Alex Gonzaga apologizes to Ryan Bang for her bad jokes; reveals they’re no longer friends

Alex Gonzaga on Ryan Bang: “Ano na lang siguro dun sa nangyari sa amin ni Ryan, lesson learned na lang, na don’t get close to someone na ‘di mo pa naman talaga nakakasama for years. Friendship talaga is also earned, e, yung tiwala sa isa’t isa, yung pagiging kumportable. Hindi ito pinipilit talaga.”


Nakausap na raw ni Alex Gonzaga si Ryan Bang kaugnay ng sama ng loob ng Koreanong komedyante sa kanya.

Matatandaang sa presscon ng ABS-CBN primetime series na Hawak Kamay ay naglabas ng kanyang sama ng loob si Ryan tungkol sa mga biro sa kanya ni Alex, kabilang na ang panliligaw raw niya at ang pagsasabi sa kanya ng dalaga ng “pangit.”

Read: Ryan Bang offended by Alex Gonzaga’s jokes; calls her “echosera”

Sabi ni Alex sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong Linggo, August 3, sa ASAP, “Napag-usapan na namin ‘yan ni Ryan.

“Sobrang habang pag-uusap, proseso, so okay na kami.

“Si Ryan, ayaw niyang pinag-uusapan in public kung ano ang nangyayari sa amin.

“Pero walang nangyayari sa amin, ha, yung pag-uusap lang namin.”

Inamin naman ni Alex na sumama ang loob niya sa ginawang pagpapa-interview ni Ryan.

Saad ng TV host-actress, “Nagulat lang ako talaga kasi magkausap kami lagi nun, e.

“So, nagulat ako na dun niya inilabas na may sama pala siya ng loob sa akin.

“Sumama lang ang loob ko, nagkasamaan kami ng loob, pero ngayon, okay.

“Pero siyempre, hindi na siya the same as before, pero okay na.

“At least, kahit papaano, hindi na masama ang loob namin sa isa’t isa.”



BAD JOKE. Sa interview kay Ryan, sinabi nitong ikinasama talaga ng loob niya ang pagbibiro on-cam ni Alex na pangit siya at mas magandang baguhin niya na lang ang mga magulang niya.

Sabi naman ni Alex, humingi na siya ng paumanhin kay Ryan tungkol dito.

“Oo, kaya nag-sorry din ako sa kanya nun, kaya yun…

“Pero kasi, alam naman ni Ryan na joke lang naman yun, kasi dyinu-joke namin yun off-cam.

“Yun nga lang minsan, ako, yung joke namin minsan ng off-cam, dinadala ko ng on-cam.

“Isa lang ipinapakita ko off-cam and-on cam, so nadala ko dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Mayroong mga hindi nakaintindi kaya siguro sumama din ang loob niya, may mga nagsabi sa kanya.

“Pero kasi, after nun, nag-usap pa kami na okay kami, kaya nagulat ako na na-offend pala siya.

“Ngayon na alam ko na, nag-sorry talaga ako na na-offend pala siya dun.

“Kasi nung unang usap namin, right after the guestings, sabi niya okay daw siya.”

Inamin din ni Alex na nagbago na ang pagtitinginan nila ni Ryan dahil sa nangyari.

“Hindi na kami friends,” sabi niya.

“Siyempre, kaya nga ako nag-cry sa Team Loyzaga, kasi akala ko talaga friends kami.

“Gusto ko talagang magkaroon ng barkadang lalaki, pero okay na yun, lesson learned.

“Siguro in time, ang dami na kasing nangyari na pati handler namin, nahihirapan na. Kasi same handler kami.

“Ano na lang siguro dun sa nangyari sa amin ni Ryan, lesson learned na lang, na don’t get close to someone na ‘di mo pa naman talaga nakakasama for years.

“Friendship talaga is also earned, e, yung tiwala sa isa’t isa, yung pagiging kumportable. Hindi ito pinipilit talaga.”

Inamin ni Ryan na may girlfriend na siya ngayon—isang Korean student mula sa FEU.

Sabi ni Alex tungkol dito, “Dati ko pa sinasabi sa kanya yun.

“Na-sad nga ako kasi sinabi ko sa kanya na ‘pag nagka-girlfriend siya, gusto ko ipapakilala niya ako, mag-uusap kami.

“E, wala na.”



ATE TONI’S ADVICE. Sa hiwalay na panayam ng PEP sa ate ni Alex na si Toni Gonzaga, sinabi nitong pinayuhan niya si Alex na piliing mabuti ang mga taong papapasukin niya sa kanyang buhay dahil hindi niya alam kung ano ang motibo nito, lalo na sa mga lalaking taga-showbiz.

Read: Toni Gonzaga advises sister Alex on how to behave around men in showbiz

Ano ang reaksiyon dito ni Alex?

Saad niya, “Ano lang siguro… ako kasi, what you see is what you get.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko na lang na ngayon, yun ang ipinapakita ko, pero may iba palang ibig sabihin.

“Dun ako nahe-hurt kasi my intention naman is okay.

“Lesson learned din na hindi lahat nakakakuha ng jokes ko, lessen na lang natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN