Kylie Padilla wishes the best for ex-boyfriend Aljur Abrenica

Asked how she was able to move on from breakup with Aljur Abrenica easily, Kylie Padilla replied, “Nalaman ko na to forgive people, you have to forget about the hate, the galit, lahat na ng judgmental things that you think kasi hindi ka rin naman perfect.”


Sinusuportahan ni Kylie Padilla ang ex-boyfriend niyang si Aljur Abrenica sa anumang desisyong gawin nito para sa kanyang showbiz career.

Sa ginanap na blog conference para sa debut album niyang Seasons, kahapon, August 4, sinabi ni Kylie na alam niya ang mga hinaing ni Aljur sa GMA Network.

Ikinalulugkot daw ng Kapuso actress-singer ang mga pangyayari dahil halos kasunod ito ng kontrobersiyang kinasangkutan nina Aljur at Louis delos Reyes.

Read: Louise delos Reyes denies causing Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup

"Nalulungkot ako para sa kanya kasi ang gulo na ng nangyari, ’tapos nangyari pa yung ganun.

"But, you know, kutob daw niya ’yon, so I wish him the best na lang," maikling komento ni Kylie tungkol sa reklamo ni Aljur laban sa GMA.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naging payo niya noon kay Aljur.

Tugon ni Kylie, "’Gawin mo kung ano ang para sa ’yo or sa tingin mo ay tama kasi buhay niyo ’yon, e.’

"Kung di na siya masaya, kailangan nang may mabago."

Matatandaang naghain si Aljur ng petisyon para sa Judicial Confirmation of Rescission of Contract laban sa GMA sa Quezon City Hall of Justice.

Ito ay upang ma-release na si Aljur sa kanyang network contract sa GMA, na aabot pa hanggang 2017.

Ang isa sa mga naunang idinahilan ni Aljur para sa kanyang hiling, "[H]indi po ako nabibigyan ng pagpapahalaga at respeto sa career na gusto ko."

Read: Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged "gross mismanagement" of GMA Artist Center



STILL FRIENDS. Bagamat hindi naging maganda ang kinahinatnan ng relasyon nina Kylie at Aljur, sinabi ng dalaga na nananatili naman ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Sa katunayan, dahil sa nangyari, minsan daw ay kinukumusta ni Kylie si Aljur.

“Actually, ’yon ang palaging tinatanong ko sa kanya, kung kumusta na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano lang, a supportive question,” sabi ng anak ni Robin Padilla.

Sa ngayon, ani Kylie, wala na ang sama ng loob na naramdaman niya noong bagong hiwalay pa lamang sila ni Aljur.

Kuwento pa niya, “I was away for two months and then, bumalik ako, meron pa rin [sama ng loob].

“Mararamdaman mo ’yan, na you think you’re okay pero meron pa pala.

“So, umalis na naman ako for one month.

“Nag-isip na naman ako.

"Nalaman ko na to forgive people, you have to forget about the hate, the galit, lahat na ng judgmental things that you think, kasi hindi ka rin naman perfect.

“So, I’m not perfect, you’re not perfect, let’s forgive each other, and move on.”



CLOSENESS WITH ENZO. Dahil sa pagkaka-link ni Aljur sa kanyang Kambal Sirena co-star na si Louise, nauwi sa hiwalayan ang mga relasyong Kylie-Aljur at Louise-Enzo.

Kasunod nito, naging malapit naman sina Kylie at Enzo.

Pero nilinaw ng Kapuso young actress na walang malisya ang pagiging malapit niya kay Enzo.

Sabi ni Kylie, “Si Enzo, friends na kaming dalawa noon pa.

“Nauna nga kaming maging friends, e, bago sila maging friends ni Louise.

“’Tapos ikinukuwento niya sa akin, ’May nililigawan ako ngayon. Sa tingin mo, okay lang?’

"’Tapos noon nangyari nga, nawala yung friendship, kasi mayroon na kaming [kanya-kanyang lovelife]."

Ang nangyari raw na kontrobersiya ang nagsilbing dahilan para maging malapit ulit sa isa’t isa sina Kylie at Enzo.

Ayon kay Kylie, “Mas lalo kaming naging close kasi kailangan ko ng kausap na makakaintindi sa akin.

“Kaya ganun kami kakumportable sa isa’t isa kasi parang sabay kaming bumangon.”

At sa huli, muli niyang nilinaw, “Walang malisya ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN