Andre Paras pulled out from new James Reid-Nadine Lustre movie because of taping conflict

Andre Paras on being loveless: "Right now, hindi po priority ang magkaroon ng girlfriend. One thing kasi, wala po akong time to even meet somebody that I would like to date. When I have the free time, it’s either I am in training or I spend it with my family. Well, I am not worried naman that I have no girlfriend. I guess hindi naman iyon big deal kasi I know a lot of people na kaedad ko who isn’t into a relationship."


Hindi nakasama sa cast ng pelikulang Talk Back and You’re Dead ng Viva Films si Andre Paras dahil magkakaroon daw ng conflict sa taping schedule niya para sa afternoon teleserye ng GMA na The Half Sisters.

Originally ay kasama sana si Andre sa bagong pagbibidahang pelikula ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre—o mas kilala bilang JaDine.

Sabi ni Andre sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Dapat nga po yung whole cast ng Diary Ng Panget is in the movie.

“It turned out na ako lang po ang hindi nakasama, but Yassi Pressman is in the movie.

“When they checked po my taping schedule with The Half Sisters, hindi nag-jive with their shooting schedule.

“Aside from taping, I also attend school and I have basketball training pa.

“So it’s going to be complicated on my part if I shoot for the movie pa.

“So, Viva decided to pull me out of the movie.”

Aniya pa, “Okey lang po sa akin kasi ayoko rin na maging cause of delay ako both sa taping and shooting.

“Ayoko rin naman din po to sacrifice my training and school.

“So, it’s better to be safe than sorry.

“But of course, nakakapanghinayang because I wanted to work again with the cast.

“Na-miss ko na nga silang lahat but, hopefully, we can work together again in another project.”

Nakausap ng PEP si Andre sa set ng The Half Sisters, noong July 30, sa Urology Center of the Philippines, sa Quezon City.



FULLY ADJUSTED. Nakapag-adjust na raw si Andre sa kanyang career sa showbiz at madali raw siyang naging close sa cast ng kinabibilangan niyang teleserye.

“Yeah, at first medyo awkward pa ako with them, kasi nga po new people, new environment.

“But as we work, I get to know each and every person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now, we’re very close na kami nina Barbie [Forteza], Thea [Tolentino], and Derrick [Monasterio].

“We all get along, and even if we finish late, hindi kami nabu-bore kasi we have so much to talk about.

“Plus, I learn a lot from them, lalo na with Barbie, kasi she’s like the most experienced actor among our age group.

“’Tsaka parati kaming may scenes together, so I really get to see her work and she’s very good at what she does.

“Ako naman po, I try my best to really give out what I’ve learned in acting.

“So far, it’s all been going well and the good news is, we’re extended, so it means the show is doing very well.”



SAVE FIRST. Dahil sa magandang takbo ng career ngayon ni Andre, una raw itinuro sa kanya ng amang si Benjie Paras ay ang mag-ipon.

Kaya mula raw noong gumawa si Andre ng TV commercial sa edad na 13, nakaugalian na niyang mag-ipon.

Kuwento niya, “At first, I asked, ‘Why should I save?’

“Bata pa kasi ako that time and Dad was always there naman.

“Dad said that it’s important to have savings, so that when the time comes na may gusto akong bilhin for myself, I don’t need to ask it from him.

“So that started me sa pag-ipon. All that I earn, it goes directly to my savings.”

Ayon kay Andre, hindi naman siya magastos. At kung makakatipid siya, kahit sa kinakain niya, gagawin daw niya iyon.

“I’m not the type na manlilibre kasi.

“Sa sarili ko nga, I eat cheap food. I don’t really splurge that much on food.

“Basta mabusog lang ako, okey na ‘yon.

“For my clothes naman, I’m thankful for Bench. They sponsor me with clothes, so nakakatipid ako on clothing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pagdating naman sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga kapatid, nagiging generous daw si Andre.

“One time, I was with my two other siblings sa mall and they wanted me to buy them toys. So, naglambing, kaya okey lang.

“Nagulat lang ako kasi yung malaking Lego box kaagad ang pinili nila!

“I said, they can’t handle pa yung malalaking Lego. Dun muna sila sa maliliit. Yung medyo mura muna!” natatawang kuwento ni Andre.

Kahit sa bahay ay nagagawa rin naman daw niyang mag-share.

“One of the pagtitipid I do sa house is not using the air conditioner. So, malaking tipid din yun sa electricity.

“Sometimes I do the grocery. Well, basically, I buy food para sa akin.

“Pero dahil sa marami nga akong nabibili, I share it with the people in the house. Tutal lagi naman po akong wala sa bahay.”



ANDRE’S LOVELIFE. Zero daw ang lovelife ni Andre kaya wala siyang pagkakagastusan pagdating sa pakikipag-date.

Saad niya, “Right now, hindi po priority ang magkaroon ng girlfriend.

“One thing kasi, wala po akong time to even meet somebody that I would like to date.

“When I have the free time, it’s either I am in training or I spend it with my family.

“Well, I am not worried naman that I have no girlfriend.

“I guess hindi naman iyon big deal kasi I know a lot of people na kaedad ko who isn’t into a relationship.

“Yung mga kasama ko na lang sa show—sila Barbie, Derrick, and Thea—wala rin silang mga karelasyon.

“Siguro po, same din ang reason nila na wala silang time for that.

“But who knows, I would like to have an inspiration din naman someday.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN