Dingdong Dantes says realistic slapping scene with Maricel Soriano is part of his job

Dingdong Dantes on playing a flawed character: “Lahat naman kami, nagkamali. Kumbaga, wala rin naman sa totoong buhay na perpektong tao. At lahat naman ng tao, I believe na may good nature ang tao. May kabutihan ang isang tao. Minsan, nagkakamali ka lang talaga."


Malaki ang pasasalamat ni Dingdong Dantes dahil patuloy na pinag-uusapan at mataas ang rating ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA Network—Ang Dalawang Mrs. Real.

Saad ng Kapuso actor, “I’m very grateful.

“Basta kami, ginagawa lang namin ang trabaho namin.

“Gusto lang namin ay makapaghatid kami ng isang magandang istorya.

“Isang istorya na bukod sa ito’y entertaining, may mapupulot ang ating audience.

“Ganoon naman ang mga formula ng isang programa na kakapitan mo.

“Yung isang programa na alam mong makaka-identify ka and, at the same time, makakapag-reflect ka kung paano ba ‘to kung mangyari sa akin. And you’ll be entertained.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa Iloilo City, noong August 1, para sa mga programa niya roon bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission at chairman ng Yes Pinoy Foundation.



SLAPPING INCIDENT. Pinag-usapan ang mahigit 20 beses na sampal sa kanya ni Maricel Soriano (bilang Millet), na gumaganap bilang misis ni Dingdong (bilang Anthony), pagkatapos nitong malaman na may ibang babaeng pinakasalan ang kanyang mister.

Si Lovi Poe (bilang Sheila) ang gumaganap na pangalawang asawa ni Dingdong.

Hindi pa rito natatapos ang “kalbaryo” ni Dingdong dahil sinugod at binugbog siya ng ama at kapatid ni Lovi, na ginagampanan nina Tommy Abuel at Dominic Roco, nang malaman ng mga ito ang ginawa niya.

Ano ang naramdaman ni Dingdong habang ginagawa niya ang mga eksenang ito? Sa teleserye pa lang naman nangyari ito sa kanya, ‘di ba?

“Kahit sa totoong buhay!” natatawang biro ng Kapuso Primetime King.

Hindi ba siya nakaramdam ng pagkapikon dahil naging makatotohanan ang pagkakasampal at pananakit sa kanya?

Sagot niya, “Wala naman.

“Lahat naman kami, in character. Lahat naman kami, professional.

“Ganoon talaga kami ka-committed sa aming ginagawa.”

Nagulat ba siya nang totohanin at ganun pala karami ang sampal na matatanggap niya mula kay Maricel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dingdong, “Nagulat ako noong una, pero yung sumusunod, hindi na.

“Pero alam ko naman na darating, so the surprise wasn’t abrupt.”

Bagamat kamuhi-muhi ang ginawang pagpapakasal sa dalawang babae ng karakter na ginagampanan ni Dingdong sa teleserye, mayroon pa rin simpatiya ang mga manonood para sa kanya.

Ano sa palagay ni Dingdong ang dahilan nito?

Saad niya, “Lahat po ng character naman, flawed characters kami. Lahat naman kami, nagkamali.

“Kumbaga, wala rin naman sa totoong buhay na perpektong tao.

“At lahat naman ng tao, I believe na may good nature ang tao. May kabutihan ang isang tao.

“Minsan, nagkakamali ka lang talaga.

“At sa kuwentong ito, ito ang na-highlight—yung pagkakamali.

“Pero like what I always say, yung mahalagang bagay diyan, e, kung ano ang gagawin mo pagkatapos ng pagkakamaling ito.”

Gaano niya kagusto o kaayaw ang karakter na ginagampanan niya?

Sagot ni Dingdong, “I like it because it’s the most challenging.

“I hate it, because it’s the most difficult to portray.”



TWO WIVES. “Wonderful” kung ilarawan ni Dingdong ang pakikipagtrabaho niya sa dalawang “misis” niya sa Ang Dalawang Mrs. Real na sina Maricel Soriano at Lovi Poe.

“Equally as wonderful. They’re both, you know, what we can say modern, respectable actresses that are achieving with flying colors.”

Special mention din kay Dingdong ang gumaganap na mga magulang niya sa teleserye na sina Coney Reyes at Jaime Fabregas.

“I couldn’t ask for more for having her as a mother who’s trying to protect her son that committed a great mistake.

“As well as with Mr. Jaime Fabregas as my father.”

Sa takbo ng kuwento ngayon ng Ang Dalawang Mrs. Real, ipinapakitang mas pinili ni Dingdong ang tunay niyang asawang si Maricel kesa kay Lovi.

Pero ayon kay Dingdong, “Sa ngayon, yung asawa ko talaga ang pinili ko. Sa ngayon… hindi natin alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang kagandahan ng isang teleserye. Nag-iiba-iba ang ihip ng hangin depende sa sitwasyon.”

Inamin ni Dingdong na tila naging babala para sa kanyang huwag gayahin ang ginawa ng karakter na ginagampanan niya sa teleserye.

“Unang-una, it’s very delicate na gumanap ka ng isang character na ikasal sa dalawang babae.

“Medyo may very thin line ‘yan ng pag-portray ng tao na maging black talaga ang pananaw ng tao sa kanya or gray.

“Nandiyan ‘yan sa gray, kasi hindi naman 100 percent na masama siya, so delikado rin kung paano mo siya gampanan.”

Dahil sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa Ang Dalawang Mrs. Real, may posibilidad kayang mag-extend sila?

Sabi ni Dingdong, “Sa pagkakaalam ko, matatapos kami kung kailan kami dapat matapos.

“Para sa akin, kung hanggang doon ang istorya, hanggang doon lang dapat.”

Marami pa bang aabangan sa kanilang teleserye?

“Siyempre, ito ang aabangan kung paano huhupa, paano mare-resolve, paano matututo, at paano matatapos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN