals niya sa treatment.

“Yung treatment niya sa mga tao kahit artista ka or normal or businessman, pareho yung treatment ninyong lahat.”

Ang Sexy Slim Laser at French Facial procedure ang natoka kay Solenn na i-endorse para sa Calayan Surgiclinic.

Napapanahon daw ang pag-eendorso niya dito dahil kasama siya sa Bench Fashion show ngayong September.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa press launch niyang ito at sinabi niyang kailangan daw talaga sa kanilang mga celebrities ang ma-maintain ang good looks and physique nila.

MAINTAINING HER SEXY IMAGE. Gaano kahirap mag-maintain ng ganda at kaseksihan para sa mga fans at showbiz watchers?

“There’s no secret. Kailangan talaga mag-mix and match. Yung mga tao minsan if you just go to the clinic, yun lang ang kailangan.

“You have to mix it up with diet, with exercise. Wala namang secret talaga. It will work naman pero it will go away after a while kung hindi kayo mag-maintain. ’Ayun, balance lang talaga,” paliwanag niya.

May times ba na napapagod si Solenn sa pagmi-maintain ng looks niya at dumarating din ba ang pakiramdam na minsan ay parang hindi naman niya kinakailangang i-please ang mga tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, ngayon mas para sa sarili ko kaysa sa profession. I think I got used to... like kapag nag-aayos ka or pagmi-makeup, laging may mga tweets or comments, ganun-ganun.

“After a while you feel na kailangan ko talagang mag-maintain kasi parang you’ll deteriorate as a human being, not in a bad way naman. Yung for yourself na after a while puwede namang maging ganito.

NOT A PERFECT BODY. Sa presscon proper inamin ni Solenn na hindi perfect ang kanyang katawan. Ibinulgar nito na halos walang kurba ang kanyang katawan. Ang deskripsyon pa nga niya ay “diretso” raw ito.

Sinabi rin niyang halos lahat ng kanyang mga shots ay produkto ng Photoshop.

Ang klase ng kanyang pangangatawan ay typical daw sa mga French females.

Pero ang pinakagusto niya sa lahat ng parte ng kanyang katawan ay ang kanyang mahabang legs kaya nagmumukha siyang maganda.

LOVE LIFE. Samantala, pagdating naman sa kanyang personal life sinabi ni Solenn na three-and-a half years na raw silang nagli-live in ng kanyang Argentine businessman-boyfriend na si Nico Bolzico.

Sa tagal na nilang nagsasama, seryoso na raw silang dalawa sa kanilang relasyon.

“Alam na naming seryoso kami. Thirty na siya at ako 29, hindi naman laru-laro. But then, whatever happens, happens. Wala naman kaming plano.

“We lived together in three years, so settled na. Hindi naman kailangan ng papers basta together kami. Kung may singsing, same pa rin naman yun,” saad niya.

Nakikita raw ni Solenn ang sarili na dito pa rin sa Pinas maninirahan kahit may asawa siya.

“Oo, nandito ako for a while. Yung dream ko, six months ako dito, six months ako sa ibang lugar,” dagdag pa niya.

Sinabi niya sa isang interview na gusto niyang magkaanak at mag-asawa sa edad na 30.

“Oo, naman bawat babae gusto namin magkaanak. Pero tignan natin,” pagkumpirma niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin ba next year na ito?

“Parang ang bilis, parang every year sasabihin ko, next year na lang. Ah, yes. Tignan natin.

“Mga thirty-one. When the time is right. Alam ko naman when I’m ready. When the time is right.

“Ngayon kasi since maraming project, gusto kong mag-focus muna sa trabaho para sa future, ’di ba?”

Kung siya ang masusunod, ilang anak ang gusto niya?

Sagot niya, “One girl, one boy lang. Mahal naman ang mga kids ngayon.”

WEDDING. Nandoon pa rin ba yung plano nilang kasalan sa labas ng Pilipinas?

“Oo, ’pag kinasal ako sa abroad pa rin kasi gusto kong maliit yung wedding. Ayokong mag-invite ng hindi ko close.

“Kahit sa family ko, I’m not close to everyone. So, gusto ko sixty people lang sa wedding. Thirty sa side ko, thirty sa side niya [Nico] ’pag nagkaroon ako ng wedding,” detalye pa niya.

Sa mga showbiz friends naman niya, sinu-sino yung mga gusto niyang makasama o ma-invite sa wedding?

“Si Lovi [Poe], si Heart [Evangelista], si P-chi [Rufa Mae Quinto], Tim [Yap], Michelle [Madrigal], Bianca [King], Rhian [Ramos]...yun ang mga close friends ko.

“I mean, I’m friends with everyone, but these are the people that I travel with, hang-out with outside of show business.”

BOYFRIEND TURNS ENDORSER. Gaya ni Solenn pinasok na rin ng boyfriend niya ang mundo ng product endorsement. Si Nico ngayon ang ambassador ng isang watch brand.

Nakangiting comment ni Solenn tungkol dito, “Okey naman. Pumayag siya kasi it’s more about the business side. About balancing your life.

“’Pag endorsement lang na gano’n, ayaw niya. Pero since there was side of business and how you mix business and sports... kasi polo player rin siya. So, parang binabalanse lang niya.

“Tinanong lang niya ako kung dapat ba niyang gawin? Sabi ko, why not? Yung ibang mga guys sa ad niya, businessmen din. So, may stature rin ng businessmen, hindi lang model.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible bang magsama sila bilang endorser ng iisang product?

Aniya, “Hmm...parang ayaw ko muna. Kasi later maraming intriga. You all know naman na I hate intrigas. So, kung gusto niya gagawin ko. Pero choice ko lang, ayaw ko. His work is his work. Mine is mine.”

Paanong nararamdaman ni Solenn na naiintriga na siya dito sa Pilipinas?

“I don’t like it. I don’t like intrigas. Kasi noon pa naman, hindi ako tsismosa, hindi ako pumapatol sa mga stories-stories or kuwento.

“’Pag gusto nila ng opinyon tungkol sa mga bagay-bagay I don’t like to give it them. I’m more of a personal... I share my opinion but edit it.”

ON BROTHER ERWAN AND ANNE. Tungkol sa relasyon ng kanyang kapatid na si Erwan at aktres na si Anne Curtis, masaya raw si Solenn sa pagiging matatag ng pagmamahalan ng dalawa.

“Happy naman ako. I love Anne. ’Pag may nangyayaring something, susugurin ko—I hit my brother.

“But I love Anne so much. I’m happy na they’re stronger at sila pa rin. I think four and a half years na rin sila,” lahad pa niya.

Okey lang ba sa kanya kung sakaling mas maunang magpakasal sina Erwan at Anne kaysa sa kanila ni Nico?

“Ah, hindi naman. Wala naman. Like I said, I’ve been living in with my boyfriend walang maiiba singsing lang,” kibit-balikat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN