Jake Vargas overwhelmed by positive reviews of his acting in Asintado; ready to portray mature roles

Jake Vargas can be counted among the most sought-after young actors based on his three regular projects and movie offers. Still, he is humble enough to acknowledge he has much to learn from the pros, like Aiko Aiko Melendez and Gabby Eigenmann, his co-stars in Asintado.


Masaya ang Kapuso young actor na si Jake Vargas sa magandang feedback ng mga nakapanood ng Asintado sa ipinakita niyang acting dito.

Ang Asintado ay isa sa entry sa Directors’ Showcase category ng isinasagawang Cinemalaya Independent Film Festival.

"Sobrang masaya, nakakataba ng puso!" reaksiyon ni Jake nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa gala premiere ng Asintado, noong Sabado, August 2, sa CCP Tanghalang Nicanor Abelardo.

Hindi raw niya akalain na ganun ang magiging feedback sa acting niya.

“Bago nga ipalabas yung pelikula, kinakabahan ako kasi ang daming tao...

"Hindi ko alam kung magugustuhan ba nila yung acting ko o hindi.

“Kaya nga after ipalabas yung pelikula namin, at marami yung pumupuri, ang sarap ng pakiramdam.

"Iba yung feeling na naa-appreciate ng ibang tao yung trabaho mo.

"Mas nakaka-inspire na magtrabaho pa nang magtrabaho."

Asam pa niya, “Sana maging successful yung pelikula namin, sana mas marami pa yung manood at sumuporta dito at sa lahat ng entry sa Cinemalaya.

“Bale first time ko mag-Cinemalaya kaya excited ako at ibinigay ko talaga yung nalalaman ko sa pag-arte para maganda yung maging resulta."

Pinaghandaan daw talaga ni Jake ang mga eksena nila ni Aiko Melendez sa Asintado, kung saan gumanap sila bilang mag-ina.

Pinag-aralan daw niya nang husto ang mga linya niya at pagdating sa shooting, “Na-starstruck talaga ako nang makaeksena ko si Ms. Aiko.

“Mas humanga ako sa kanya nang makaeksena ko na siya kasi totoo palang magaling talaga siya.

"At marami akong natutunan sa kanya at ganun din kay Kuya Gabby [Eigenmann].

"Kahit si Migs [Cuaderno], magaling din dito."



MOVIE WITH BEA. Masaya ring ibinalita ni Jake na pagkatapos ng Asintado ay may pelikula na naman siyang ginagawa.

Makakasama niya rito ang kanyang girlfriend na si Bea Binene.

Saad ni Jake, “Nakakatuwa kasi sunud-sunod yung pelikulang ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right now, ginagawa namin yung Liwanag sa Dilim, isa siyang horror film kung saan makakasama ko si Bea.

“Masaya kasi kasama si Bea, almost every shooting day magkasama kami.

“Mas nakaka-inspire na magtrabaho kasi kasama ko siya.

“Biruin mo, buong araw magkasama kami, kaya masaya talaga.

“Pero kung meron mas matutuwa, yung JaBea [fan club], kasi matagal na silang nagre-request sa amin na magsama muli sa isang project at ’eto na yun."

Dagdag ng Kapuso young actor, “Bukod kay Bea, kasama din namin dito si Igi Boy [Flores] at Sarah Lahbati.

“Thankful ako kay Lord kasi hindi Niya ako pinababayaan, sunud-sunod yung projects na ginagawa ko.

"Sana hindi Siya magsawa na bigyan ako ng proyekto at gagalingan ko para laging may kasunod."

READY. Handa na rin daw si Jake na tumanggap ng mature roles.

“Para sa akin kasi, parang nararapat na tumanggap na ako ng medyo mature role.

"Kasi yung mga co-Tween Hearts ko, tumatanggap na.

“Basta ako, ready na.

"Ewan ko lang yung network [GMA] if ready na ba silang bigyan ako ng medyo mature role.

“Kasi dito sa Asintado, may kissing scene na ako kay Rita [de Guzman] kaya siguro ready na ako.

“Kung may darating na project na medyo mature na, why not?

"Masama namang tumatanggi sa project, siguro titingnan ko lang kung bagay ba sa akin yung role.

"If bagay at maganda naman, bakit naman hindi?"



ATE GUY. Ayon pa kay Jake, matagal na niyang wish makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor sa isang proyekto.

Lahad niya, "Noon-noon pa, nagsisimula pa lang kasi ako nung makilala ko siya dahil ipinakilala siya ni Tatay Germs [German Moreno].

“Siya kasi ang Superstar natin at ang dami na niyang awards, ’di lang sa Pilipinas, maging sa ibang bansa meron siya.

“Kahit sino naman yatang artista, dream siyang makatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko kasi, ’pag nakatrabaho ko siya, naka-jackpot na ako.

“Feeling ko, marami akong matututunan sa kanya pagdating sa pag-arte.

“If magkakatrabaho kami, gusto ko lalabas akong anak niya.... sana magkatotoo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN