Richard Gomez clears issue with TV5 production staff: "For as long as you’re saying the truth, there’s nothing wrong with it."

Binitiwan na ni Richard Gomez ang pagiging chief of staff sa opisina ng asawang si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez upang makagawa siya ng mga proyekto sa telebisyon at pelikula.


Aktibong muli sa showbiz si Richard Gomez matapos ang ilang buwang pagtutok sa pulitika at sa trabaho niya bilang chief of staff sa opisina ng asawang si Representative Lucy Torres-Gomez.

Kuwento ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “Kasi, sabi ko kay Lucy, ’Ihahanap kita ng chief of staff sa office mo.’

"Dahil ako yung chief of staff, ang dami ko ginagawa, e.

“Meron din akong ginagawang trabaho sa district, meron akong ginagawa na pinupuntahan ko yung mga opisina ng mga iba-ibang government departments, so that eats a lot of time.

“So, sabi ko sa kanya, ’Ikukuha kita ng chief of staff, ’tapos I’ll take care of the project planning sa district para balik lang ako sa trabaho ko.’”

Si Lucy ang kasalukuyang kongresista sa ika-apat na distrito ng Leyte.

Nananatili pa ba ang hangarin niyang magsilbi sa mga taga-Leyte at Ormoc?

Sagot ni Richard, “One day I’ll run ‘pag ayaw na ni Lucy. ‘Pag tapos na siya.”

Hindi ba siya napapagod kahit makailang beses na siyang hindi pinalad sa kanyang pagtakbo?

“E, ganun talaga, e. Alam mo, sa totoong buhay natin, it’s how we keep on trying if you wanna get there.”

Nakausap ng PEP at ilang entertainment press si Richard sa presscon ng Quiet Please: Bawal Ang Maingay, ang bagong game show ng TV5 na magsisimula na sa August 10, 8 p.m.

Ginanap ang presscon sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, kaninang tanghali, August 4.



RELATIONSHIP WITH TV5. Bago pa man ang naturang game show, nauna nang ginawa ni Richard sa Kapatid network ang comedy series na My Pirated Family kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Pero wala nang balita kung matutuloy pang iere ang show dahil nakatakda sana itong ipalabas pagkatapos ng Confessions of A Torpe ni Ogie Alcasid na nagtapos nitong Hunyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na ba matutuloy ang sitcom nila ni Sharon?

Ayon kay Richard, “Hindi ko alam, kasi sinabi nila, noong napanood nila yung pilot project namin, sabi nila, ’We’ll put this on hold first.’"

Noong nag-taping sila para sa pilot episode, may balitang lumabas na medyo nagkaroon daw ng alitan sina Richard at Sharon.

Pero kaagad namang pinabulaanan ng magkabilang kampo ang isyu.

Hanggang sa nag-tweet si Richard ng tungkol sa hindi raw maayos na scheduling ng programa.

Okay na ba ang relationship ni Richard sa TV5 production staff?

Sagot ni Richard, “Kilala niyo naman ako, e, nagsasabi lang ako ng totoo, e.

"For as long as you’re saying the truth, there’s nothing wrong with it."

Dahil sa kanyang tweet, naging aware daw ang pamunuan ng istasyon sa nangyaring aberya sa taping. Nagkaroon din daw ng aksiyon mula sa management upang maayos ang maling sistema.

“Buti nga na-correct nila, so nalaman nila at na-correct.

"Yung may ginagawa kaming taping nun... it’s not Sharon ha, it’s the show ha," paglilinaw ng actor-TV host.

Iginiit ni Richard na hindi ang Megastar ang pinatutungkulan niya dahil baka raw kasi magkaroon ng maling interpretasyon ang publiko.

Sino ba ang tinutukoy niya talaga sa kanyang tweet?

“Well, I’ll put it this way, para wala naman tayong diretsong matamaan.

“Sayang lang yun if nag-aano tayo… if we’re wasting our time ‘di ba?

"Sayang yung ibinabayad niyo sa MRT, ang laki-laki ng ibinabayad niyo sa amin, e, ’tapos sasayangin lang ninyo yung oras by not being productive.

“Sayang naman yun.

"Sa amin, wala akong problema. You call me on the set, you make me work or not, I’m going to earn money.

"Pero a network like TV5, ‘di ba, medyo nahihirapan, nag-i-struggle, bakit pa natin dadagdagan yung burden?

“Tulungan na natin sila. Paano natin sila tutulungan? By letting them know the problem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, na-address naman yung problema.”

THE RIGHT MIX. Sa palagay ni Richard, ano ang dapat gawin ng TV5 para umangat na sa pagiging number 3 network?

Seryosong tugon nito, “Maybe it’s in the right mix.

"Maybe one day, TV5 will get to where they want to be.

“’Pag tiningnan mo yung lineup ng stars ng TV5, ang lalaki ng stars nila.

"You have Sharon, Aga [Muhlach], Alice [Dixson], Ogie [Alcasid], Robin [Padilla] is there. May Derek [Ramsay] ka pa.

“Ako, once in a while, gumagawa ako sa TV5.

“So, it’s just really finding the right mix, the right programs for the stars."

Hindi nabanggit ni Richard sa panayam ang Superstar na si Nora Aunor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN