Nadine Lustre on whether or not James Reid is courting her: "Ayoko mag-assume."

Nadine Lustre on James Reid: "If you first meet James, mukha siyang seryoso. But if you’ve known him for a while, you’ll see na kengkoy siya. I think it’s nice. I kinda like it how he’s like that.”


Inamin ni Nadine Lustre na hindi malayong mahulog ang loob niya kay James Reid, lalo pa’t pareho silang single and available.

Pagkatapos nilang pagbidahan ang pelikulang Diary Ng Panget, muling mapapanood ang kanilang tambalan sa follow-up movie nilang Talk Back and You’re Dead.

Bunsod nito, halos araw-araw silang nagkikita at mas nagiging malapit sila sa isa’t isa.

Sabi ni Nadine, “Well, I’ll be honest. Nagkaka-develop-an siyempre because the attachment goes deeper since palagi kami nagkikita at palagi kami nagkakasama.”

Nang tanungin kung nililigawan ba siya ni James, hindi direktang masagot ni Nadine kung may effort si James na ipakita na espesyal ang pagtingin nito sa kanya.

“I don’t know… wala kaming usapan.

“I’m the type of person who doesn’t want to assume talaga.

“Gusto ko ‘pag may malalaman man ako, 100 percent na tama.

"Ayoko nung, ‘Ganito kaya siya? May nararamdaman kaya siya? Ano kaya iniisip niya?’

"I don’t wanna assume," giit ng 20-year-old Viva artist.

Ang tanging malinaw umano kay Nadine ay pareho silang naka-focus sa kanilang showbiz career ngayon ng 21-year-old actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa Viva Entertainment office kahapon, August 6.

FUNNY GUY. Ayon pa kay Nadine, isa sa importanteng katangiang hinahanap niya sa isang potential boyfriend ay iyong malakas ang sense of humor.

“Actually, yes, I fall in love very easily if a guy can make me laugh.

"’Tapos parang ‘pag malungkot ako, may sasabihin lang siya, kahit maiksi lang. ‘Isipin mo si ganito.’ Then, I’ll laugh.”

Tingin ba niya ay may ganitong katangian si James?

Sagot ni Nadine, “If you first meet James, mukha siyang seryoso.

"But if you’ve known him for a while, you’ll see na kengkoy siya.

“I think it’s nice. I kinda like it how he’s like that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung anu’t ano pa man, aminado si Nadine sa pros and cons kapag nauwi sa totohanan ang pagiging magka-loveteam nila ni James.

"Advantages, like the chemistry, would flow more smoothly.

"We don’t need to act it out because it’s there. The love that you show to the other actor is really real.

"Pero kasi the disadvantage, for example, if we fight about something ’tapos magka-loveteam pa rin kami, it would be hard for us to concentrate and work properly kasi may problema kami," paliwanag ni Nadine.

"GUARD YOUR HEART." Naranasan na raw ni Nadine na magkaroon ng boyfriend noong 15 years old pa lang siya.

Tumagal daw ang kanilang relasyon ng mahigit isang taon, ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan.

“That was my first boyfriend when I was 15.

"After one year and few months, we broke up.

"After that, I tried dating. Siyempre teenager, you can’t take that away.

“Since I fall in love easily, I fell for this guy, but he turned out to be a prick.

“He does stuff. He cheated [on me]. Na-trauma ako.”

Kung mayroon man siyang natutunan mula sa kanyang karanasan, iyon ay mas maging mapili sa taong papapasukin niya sa kanyang buhay.

“Tama yung sinasabi nila na you really have to love yourself first before you can love someone else.

“Kung bigay ka na lang nang bigay ng love mo diyan, kung kanino mo siya ibinubuhos, what if he’s the wrong person?

"E, ikaw, wala kang pakialam sa sarili mo.

“But if you love yourself, you think about yourself first. ‘Baka saktan lang ako. Baka lokohin lang ako.’

"Iisipin mo muna maigi bago pasukin yung relasyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN