Elmo Magalona on reunion project with Julie Anne San Jose: "Siguro hindi pa ngayon."

Elmo Magalona on possible project with former screen partner Julie Anne San Jose: “If ever na magkaroon kami ng project together, siguro hindi pa ngayon. Kasi siyempre, medyo kami pa ni Janine [ang magka-loveteam]. I guess hindi pa lang kami in time sa ngayon. Siguro hindi pa talaga ngayon.”


Bagamat nakatawid na si Elmo Magalona sa pagganap ng isang challenging at character-based role sa #Y, isa sa entry sa isinasagawang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, hindi pa raw sigurado ang Kapuso heartthrob kung itutuloy na niya ang pagbabago ng image.

Ayon sa 20-year-old actor-rapper, “Gusto ko lang ipakita na kung binigyan ako ng role na ganito, gagawan ko ng paraan na bumagay sa akin.

“Ayoko rin namang magmadali na mag-mature roles.

“Siyempre, gusto ko rin magkaroon ng kahit na mga cutesy-cutesy na role.

“For now, ganun na lang muna, mga cutesy-cutesy role.

“’Eto yung pang-offer ko muna sa mga tao.”

Paano kung magkaroon ng clamor sa ganitong klaseng character o role niya? O bigyan siya ng project ng GMA na medyo mature ang tema?

Sagot ni Elmo, “Ay, okey lang sa akin yun.

“At least, may mga iba na naman akong mae-experience at mae-explore tungkol sa sarili ko.”

Masaya ba siya sa kanyang performance sa #Y?

Sagot niya, “Happy. Ang pinaghandaan ko naman doon, yung scene of loneliness.

“Nararamdaman talaga yung character sa buong movie.

“And may mga nagsabi naman sa akin na yun ang naramdaman nila sa akin sa movie.

“So, masaya ako.”

Kung nabubuhay pa raw ang ama ni Elmo na si Francis Magalona, sigurado siyang magiging proud ito sa kanya sa pagkakasama niya sa nasabing indie film.

“Siguro magiging masaya siya para sa akin dahil kinuha ko ito, hindi lang dahil maganda yung project, kundi gustung-gusto ko talagang umarte.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa lobby ng GMA Studios matapos ang live airing ng Sunday All Stars noong Linggo, August 3.



JULIE ANNE SAN JOSE. Sa ngayon, wala pa raw bagong acting project sa Kapuso network si Elmo.

Ang huli niyang ginawa ay ang afternoon drama series nila ni Janine Gutierrez na Villa Quintana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit wala pang bagong project at ilan buwan na rin ang ipinaghihintay ni Elmo, wala raw siyang iniisip na lumipat ng network.

“Wala naman akong ano, e… maganda naman yung pag-alaga ng GMA-7 sa career ko,” sabi niya.

Puwede na ba silang magsama ulit sa isang proyekto ng dati niyang ka-loveteam na si Julie Anne San Jose?

Sagot ni Elmo, “If ever na magkaroon kami ng project together, siguro hindi pa ngayon.

“Kasi siyempre, medyo kami pa ni Janine [ang magka-loveteam].

“I guess hindi pa lang kami in time sa ngayon. Siguro hindi pa talaga ngayon.”

Itinanggi naman ni Elmo ang usap-usapang hindi sila okay ni Julie Anne ngayon kaya hindi pa sila puwedeng magsama sa isang project.

May lumabas kasing balita na nagkailangan daw silang dalawa nang magkita at magtabi sa PhilPop Music Festival 2014, kung saan interpreter ng isang entry si Elmo habang judge naman sa kumpetisyon si Julie Anne.

Napakunot-noo si Elmo sa narinig bilang pagpapahiwatig na hindi niya masyadong alam ang isyu.

Komento niya, “Sabi nga, may nagsulat nga, e. Parang hindi raw kami nagpapansinan?

“Hindi ko nga alam kung bakit. ‘Pag nagkikita kami, nagbabatian pa nga kami, hi-hello.”

Ayon pa sa report, noong after-party ng PhilPop ay nagkatabi ng upuan sina Julie Anne at Elmo. Pero hindi ito nagtagal dahil nakipagpalitan daw ng puwesto ang young actor-rapper sa katabi nito.

Itinanggi ni Elmo na naroon siya sa after-party.

“Wala ako sa after-party ng PhilPop.

“After kasi nun [program], umalis na ako. Hindi na ako nakapunta ng party.

“Sayang nga, e. Nandun sina Kris Lawrence, si Kyla… sayang nga, e.”



JANINE BASHERS. Wala ba talaga silang problema ni Julie Anne?

Diin ni Elmo, “Wala naman. Wala naman kaming…

“Ako, wala naman akong masabi, e.

“Kasi gusto ko munang mag-focus sa acting ko.”

Pati sa tambalan nila ni Janine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo… or basta individually, gusto ko lang mag-focus sa acting ko.

“And hindi ko naman tinatalikuran yung music.

“Pero ngayon, gusto ko munang mag-focus sa acting.”

Totoo bang nasasaktan siya para sa rumored girlfriend niyang si Janine dahil sa bashers na galing umano sa supporters ni Julie Anne?

Pag-amin ni Elmo, “Well, oo.

“May mga nagsi-send ng mga… may nababalitaan ako na may mga nagsi-send ng mga bashing, mga ganun.”

Kaya ba nagkakailangan sila ni Julie Anne dahil dito?

“Dahil din sa mga... ayoko naman na doon ang basehan namin ng friendship—kung ano yung sinasabi ng tao tungkol sa amin.

“Kasi sabi-sabi lang naman yun. Mas importante pa rin kung ano yung alam namin.”

Dahil sa supporters ni Julie Anne na namba-bash diumano kay Janine kaya hanggang hi-hello na lang ang batian nila ng dating kapareha?

Sagot ni Elmo, “Hindi naman.

“’Pag nagkikita naman kami… sobrang busy rin kasi ni Julie sa lahat ng mga practice niya.

“And… kaya hindi rin kami masyadong nagkikita o nagkakamustahan.

“Hindi dahil sa bashers.”

Dagdag niya, “As much as possible naman, ayoko ng away-away.

“Because, parang hindi… gusto kong sabihin na nasa amin yung control.

“Pero siyempre, iba pa rin yung tumatakbo sa isip nila.

“And ako, gusto ko lang na walang away.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN