Lovi Poe feels honored to be slapped by Maricel Soriano; willing to do it again

Lovi Poe on being "slapped" by Maricel Soriano: “Masakit siya, but it was a good kinda slap. Hindi siya yung I-felt-different kind of slap na, e. Pero sa kanya, heavy pero, buo. Hindi yung inalog yung buong ano mo… Napaganun [napabaling sa kabila yung mukha] talaga ako. Pero it was like someone who knows how to slap talaga.”


Masaya si Lovi Poe sa magandang feedback na natatanggap ng Ang Dalawang Mrs. Real, ang teleseryeng pinagbibidahan nila nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes sa GMA Network.

Pinag-uusapan ngayon ang teleserye dahil sa sunud-sunod na matitinding eksena at conflict ng tatlong pangunahing tauhan ng programa—Millet (Maricel), Anthony (Dingdong), at Sheila (Lovi).

Ayon kay Lovi, masarap sa pakiramdam ang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang soap dahil pinagpapaguran daw nila ang bawat episode na ipinapalabas nila sa ere.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa dressing room ng Sunday All Stars noong Linggo ng hapon, August, 3.

Napangiti ang Kapuso actress nang banggitin namin sa kanya ang impact na ibinigay ng sampal ni Maricel kay Dingdong sa isang eksena nila, at pati na ang confrontation scene nila ng Diamond Star.

Balitang kung nayanig ang mukha ni Dingdong sa maraming beses na sampal sa kanya ni Maricel, natensiyon naman daw si Lovi sa eksena nila ng award-winning actress.

Umabot pa raw sa puntong nagsuka si Lovi pagkatapos ng take nila dulot ng tensiyon niya.

Mabilis naman itong nilinaw ng morenang aktres.

“No naman, it’s not true.”

Paglilinaw pa ni Lovi, “Namula yung mukha ko [sa sampal ni Maricel] after. Medyo bumakat, pero it was fine.

“Kumbaga, yung adrenaline-rush feeling while it was happening, hindi pa naramdaman. It was after.”

Nag-usap ba sila ni Maricel bago kunan ang eksena nila?

“Yes. She’s like, ‘Anak, sasampalin kita, ha?’ Winarningan niya ako.

“‘Okey lang po,’ sabi ko. And she was very… parang after naman, ‘Sorry, sorry…’

“’It’s fine,’ sabi ko.

“Nung may gagawin pa, she doesn’t want to repeat na nga. Ayaw na niyang sumampal sa akin.”

Masakit ba yung sampal?

“Masakit siya, but it was a good kinda slap. Hindi siya yung I-felt-different kind of slap na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa kanya, heavy pero, buo. Hindi yung inalog yung buong ano mo…

“Napaganun [napabaling sa kabila yung mukha] talaga ako.

“Pero it was like someone who knows how to slap talaga.”

First time ba niyang nakaramdam ng ganun kabigat na sampal sa trabaho?

“Yes. But it’s an honor for me to receive a slap from Ms. Maricel Soriano.”

Gusto niya bang masampal uli ni Maricel?

“Of course!” mabilis niyang sagot.

Sabi pa ni Lovi, “There’s more to come pa, ha!

“Hindi pa ‘yan yung harapan namin. There’s more to come sa Ang Dalawang Mrs. Real.”

NATURAL INSTINCT. Inamin naman ni Lovi na kahit siya ay nagulat sa mga sampal ni Maricel kay Dingdong.

“Oh, yes! But you know, it’s a natural instinct of a woman to get angry especially in that situation.”

Nalaman kasi ng karakter ni Maricel ang katotohanang may ibang pinakasalan ang role ni Dingdong maliban sa kanya.

Si Lovi ang gumaganap bilang pangalawang asawa ni Dingdong.

Sa paniniwala ni Lovi, hindi makukontrol na hindi magbuhat ng kamay ng isang tao, lalo’t napupoot ito gaya ng naramdaman ni Maricel sa sitwasyon.

“It depends how you feel sa eksena.

“Ako kasi, I like it better ‘pag totoo. Mas mararamdaman mo.

“Like nung nasampal ako ni Ms. Maricel, mas nadagdagan yung emotions ko. Mas lalo akong naiyak.”

Bukod sa mga maiigting na eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real, napapansin din ang husay ni Lovi sa pagkakaganap niya sa karakter niya.

Reaksiyon niya dito, “Thank you. But I’m just glad na being given good projects, good roles. Yun talaga.

“Ako, as much as possible, all I wanna do is to give my best.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN