Lovi Poe speaks up about rumored rift with Marian Rivera

Lovi Poe on rumored rift with Marian Rivera: “Wala namang problema sa akin ‘coz I respect her naman. Siyempre, lahat kami dito, parang mas nakakatanda siya sa aming lahat dito. So, I really respect her. So, wala nang ano… I don’t wanna have any problems or fights.”


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Lovi Poe tungkol sa kumakalat na isyung may alitan daw sila ng kapwa niya Kapuso actress na si Marian Rivera.

Ayon sa mga lumabas na reports, dalawang beses hindi nagpansinan ang dalawang aktres.

Una ay nang magkita raw sila sa isang parking lot, kung saan kasama noon ni Marian ang kasintahang si Dingdong Dantes.

Si Dingdong lang daw ang binati ni Lovi at hindi si Marian.

Magkasama sina Lovi at Dingdong sa umeereng primetime series ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real.

Pangalawa ay sa studio raw ng Sunday All Stars dalawang linggo na ang nakararaan.

Katabi raw ni Lovi noon ang kaibigang si Solenn Heussaff. Binati at bineso raw ni Marian si Solenn, pero dinedma o nilampasan lang daw ni Marian si Lovi.

Read: Solenn Heussaff stays away fom Marian-Lovi-Heart feud

Noong Linggo, August 3, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa studio ng Sunday All Stars.

Dito ay kinuha namin ang kanyang panig sa sinasabing alitan nila ni Marian.

Simula niya, “You know, first of all, have you seen me getting into fights? Because I don’t like fights.

“It’s a waste of time. It’s a waste of energy.

“Ngayon, I’m just here… be professional. Nandito lang ako para magtrabaho.

“Hopefully, everybody can just be professional and mature about it.”

Nasaktan ba si Lovi dahil pinalalabas na parang siya ang nagsimula ng alitan nila ni Marian?

Iwas ng aktres, “Ayaw ko na lang magsalita about it.

“Kasi hindi naman talaga ako mahilig sa away, e.

“I don’t wanna aggravate the situation.”

Nasasaktan ba siya dahil parang nahusgahan siya agad?

Tugon ni Lovi, “No, I’m fine, I’m fine.

“Ano, kumbaga, nandito lang ako to give a good performance, nothing else.”

Hindi ba naaapektuhan ang working relationship nila ni Dingdong dahil sa isyu nila ni Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Lovi, “No, Dingdong is very nice.”



HEART EVANGELISTA. May nagsasabing may kinalaman diumano si Heart Evangelista sa alitang ito nina Lovi at Marian.

Matalik kasing kaibigan ni Lovi si Heart, na nagkaroon ng isyu noon kay Marian nang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island (2010).

Magkakasama sa pelikula sina Lovi, Heart, Solenn, at Marian.

Nagtatakang komento ni Lovi tungkol sa pagkakadawit ng pangalan ni Heart, “No, nothing… I don’t know nga where that came from actually.

“The truth is hindi ko alam kung how it turned out to be like that.

“Honestly, nagulat nga ako.

“Pero okey na ako.

“Pero enough na ako… that’s the last thing I’m gonna say na lang.”

Ano ang gusto niyang sabihin sa isyung ito sa kanila ni Marian?

“Well, yun lang, that’s all I can say... I hope everyone will just be professional and mature about it.”

Ano ang nararamdaman niya sa pangyayaring ito?

“Uhm… I don’t know. Wala, I’m just brushing it off na lang.

“Wala namang problema sa akin ‘coz I respect her [Marian] naman.

“Siyempre, lahat kami dito, parang mas nakakatanda siya sa aming lahat dito.

“So, I really respect her.

“So, wala nang ano… I don’t wanna have any problems or fights.”

Bukas ba siya sa pakikipag-ayos kay Marian?

“I don’t know, kasi parang there’s nothing to ano, e.

“Kasi, in the first place, I didn’t feel anything…

“I don’t think there was a problem, sa akin, on my side.”

Diin pa ni Lovi, “Basta ako, I respect her [Marian] naman, e. There’s no problem about that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN