Erik Santos hopes to achieve success of Gary V

Erik Santos has only high praises for Gary Valenciano who staged a successful repeat of his 30th anniversary concert last night at the SM Mall of Asia Arena: “Perfect... it was perfection, everything was perfect. Sobra yung energy niya, maramdaman mo talaga kung gaano niya kamahal ang trabaho niya at ang supporters niya.”


Isa si Erik Santos sa celebrity friends ni Gary Valenciano na dumalo at nagbigay ng suporta sa ARISE: Gary V 3.0 The Repeat concert na ginanap sa SM Mall of Asia Arena nitong nakaraang Sabado ng gabi, August 2.

Sinundan pa ni Erik ang kanyang idolo backstage pagkatapos ng matagumpay na concert ni Mr. Pure Energy upang personal na iparating ang kanyang pagbati at paghanga sa napaka-energetic na performance nito onstage.

Dito siya natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at eksklusibong nakapanayam.

Sa una’y nag-aalangan pa si Erik dahil pauwi na daw siya. Gayunpaman ay pinagbigyan niya ang PEP at binigay ang kanyang saloobin tungkol sa 30th anniversary concert ni Gary at ilang bagay sa kanyang career at personal na buhay.

Kinumusta namin ang nasaksihan niyang konsiyerto ng tinaguriang Total Performer.

Ani ng Kapamilya singer, “Perfect... it was perfection, everything was perfect.

“Sobra yung energy niya, maramdaman mo talaga kung gaano niya kamahal ang trabaho niya at ang supporters niya.

“Nung lumapit siya sa audience, ibang klase yun kasi inilapit niya talaga ang kanyang puso sa mga tagahanga niya.

“Ako, bilang part of the audience and not as a performer, hanga talaga ako—nakakataba ng puso na siya mismo ang lumapit sa tao.

“Lalo na yung mga nasa taas [general audience], nakita niyo naman ang sigawan nila, ’di ba?

“Iba talaga si Kuya Gary.”

Tatlumpung taon na si Gary sa music industry at concert scene, pero wala pa ring kupas ang suporta ng kanyang mga tagahanga na pinuno ang unang anniversary concert niya noong nakaraang Abril sa Smart Araneta. Ito rin ang nag-udyok sa concert promoters at fans na gumawa ng follow-up, na isinakatuparan nga nitong katatapos lang na show sa Mall of Asia Arena.

Pinangarap din ba ni Erik na tumagal nang ganito ang kanyang singing career?

Bulalas niya, “Oo, naman! Pero mahirap pantayan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung na-achieve niya, hirap masundan yun. Silang dalawa lang ni Martin [Nievera] ang kayang gawin yun.

“Pero sana mangyari din ’yan sa amin, I’m praying for that.

“Mahaba pang panahon ang lalakbayin namin.”

HAPPY FOR MARK BAUTISTA. Sa puntong ito ay inusisa din namin kung ano ang pakiramdam niya na si Mark Bautista ang napiling gumanap bilang President Ferdinand Marcos sa hit musical play na Here Lies Love na ipapalabas sa West End simula September 30.

Naiulat na isa si Erik sa mga nag-audition para sa role na ito kasama sina Christian Bautista, Markki Stroem at ang stage actor na si Jake Macapagal.

Reaksiyon ng 30-year-old singer, “I’m so happy for him, I’m so proud of him.

“Sana mapanood namin siya habang nagra-run ang show nila, sana makapunta kami ng London.

“Yeah, I auditioned for that play, okay lang kung ’di ko pa time para makasama sa isang international musical.

“We’re all happy for Mark.

“At least, kababayan pa rin natin at kaibigan ko pa ang napili.”

Sa tingin niya, ano ang edge ni Mark at bakit ito ang nakuha? Musically, pareho naman silang talented.

Mabilis niyang tugon, “Mas kamukha niya si Marcos, mas bagay sa kanya.

“At saka, magaling naman talaga si Mark.

“Sa auditions naman, anything can happen, ’di ba?

“Basta, happy kami for him."

Isa sa mga ikinakatakot ni Mark ay baka makalimutan na siya ng mga tao dahil anim na buwan siyang mawawala sa Pilipinas.

Nangangamba raw ito na baka pagbalik niya ay wala na siyang career na babalikan.

Ano ang masasabi ni Erik tungkol dito?

Aniya, “Hindi naman, hindi naman siguro.

“Na-establish na rin niya ang pangalang Mark Bautista.

“Kahit naman mag-hibernate siya dito, dahil sumisikat naman siya abroad, sa palagay ko, mas malaking premium yun sa kanya as a singer.

“At saka, I believe na ang Viva [Entertainment, na siyang may hawak sa kanyang career], I’m pretty sure meron silang plans for Mark habang wala siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON ANGELINE. Sa pagkakataong ito ay tinanong namin ang estado ng emosyon ni Erik ngayong si Angeline Quinto ang nali-link sa kanya.

Ayon kay Angeline, kung sakali daw seryosohin ulit siya ni Erik ay may maganda namang mangyayari.

Nangingiting sabi ni Erik, “Okay naman, okay naman kami.

“Puwede naman, we’ll see.

“Parang... we’re taking it slowly, we’re taking everything slow.

“Hayun, mas maganda ang dahan-dahan.”

Patuloy pa niya, “I don’t wanna go into details. Kumbaga, sa amin na lang yun.

“Pero, we’re okay. We’re happier now than before.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN