Aiko Melendez gives son Andre her blessing to pursue showbiz career—in two years’ time

Aiko Melendez approves of son Andre’s wish to join showbiz, but doesn’t see herself being a "stage mother:" “I’ll give him inputs pero I cannot dictate on what my son wants, ’di ba? Kasi ayoko namang maging stage mother, ’di ba?”


Payag na si Aiko Melendez na pasukin ng kanyang eldest son na si Andre ang mundo ng showbiz.

Si Aiko ang bida sa Cinemalaya 2014 entry na Asintado, directed by Louie Ignacio.

Kuwento ni Aiko nang makapanayam ng PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal ) noong July 31 habang nagpapaayos ito sa Headway Vera Salon sa Tomas Morato Ave., Quezon City, kasama ang owner nito na si Mr. Mikhail Hirang, “My son siguro in two years’ time, my daughter, not sure kasi sa school bawal. Poveda kasi siya pumapasok, so bawal talaga.

“So I’m seeing my son joining showbiz in two years’ time.”

Dagdag pa ni Aiko na kinakausap daw siya ni Andre na gusto nitong pasukin ang showbiz.

Aniya, “Oo gusto niya, kasi ang gusto niya [maging] artista at race car driver katulad ng daddy niya [Jomari Yllana].

“Pero nung one time nga nung vacation, sinubukan naming isalang-salang siya sa TV, kaya lang yung grades niya nag-suffer kaya naman

“I have to teach him a lesson at sinabi ko sa kanya na after two years siya mag-aartista.”

Pero ayaw daw ni Aiko na masabihan siyang “stage mother” kaya naman daw iga-guide niya lang ang kanyang anak at hindi laging sasama sa mga lakad nito.

Sabi pa niya, “I’ll give him inputs pero I cannot dictate on what my son wants, ’di ba?

“Kasi ayoko namang maging stage mother, ’di ba?

“Siguro first shooting day nandun ako to support him pero iiwan ko pa rin siya para manggagaling ang kanyang acting sa kanya—hindi diktado.”

Alam daw ni Aiko na pressure sa kanyang anak ang pagpasok sa showbiz dahil sa pagkakaroon ng mga magulang na parehong mahusay na artista.

Ayon pa kay Aiko, “Kinakabahan siya, one time sabi niya sa akin, ’Mama, puwede mo akong i-enroll sa workshop?’

“Sabi niya, ’Ayaw ko namang ma-compare na both my parents artista.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre pressure sa kanya yun if ever na may makita sa TV na hindi maganda yung arte niya.

“Kaya sabi niya magwu-workshop muna siya.

WORKING WITH ANDRE. Kung bibigyan ng pagkakataon, excited nga rin daw si Aiko na makatrabaho si Andre.

Sambit niya, “Oh, yeah! Definitely my dream project. I would want to work with my son.

“Baka ako pa ang mag-produce nun! Ha-ha-ha!

“Right now may acting workshops na siya with Peter Serrano and ’pag malapit na, I’m getting Direk Laurice Guillen para mag-workshop sa kanya.”

Kung si Andre ay mukhang talagang pursigido sa desisyon nitong mag-artista, ang kanyang bunsong anak naman daw na si Martina ay parang walang intensyong sumabak sa pag-arte.

Kuwento pa ni Aiko, “No, e. Pero siya yung kamukhang-kamukha ko, when you see her.

“I think yung politician side ko yung namana niya. Kasi mahilig siyang makipag-usap sa ibang tao.

“Hindi siya napapagod with asking questions, yun yung side ko na nakuha niya.

DREAM ROLES. Tinanong namin si Aiko kung mayroon pa siyang pinapangarap na mga role sa pelikula or TV.

Sagot nito, “Oo naman, marami pa!

“You know as an actress, you have to reinvent yourself at kahit gaano kasimple at gaano kakumplikado yung role ng isang artista you have to give life to it.

“Pero kung may isang role na gustung-gusto ko talagang gawin, yung baliw-baliwan acting kasi hindi ako masyadong mahihirapan. Ha-ha-ha! Joke lang.

“Pero kidding aside, gusto ko talaga magbaliw kasi yun yung hindi ko pa nagagawa. Para kasi sa akin very challenging siya.

“And then sobrang gusto ko ring mag-portay ng sobrang offbeat role, sobrang kontrabida talaga.”

DREAM ACTORS TO WORK WITH. Kabilang daw si Nora Aunor sa mga artistang pangarap makatrabaho ni Aiko.

“Kasi ako I’ve worked with Ate Vi [Vilma Santos] already, si ’Nay Maria [Maricel Soriano] naman nakatrabaho ko na rin sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro gusto kong makatrabaho si Ms. Nora Aunor, so I’m hoping na sana makatrabaho ko si Ate Guy.

“At kung makakatrabaho ko siya, gusto ko sa drama, kasi pareho kaming drama ang forte kaya if ever na magkaka-project kami, gusto ko drama.

“Hindi ko alam kung magiging magkaibigan kami.

“Hindi ko kasi alam kung anong edad na ni Ate Guy kung puwede pa ba akong may anak niya. Hindi na yata ako fit para maging anak niya, siguro kaibigan o kaya kapatid,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN