Mark Neumann admits he’s smitten with Sarah Geronimo: “Tama nga sila, malakas ang dating niya.”

Mark Neumann says he was awestruck when he saw Sarah Geronimo in person for the first time at YES! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars press launch: “I really like morena girls at si Sarah Geronimo, matagal ko na siyang crush talaga.Tama nga sila, malakas ang dating niya—she’s a beautiful person talaga and she deserves to be called as such.”


Hindi itinago ng TV5 talent at isa sa mga naging Artista Academy finalists na si Mark Neumann na sobra siyang na-starstruck nang makita niya nang personal ang tinanghal na Most Beautiful Star of 2014 ng YES! Magazine na si Sarah Geronimo.

First time na makasama si Mark sa listahan ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! at hindi niya inakala na ang matagal na niyang crush na si Sarah Geronimo ang napiling cover girl para sa special issue ng naturang magazine.

Aminado ang Kapatid actor na mas type niya ang mga morena kesa mga mestiza girls.

“I really like morena girls at si Sarah Geronimo, matagal ko na siyang crush talaga.

“Hindi ko nga po alam na siya ang napiling Most Beautiful Star. Kaya noong sabihin nga na siya, I really wanted to see her in person.

“Tama nga sila, malakas ang dating niya—she’s a beautiful person talaga and she deserves to be called as such,” may kilig na pahayag pa ni Mark nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng YES! Magazine 100 Most Beautiful Stars sa Elements @ Centris, Quezon City noong July 29.

PREFERS PINAY BEAUTIES. Bukod kay Sarah ay namangha rin si Mark sa ganda ni Iza Calzado na first time din niyang makita nang malapitan.

Pero para sa kanya, mas nakaka-angat pa rin daw ang kagandahan ni Sarah.

“Magkaiba naman kasi ang ganda nila Iza at Sarah.

“Ako kasi, I lived in Europe for a long time. Matagal akong tumira at nagtrabaho sa London.

“Marami akong nakilalang girls na kamukha ni Iza doon. Kahit saan ka lumingon, mga look-alike ni Iza ang makikita mo.

“Kaya sabihin na natin na medyo nagsawa na ako sa mga Caucasian girls. Mas gusto ko na ang Pinay beauty.

“E, si Sarah po ang type kong Pinay beauty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Simple lang po siya pero malakas ang dating,” ngiti pa niya.

WISHES TO WORK WITH SARAH. Isang wish nga ni Mark na balang-araw ay makatrabaho naman niya sa pelikula si Sarah Geronimo.

“Kahit hindi leading man, yung makasama ko lang siya sa movie, okey na po yun. Kasi I always watch her movies.

“Sana nga po... kaso may two years pa ang contract ko with TV5. So parang malabo pang mangyari iyon.

“Pero who knows po, baka biglang magkaroon ng milagro at matupad ang matagal ko nang wish,” ngiti pa niya.

THANKFUL. Bagamat bata pa ito, pang-leading man pa rin ang dating ng 19-year old na si Mark who is half-Pinoy and half-Croatian-German.

Pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang gag show na Tropa Mo Ko Unli.

Huli rin siyang napanood sa comedy series na Confessions of a Torpe with Ogie Alcasid at sa TV movie na Lady Next Door with Alice Dixson.

Thankful nga si Mark na isa siya sa napili ng YES! Magazine para sa annual 100 Most Beautiful list nito.

Kasama niya sa “Newbies” category ay ang Kapamilya stars na sina Liza Soberano at Arjo Atayde.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN