Robin Padilla prefers not to meet BB Gandanghari’s future boyfriend or partner

Robin Padilla on sibling BB Gandanghari: "Hindi naman namin siya pipigilan sa karapatan niyang pangtao. Pantay-pantay tayo ng karapatan. Pero pagdating sa morals ng pamilya, may karapatan din kami, ‘di ba?"


Magiging abala si Robin Padilla sa mga susunod na buwan ngayong nagsimula na ang production para sa pagbabalik ng Talentadong Pinoy sa TV5.

Si Robin at ang asawa niyang si Mariel Rodriguez ang bagong hosts ng talent show na ito ng Kapatid network.

Noong Sabado, August 2, nag-pictorial na ang dalawa para sa show na ginanap sa TV5 studio sa Reliance St., Mandaluyong City.

Sinundan ito ng isang pocket presscon na dinaluhan ng piling entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bukod sa Talentadong Pinoy, posibleng magsama rin si Robin at ang mga kapatid niyang sina Rommel Padilla at BB Gandanghari sa isang show na ipu-produce din ng TV5.

Sabi ni Robin tungkol dito, “Yun naman ang ipinagpapasalamat ko uli kay Ma’am Wilma [Galvante, entertainment head ng TV5] dahil yun ang pangarap ko.

“Yun ang maganda naman… sinamantala ko uli ang kaibigan ko dahil marami akong pangarap na mga project, nagawa ko.

“Sitcom yun… October kami, pagkatapos ng Bonifacio,” banggit ni Robin sa pelikulang gagawin niya sa taong ito.



STILL ADJUSTING. Nabanggit na rin lang si BB, inalam ng PEP kay Robin kung ano ang naging reaksiyon niya nang una niyang makita ang nakatatandang kapatid na naka-damit pambabae.

“Muntik na kami… Ayan si Mariel… Beb, ikuwento mo nga ang nangyari,” baling ni Robin sa asawa, na katabi niya lamang.

Kuwento naman ni Mariel, “Uy! Parang hindi niya ma-vibe yung si BB… ang ganda! Umupo na siya.

“Pero noong una, sabi ni BB, natatakot daw siyang bumaba ng car.

“Kasi baka kapag nakita siya ni Robin, biglang mamaya diyan, ‘Ayoko nang magpunta diyan!’ Naka-panty naman siya, ‘no!” tawa pa niya.

First time nilang nakitang nakapormal si BB?

Kontra ni Robin, “Hindi pormal yun!”

Isang see-thru futuristic dress daw ang suot ni BB noong gabing iyon.

Sabi ni Mariel, “Hindi yun gown. It was a cocktail dress.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit naman ni Robin, “Isa lang ang ano ko, nag-uusap kami [ni Mariel], ‘Nasaan kaya yung bambolyas niyan?’”

Ang tinutukoy na “bambolyas” ni Robin ay ang balls ni BB.

Sabi ni Mariel, “Yun ang sabi ko, ‘Saan niya itinago?’ Kasi ‘pag nakita mo, wala.”

Napahalakhak namang biro ni Robin, “Sa palagay ko, kaya lumiliit ang boses ni BB, ‘pag iniipit, e!”

Inamin naman ni Robin na hindi pa talaga siya makapag-adjust sa nakikita niyang pagbabago ng kapatid, lalo’t kapag nagsusuot ito ng damit-pambabae.

Kuwento naman ni Mariel, “Noong birthday ni Kathryn Bernardo, nagpunta si BB sa bahay, naka-tube at naka-bandeau [bikini top].

“’Pupunta ka ng debut,’ sabi ni Robin, ‘magpalit ka.’

“Nagpalit naman si BB.

“’Pupunta tayo sa debut, ganyan ang suot mo? Ikaw na lang ang pumunta.’

“Sabi niya, ‘Debut, ‘di ba? Nakapambata.’ Nagpalit naman.”

Buti’t hindi pinagpalit ni Robin ng damit si BB sa Yahoo! Celebrity Awards, kung saan tumanggap ng award ang Padilla family?

Sabi ni Mariel, "Sobra nang effort. Grabe nang effort ni BB."

Dagdag ni Robin, “Saka sobrang late na kami, nagagalit na si Bossing [Betchay Vidanes, his manager].

“Kung may oras pa, malamang sinabi ko sa kanya yun.

“Pero isa lang ang sinabi ko sa kanya nun, ‘Hindi tayo sabay na maglalakad.’

“So, sige, nauna siya.”

Paliwanag ni Robin kung bakit ayaw niyang nakikitang nakadamit-babae ang kapatid, “Kasi lagi kong sinasabi sa kanya na, ‘Baka may mambastos sa iyo at hindi ako makapagpigil.’

“Pero praise God, wala pa naman… saka baka kay BB pa lang, gulpihin ka na!

“Ang galing na nun. Nagma-martial arts yun… lahat, mixed yun.

“Saka shifu na siya... instructor na. Magaling na siya,” pagmamalaki ni Robin sa kapatid.



BOYFRIEND. Biro pa ni Robin, baka may pangarap si BB na maging isang action star.

Kaya sabi naman ng press, kahit noong si Rustom Padilla pa lang si BB ay magaling na itong mag-action.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pambubuko ni Robin, “Hindi. Noong nag-a-action siya, peke yun! Hirap na hirap kami doon sa Mistah [1994].

“Pero ngayon, bilib na bilib nga ako. Nung naging babae siya, doon gumaling.”

Ibig sabihin, alam na niya noon pa na bakla si Rustom?

Sagot niya, “Ano ka ba naman, lahat ng away ko noong bata kami, dahil doon!

“Alam ko na, pero baka magawan pa ng paraan. Baka isang magandang babae ang ano [makapagpabago kay BB].”

Inakala raw nila na kapag ikinasal ito—na nangyari nga nang pakasalan ng kapatid si Carmina Villarroel—ay magbabago si Rustom. Pero hindi raw pala.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ba si Robin na magbabago ang kapatid?

“Lagi namang kasama sa prayers namin yun,” sagot niya.

Imposible bang magkaroon ng boyfriend o lalaking partner si BB dahil sa takot ito sa kanya?

Sagot ni Robin, “Pero mas mabuting hindi namin alam.”

Paano kung may ipakilala sa kanila?

Sabi ng aktor, “Hindi siguro mangyayari ‘yan.

“Kasi lahat ng klase ng pagtanggap, may hanggang yun.

“Hindi naman puwedeng wala kang boundary. Lahat may boundary.”

Kahit foreigner yung ipakikilala ni BB na boyfriend niya kung sakali?

“Kahit alien pa!” mabilis na sagot ni Robin.

Paano liligaya si BB?

“Wala na kaming pakialaman sa kaligayahan niya, pero may boundary nga yun, e. Kanya yun, e.

“Pero para sa amin pa dalhin?

“Sinasabi naman namin yun sa kanya [na huwag nang ipakilala]. Diretsahan yun.

“Kasi yung… hindi naman namin siya pipigilan sa karapatan niyang pangtao. Pantay-pantay tayo ng karapatan.

“Pero pagdating sa morals ng pamilya, may karapatan din kami, ‘di ba?”



FILM WITH BB. Ano na ang nangyari sa pelikulang gagawin nila dapat ni BB?

Matatandaang pumunta pa ng Europe si Robin para magmuni-muni dahil maselan ang tema ng pelikulang gagawin niya.

“Yung taong yun, may problema yun,” pagtukoy ni Robin kay BB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tuwing magsu-shooting kami, umaalis.

“Yung Kill BB, magsu-shooting na lang kami, umalis.

“Yung BB Ama… Magsu-shooting na lang kami, umalis na naman.

“Parang ang nangyayari, parang ayaw pa niya akong makasama sa pelikula.

“Ako ang dapat na magpu-produce.

“Siguro hindi pa siya handa. Baka siguro itong taon na ito... baka.”

Nakini-kinita rin daw ni Robin na magkakaroon ng delay sa sitcom na pagsasamahan nila ni BB sa TV5.

“Aalis na naman! Itanong mo doon, aalis na naman daw.

“Kaya nagmi-meeting kami doon sa baba [TV5 studio], aalis na naman daw siya.

“Ewan ko sa kanya, hindi ko na pinakikialaman. Hindi ko na inaalam,” sabi ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN